Chapter 6

144 10 0
                                    

LYLE POV

Yow, wazzup guys! Lyle Moleno nga pala, ang napaka gandang kaibigan ni Raven.

"Lyle, nagawa mo 'yong assignment sa English?" tanong ni Krystal

"Oo, bakit?" I asked.

"Pa copy ako, si Raven kasi ang damot, eh." nakangusong sabi nya habang nakatingin nang masama kay Raven.

"Ako pa talaga madamot?" sabat ni Raven.

"Bakit kasi 'di mo ginawa?" tanong ko.

"Nakalimutan ko," sagot nya habang nakangiti nang pilit

"Oh 'yan na." sabi ko saka inabot sa kaniya 'yong notebook ko.

"Raven, notebook mo oh," sabi ko saka inabot din sa kaniya.

"Tapos mo na?" tanong nya.

"Ay tanga lang, Raven? Malamang sa alamang, ibabalik nya ba kung hindi pa sya tapos." sabat ni Krystal habang nagsusulat. Binatukan naman sya ni Raven

"Ikaw ba kausap? Sabaterang gurang, tss." sagot naman ni Raven

Here we go again.

"Sinong gurang?" kunot noong tanong ni Krystal.

"Si Lyle siguro, 'no? Malamang ikaw!" sagot naman ni Raven.

"Raven Claire!" malakas na sigaw ni Krystal

"Krystal!" malakas din na sigaw ni Raven

Lord, bakit ba ganito mga kaibigan ko? Mabait naman ako eh huhu.

Bago pa sila magsabunutan pumagitna na agad ako sakanila.

"Hep! Tama na, okay? Umagang-umaga mga boses nyo umaalingawngaw." sabi ko habang tinitignan silang dalawa.

"Eto kasi!" sabay nilang sabi habang nakaturo sa isat-isa.

"Tama na kasi, para kayong mga batang nag-aagawan sa isang pirasong candy." sabi ko.

Gosh! Para akong nanay na pinagsasabihan 'yong dalawang anak, haysst.

"Mag tigil na kasi kayong dalawa. Mamaya pasukin tayo rito ng teacher, eh." sabi ko pa.

"Haysst! Maka alis na nga muna." sabi ni Raven saka naglakad paalis.

"Ven, san ka pupunta?!" sigaw ko pero tuloy-tuloy lang sya.

"Hayaan mo muna sya, magpapalamig lang 'yon ng ulo." sabi ni Krystal habang busy ulit sa pag sulat.

***

RAVEN POV

"Epal talaga 'yung Krystal na 'yon kung 'di ko lang sya kaibigan nasamapal ko na sya magkabilaan." sabi ko habang naglalakad.

Habang nag lalakad ako ay hindi na lang napansin na may nabangga na pala ako.

Anak ng?! Bat may pader dito?

"Ehem."

Lah? Nagsasalita? Wow astig haha.

"Nag eenjoy ka ba sa pag amoy sa'kin?"

Ayy putcha! Tao pala!

"A-Ah ehh, s-sorry." paumanhin ko kay Dave saka tumakbo palayo.

Piste ka Raven anong nasa utak mo? Ang shunga mo kahit kailan. Kahiya ka shet!

Pagkatapos ng nakakahiyang pangyayari kanina dumiretso na 'ko ng room kasi malapit na mag-time.

Mr. Sungit and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon