Chapter 17

115 6 0
                                    

RAVEN POV

"Iha! Oh my, I'm glad to see you again."

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Dave sa bahay nila agad akong sinalubong ng yakap ni tita.

"Mom, nasasakal mo si Raven." saway ni Dave sa mommy nya kaya nakangusong humiwalay sa'kin si tita.

"Ang Oa mo naman, namiss ko lang sya, okay?"

"Ate Raven!" sunod namang yumakap si David.

Narinig ko naman ang mahinang buntong-hininga ni Dave kaya mahina rin akong tumawa.

"Come on, let's eat. I cooked your favorite foods." sabi ni tita at nauna nang pumunta sa dining area.

"Iha, kumain ka nang marami ha? 'Wag kang mahihiya." nakangiting saad ni tita.

"By the way, malapit na ang vacation nyo, right?" tanong ni tita kaya sabay kaming tumango ni Dave.

"Saan kayo magbabakasyon, iha?"

"Ah sa bahay lang po kami, tita." sagot ko.

"Gusto mo bang sumama sa'min? We plan to take a vacation in Boracay kasi eh."

"Ahm, I'll try po. Magpapaalam po muna ako kay mommy."

"Yiee! I'm sure papayagan ka." excited na saad nya.

Nag-stay pa ako ng ilang oras sa bahay nila Dave nang mapagpasyahan na 'kong ihatid ni Dave.

"Goodbye, tita." sabi ko at nakipag-beso-beso sakanya.

"Goodbye iha, take care."

Pagkahatid sa'kin ni Dave sa bahay, nagpaalam na 'ko sa kanya at umalis na sya.

"Where have you been, sweetie?" tanong ni mommy habang may tina-type sa laptop nya.

"Kina Dave po mom, pinapunta po kasi ng mommy nya." sagot ko saka humalik sa pingi nya.

"Ow.. Okay, kayo na ba ni Dave?" tanong pa nya.

"Hind pa po, but plano ko na po syang sagutin after graduation." nakangiting sagot ko.

"Come here, sweetie." lumapit naman ako at umupo sa tabi nya.

"Parang kailan lang hinahabol-habol pa namin kayo ng daddy nyo baka bukas may pamilya na kayo ng kakambal mo."

"Mommy naman, hindi pa nga ako nakakapagpatayo ng sarili kong shop eh." pagmamaktol ko. Natawa naman sya.

"Why? I'm just saying." Natatawang sagot niya.

"Tsaka kahit naman po magkaroon na kami ng pamilya ni Reeven in the future, hinding-hindi ka namin kakalimutan."

"Kung buhay lang siguro ang daddy nyo, I'm sure proud 'yon sa inyo." nagulat ako nang marinig kong sumisinghot si mommy.

"Shh... Stop crying mom, kung nasaan man si dad ngayon sigurado akong masaya na sya."

"I know, sweetie, I know. Hindi ko lang maiwasang ma-miss sya."

Niyakap ko sya at pinatahan. Napatigil kami nang biglang bumukas ang pinatuan at iniluwa no'n si Reeven.

"Bakit nag-iiyakan kayo r'yan?" kunot-noo nyang tanong.

"Namiss lang ni mom si dad. Kumusta lakad mo?" tanong ko.

"Okay naman," sagot nya

"Saan ka rin ba galing?" tanong sakanya ni mommy.

Mr. Sungit and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon