Chapter 37

134 7 0
                                    

RAVEN POV

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng napakalaking pintuan at hinihintay matapos lumakad 'yong mga abay. Hindi ako 'yong ikakasal pero kinakabahan ako.

Tinawag naman ako ng wedding organizer dahil ako na ang last na mag lalakad. Nang makapasok ako dahan-dahan akong naglakad hanggang sa marating ko na ang upuan ko. Sumulyap naman ako kina Dave at nakitang nakatingin din sya sa gawi ko. Binigyan ko naman sya ng tipid na ngiti.

Maya-maya pa ay nag iba na ang tugtog at lahat ng mata namin ay na kay Amanda. Napangiti naman ako. Napaka ganda nya.

Kasama nyang naglalakad ang kanyang mama at papa. At mukhang may pinag uusapan sila dahil nakita kong gumagalaw ang bibig ng mama nya. Nang makarating sila sa harap, niyakap pa muna ni Reeven 'yong mama ni Amanda bago ito umupo sa may bandang tabi ko. Ang papa naman ni Amanda ay mahina namang tinapik ang braso ni Reeven at may ibinulong bago umupo sa kanyang upuan.

Nagsimula na ang seremonya at nakinig kami sa saglit na sermon ni Father. Hanggang sa nagpalitan na sila ng kanilang vows.

"You may now kiss the bride."  announce ni Father kaya hinarap ni Reeven si Amanda at tinaas ang belo nito bago halikan. Pinalakpakan namin silang dalawa. Tinawag naman kami ng photographer para picturan kami. Nang matapos 'yon ay dumiretso na kami sa reception.

Magkatabi kami ni Dave sa upuan at katapat naman namin sina Brix at Krystal.

"What do you want?" tanong nitong katabi ko.

"Kukuha kuha na lang ako." sagot ko. "Ikaw, kumain ka na r'yan." ani ko dahil wala pang laman 'yong pinggan nya.

"Pakainin mo 'ko." malambing na sabi nya.

"Yuck Dabe hindi bagay sa 'yo 'yang ganiyan." sabi ni Brix habang tumatawa.

"Fuck you! Hindi ikaw kausap ko kaya manahimik ka." nagsusungit na naman sya.

Tinawanan nalang namin ni Krystal silang dalawa. Kaunti lang ang kinain ko dahil may pupuntahan daw kami mamaya ni Dave.

"Sayang hindi kayo kumpleto." maya-mayang sambit ni Krystal.

"Wala naman si Darwin dito sa pilipinas mi, eh." sagot ni Brix sa asawa.

"Eh nasaan?" tanong ko.

"Chicago," sabay na sagot ni Dave at Brix.

Tumango-tango naman kami ni Krystal.

"Congrats ulit, Reeven at Amanda." sabi ko sa kanila.

"Thanks, Ven." sabi ni Amanda at bineso-beso ako.

"Saan ang punta natin?" tanong ko nang makasakay kami sa sasakyan.

"Basta. Pero bago 'yon, dadaan muna tayo sa bahay para kumuha ng damit pang palit natin." aniya.

Una kaming dumaan sa bahay para ako muna ang kumuha ng damit ko. Dalawang pares ang kinuha ko bago lumabas ng bahay. Sunod naman naming pinuntahan ay 'yong bahay nya. Pagkarating namin sa bahay nya, napanganga ako sa sobrang ganda.

Grey at puti ang kulay ng bahay nya. Mayroon na rin itong garahe, at mayroon ding second floor.

"Your house is nice." sabi ko habang naglalakad kami papasok ng bahay nya. Humarap naman sya sa akin nang nakangiti.

"This house will be yours too after we get married." aniya kaya namula ako matapos kong marinig 'yon.

"Bilisan mo na nga. Antayin nalang kita rito." sabi ko at nagpaiwan sa sala.

Mr. Sungit and IWhere stories live. Discover now