Chapter 10

137 9 0
                                    

RAVEN POV

"Saan ka ba pupunta?" tanong ni Dave.

"Mall," tipid na sagot ko.

"May kikitain ka ro'n, 'no?" tanong nya kaya kumunot ang noo ko.

Pinagsasabi nito?

"Baka nga may kikitain ako." bulong ko.

"So, may kikitain ka nga?" tanong nya kaya napatingin ako sakanya.

"Pinagsasabi mo? May bibilhin lang ako." sabi ko.

"Eh bakit ayaw mo magpasama?" tanong pa nya.

"Ang dami mong tanong eh 'no?" inis na sabi ko.

"Is it bad to ask?"

"May sinabi akong masama?" balik kong tanong sakanya.

Nang makarating kami sa mall ay agad na akong bumaba ng kotse nya at dumiretso na sa NBS.

Habang nagtitingin ako ng mga ballpen, nagulat nalang ako nang may magsalita sa likuran ko.

"Peste naman, Dave!" sabi ko saka humarap sakanya.

"What?" inosenteng tanong nya.

"What mo mukha mo! Bakit ka ba nanggugulat? Tsaka anong ginagawa mo rito? Ang akala ko ba ihahatid mo lang ako?" sunod-sunod na tanong ko.

"Why? Is this your house?" tanong nya.

"Anak ng tokwa naman oh." napapikit nalang ako sa inis.

Hindi ko nalang sya pinansin at ipinagpatuloy nalang ang pagpili ng ballpen. Nang makapili ako, pumunta na 'ko ng counter para magbayad.

Paglabas ko ng NBS dumiretso ako sa department store para bumili ng ice cream at biscuit ko.

"Pati ba naman dito susundan mo'ko?" tanong ko kay Dave.

"So? Share mo lang?"

Napaka epal talaga!

"Epal ka? Tss." sabi ko saka tinalikuran sya.

Pagkatapos kong magbayad, lumabas na ako at dumiretso na sa parking lot.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" tanong nya.


"Aba't?! Pinagloloko mo ba 'ko? Ang sabi mo ihahatid mo 'ko sa bahay." sabi ko, tumawa naman sya.

"Alam mo? Naguguluhan ako sayo." sabi ko.

Nagtataka naman syang tumingin sa'kin. "Bakit naman?

"Kasi kanina para kang babaeng may mens tapos ngayon ang ano mo." ani ko

"Anong ano?" takhang tanong niya.

"Basta! 'Yong totoo adik ka ba?" tanong ko.

"Itong mukhang 'to? Adik?" turo niya sa mukha niya, napa-irap nalang ako.

"Eh ikaw? Kanina nga para kang baliw tapos ngayon ang sungit-sungit mo." sabi nya.

"Ikaw lang ba pwede maging masungit?" taas kilay kong tanong sakanya pero imbis na sagutin nya ko ay nanahimik nalang sya. Tch!

Kinabukasan.

"Raven, nakabili ka ba ng ballpen?" tanong ni Lyle.

"Oo, muntik ko pa ngang makalimutan eh." sagot ko.

Mr. Sungit and IWhere stories live. Discover now