Chapter 2

205 13 0
                                    

RAVEN POV


Pagkarating ko sa bahay nila Lyle ay agad na akong nag doorbell. Maya-maya pa ay binuksan na ni Ate Rica 'yong gate, katulong nila.

"Ikaw pala iyan, Raven. Tara pasok ka, kanina ka pa nila hinihintay." sabi nya.

"Salamat po, ate." nakangiting sagot ko at naglakad na papasok.

"Raven, iha! How are you? You look so pretty." salubong sa'kin ni tito.

"Ahh ehh t-thank you po, tito." sagot ko.

"You're welcome iha, sitdown." sabi ni tito kaya umupo na ako.

"Ahmm sa tingin ko nasabi na sa inyo ni Lyle na may pasalubong ako para sa inyo." si tito.

"A-Ahh opo kasasabi niya po sa 'min no'ng uwian hehe," si Krystal ang sumagot.

"Well, that's good. Wait, kunin ko muna sa kwarto." sabi ni tito saka tumayo at naglakad paakyat.

"Ano kayang pasalubong 'yong ibibigay sa 'tin?" nakangusong tanong ni Krystal.

"Mag antay nalang tayo." sagot ko.

"Oh! Here it is, this is for you Krystal." Sabi ni tito saka inabot kay Krystal 'yong paper bag.

"And this is for you Raven." sabi niya ulit at inabot sa'kin 'yong isang paper bag na hawak niya.

Ano kaya laman nito? Sa bahay ko nalang bubuksan.

"Salamat po, tito." sabay naming sabi ni Krystal.

"You're welcome mga iha. Btw, dito na kayo mag dinner nagpaluto kasi ako ng mga paborito niyong tatlo, eh." sabi ni tito.

"Hala tito salamat po talaga." sabi ko.

"Hindi naman kayo iba sa akin, eh... Para ko na rin kayong anak, 'no." si tito, kung nagtataka kayo kung bakit daddy lang ni Lyle ang nandito, ahmm ganito 'yon... 'Yong mommy niya is matagal ng patay.

No'ng nag-aya na si titong kumain ay agad na kaming pumunta sa dining area.

"So girls, how's your study?" tanong ni tito.

"Ahmm, okay naman po tito hehe." sagot ni Krystal.

"Hmm, that's good." sabi nya at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Kumain nalang kami nang kumain hanggang sa natapos kami. Nagpahinga muna kami saglit bago mag paalam na uuwi.

"Tito, una na po kami. Salamat po rito at sa dinner." sabi ko.

"Okay, take care."sabi ni tito kaya lumakad na kami palabas.

After a minute.

Nakarating na 'ko sa bahay kaya naman ay dali-dali na 'kong pumasok.

"Hi, Raven..."

Anak ng?! Ano pang ginagawa nila rito?

"Bakit nandito pa sila?" tanong ko kay Reeven.

"So, ano naman sa 'yo." sagot niya napairap naman ako.

"Tsh! Whatever." sabi ko saka umakyat na papuntang kwarto ko pero bago ako maka akyat ay nagsalita siya.

"Did you eat already?" tanong niya.

At dahil pinahiya niya ako kanina, nakaisip ako ng kalokohan. "Ano naman sa'yo kung 'di ako kakain?" kitang kita sa mukha niya ang pagka inis kaya tumawa ako nang malakas.

"Ang sarap mo namang asarin. Oo, tapos na ako kumain." sagot ko.

"Crazy.. tss!" Dinig kong sabi ni Dave.

Mr. Sungit and IWhere stories live. Discover now