KABANATA 15

7K 129 19
                                    

Alex's Outlook

Gumising ako ng walang tatang na nakita. Tanging sulat sa gilid ng kan'yang higaan ang tumambad sa akin na nagsasabing maaga siyang papasok sa kan'yang kompanya.

Bumangon na ako at pinulot ang aking mga damit saka ito isinuot. Inayos ko ang higaan saka tiningnan ang paligid kung maayos na ba bago tuluyang lumabas.

Marahan akong naglalakad sa pasilyo patungong k'warto namin ni Kit na nagbabakasakaling nandito pa siya at baka mahuli ako at magtanong kung bakit ako sa k'warto ni tatang natulog ng may magsalita sa aking likod.

"Can we talk?" Paos ang kan'yang boses. Lumingin ako at tumambad sa akin ni Kit na mugto ang mga mata. Dahil siguro sa pagtangis.

"Kit" 'yan lang ang nasabi ko. Hindi ko mahanap ang salita na gusto kong sabihin. Gusto ko siyang lapitan, hagkan at tanungin kung bakit mugto ang kan'yang mga mata subalit hindi nakikisama ang aking mga paa at labi.

Naglakad siya patungong handan na akin namang sinundan. Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang makaabot kami ng sala.

Nagtataka ako kung bakit may dalawang malaking malita sa gilid. "Aalis ka?" Natanong ko sa kan'ya.

Ngumiti siya sa akin saka umupo. Pinasunod naman niya ako na akin namang ginawa.

"Oo. Pero gusto ko munang mag usap tayo." Sabi nito na akin namang kinalito lalo.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Kase ang tanga ko Alex. Ang tanga-tanga ko." Sinabi niya 'yan ng nakangiti.

"Hindi kita maintindihan.". Pag amin ko sa totoo.

"Hindi ako manhid Alex. Alam kong may namamagitan sa inyong dalawa ng daddy ko." Natulala ako. Nangapa ng sasabihin.

Alam niya? O sinasabi niya lang ito para mahuli ako? Anong sasabihin ko?

Sa huli ay pinili kong tumahimik na lang at hayaan siyang magsalita.

"Noong una Alex ang hirap pang aminin eh. Nagbulag-bulagan ako. Kahit sobrang sakit. Kahit ang hirap tanggapin. Pinaniwala ko ang sarili ko 'Lex na mahal mo ako eh. Na daddy ko 'yon. Hindi mo siya papatusin.  But it's hard. Ang sakit-sakit." Siya nito habang nakangiti pa din.

"Kit I will explain." 'yan na lang nasabi ko at tangkang hahawakan siya pero pinigilan niya ako.

"No need 'Lex. Alam ko naman na ang totoo. I'm just here to clear everything so that I can start my new life." By saying that, tears started falling down from his eyes.

"Noong dumating tayo dito napansin kong may nag-iba sayo. Palagi kang balisa at kinakabahan tuwing malapit si daddy. Iniisip ko that time na intimidated ka lang sa kan'ya but then gumising na lang ako ng isang umaga bigla na lang ang pagiging close niya sa isa't isa. That's when I started questioning why." Kinakain ako ng mata niya habang magsalita siya. I wanted to explain my side. Gusto kong yakapin siya, sabihin na wala kami ng daddy niya, na mahal ko siya, na siya lang at wala ng iba pero hindi ko magawa kase lahat ng sinabi niya ay totoo. Niloko ko siya. Niloko namin siya ng daddy niya.

"On my birthday I saw you papunta sa kubo ni daddy. On that time pakiramdam ko na may gagawin kayo that's when I ask Mike to kiss me that happened to be masugid kong manliligaw. He did kiss me. You saw it. I thought lalapitan mo kami at sasapakin mo si Mike just like how you punched dudes who go near me but you don't. Tumuloy ka sa kubo ni daddy and pretend that you didn't see it. It breaks my heart you know that 'Lex? Sobrang sakit!"

'I'm so sorry Kit. I'm so sorry.' Gusto kong humingi ng tawad pero tela may pumipigil sa akin na gawin iyon.

"I followed you 'Lex. I followed you that time just to find out both of you kissing each other. I saw how you touch each other. Ramdam ko ang init niyong dalawa. I saw it. I and Mike saw it."

MY BOYFRIEND'S DADDY [BOYXBOY]Where stories live. Discover now