Chapter 25

113 6 0
                                    

RAVEN POV

Akmang susugurin ni Krystal 'yong babae nang hawakan ko ang kamay nya para pigilan. Tumingin naman sya sa'kin habang nakakunot ang noo.

"Let's go, tal." sabi ko at pilit syang hinila.

"Tangina, Raven. Ano? Wala kang gagawin?" naguguluhang tanong nya.

Hindi ko sya sinagot dahil tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Putangina, ganito pala kasakit. Bakit Dave? Sabi mo hindi ka gagawa ng ikakasakit ko? Sabi mo hindi ka gagawa ng kalokohan? Saan napunta lahat ng mga salita mo?

"Raven! Nakikinig ka ba?! Bakit hindi mo sinugod 'yong babaeng 'yon? Ano, okay lang sa'yo na ginagano'n nya si Dave na boyfriend mo?" napahilamos sya ng mukha nya sa pagkadismaya.

"Akala mo ba okay lang sa'kin 'yon? Hindi Krystal. Hindi. Kasi alam mo ba kung gaano kasakit makita syang pinapaligaya ng babaeng 'yon. Krystal, masakit... Ang sakit-sakit." umiiyak sa sabi ko.

"So, bakit hinayaan mo lang na gano'n?!" sigaw nya.

"Kasi mahal ko sya! Mahal na mahal ko sya, Krystal." napa-upo nalang ako dahil talagang nanghihina ang mga tuhod ko. "Nangako sya sa'kin, tal. Nangako sya sa'kin na hindi gagawa ng ikakasakit ko pero bakit... bakit nangyari 'to? Pinanghawakan ko 'yon." niyakap ako ni Krystal na umiiyak na rin.

"Mahal mo sya pero bakit—" pinutol ko ang sasabihin nya.

"Hindi ko kaya... Hindi ko kayang makita 'yong ginagawa nila. Hindi ko kayang manakit, tal."

Mababaliw na yata ako. Parang gusto kong sumigaw nang malakas upang maibsan man lang sana itong sakit are nararamdaman ko. Kung alam ko lang sana na ganito kasakit, hindi ko na sana sya hinayaang makapasok sa buhay ko. Hindi ko na sana hinayaang mahulog ang loob ko sakanya.

"Nahanap nyo na ba si Dave? Ven, are you okay? Bakit umiyak ka?" sunod-sunod na tanong ni Lyle.

Hindi ko 'yon sinagot kaya si Krystal na ang nagsalita. Nanatili akong tahimik habang paulit-ulit na iniisip kung bakit nangyari 'to. Ang hirap kasing matanggap eh. 'Yong taong hindi mo akalaing lolokohin ka pero nagawa nya.

Lumandas muli ang mga luha ko. Ang sabi ko last na iyak ko na 'yong kay daddy pero hindi pa pala.

"Sino 'yong babaeng 'yon, Raven nang maturuan ng leksyon. Shhh... Stop crying. Ako ang nahihirapan eh." niyakap ako ni Lyle ng mahigpit kaya mas lalo akong umiyak.

Humiwalay na ako sa yakap nya at inaya ko na silang umuwi. Pagod na pagod na 'ko kaya kailangan ko ng magpahinga. Kung pwede lang sana panghabang-buhay na pero hindi pwede... Hindi ko kayang iwan sina mommy at Reeven.

"Tama na ang iyak, ha? Magpahinga ka na." ani Lyle habang inaayos ang kumot ko.Tumango nalang ako at nagpasalamat bago sya pumunta sa higaan nya.

Nakailang baliktad ako sa higaan ko dahil ayaw akong patulugin ng nakita ko kanina. Please naman, pagpahingahin mo na ako. Pagod na pagod na ako... hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit ng puso ko.

Buong gabi akong umiyak at nang mapagod ay kusa na rin akong nakatulog. Kinaumagahan, masakit ang mata ko dahil magdamag akong umiyak kagabi.

Bumangon na ako saka dumiretso sa banyo para makapaghilamos at pagkatapos bumaba na ako saka tinungo na ang kusina. Nadatnan ko sila Lyle na kumakain, napatingin naman sila sa'kin kaya binigyan ko sila ng tipid na ngiti.

"Good morning, Ven. Tara kain na tayo." nakangiting wika ni Lyle.

Umupo nalang ako sa pwesto ko at nagsimula nang kumain.

Mr. Sungit and IWhere stories live. Discover now