Chapter 15

124 6 0
                                    

RAVEN POV

"Raven, iha. Are you okay?" tanong ni tita Trisha

Umiling ako. "Hindi ko po alam, tita. Wala na po si daddy, tita, eh. Iniwan na nya kami."

"Andito pa naman mommy nyo, eh." sabi nya. "Btw, happy birthday."


Napabuntong hininga muna ako bago magsalita.


"Where's Reeven, tita?" tanong ko.


"Nasa labas may binili yata." sagot nya, tumango nalang ako.


"Ahm tita, saan po ibuburol si dad?"


"Saan ba gusto nyo?"


"Pwede po bang sa bahay nalang?" tanong ko.


"Hmm, kung 'yon ang gusto nyo."

******

Pagka-uwi namin ng bahay, sinalubong ako ng yakap ni manang kaya umiyak na naman ako.

Peste! Bakit ba ayaw maubos ng luha ko? Pagod na pagod na 'kong umiyak!

"Tahan na, iha. Hindi magugustuhan ng daddy mong umiiyak ka lalo na't birthday nyo ngayon." sabi ni manang habang hinahagod ang likod ko.

"Ang hirap kasing tanggapin na wala na si daddy, manang eh."

"Wala tayong magagawa, iha. Hindi natin hawak ang buhay natin." sabi pa nya. "Tahan na, ipinag luto kita ng paborito mo."

Ngumiti naman ako. "Thank you po manang."

***

"Tita? Hindi pa po ba uuwi si Reeven?" tanong ko kay tita.

"Mamaya siguro, iha. Pupuntahan ko sya ro'n para ako naman ang papalit na magbabantay sa mommy nyo." sagot nya, tumango nalang ako saka pumunta sa sala kung saan nakaburol si dad.

"Raven, condolence." niyakap ako nang mahigpit ni Lyle.


"Thanks, Lyle. Upo ka muna at ikukuha muna kita ng makakain." sabi ko at saka tumungo na sa kusina.


Nang makakuha ako ng pagkain, bumalik agad ako sa sala.


"Here, kain ka muna."


"Thanks, Ven. Kasama ko nga pala si dad." sabi nya.


"Raven, iha. Condolence. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa daddy mo." agad naman akong niyakap ni tito.


"Thank you po, tito."


***

"Kumusta si tita?" tanong ni Lyle.

"Hindi pa sure kung kailan sya gigising." matamlay na sagot ko.

Hinagod naman nya ang likod ko.

"If you need someone to talk to, I'm here, hmm?" sabi nya.

"Thank you sa inyo." sabi ko at niyakap sya.

******

"Iha? Magpahinga ka na ako na ang bahala rito." sabi ni manang.


"Maya-maya po manang." sagot ko.


"Sige, 'wag kang magpupuyat masyado ha?" tumango naman ako.


Lumapit ako sa kabaong ni dad at nagsimula na namang umiyak.


Mr. Sungit and IWhere stories live. Discover now