Chapter 21

106 8 0
                                    

RAVEN POV

Tatalong araw na ang lumipas simula no'ng magumpisa na ang klase. Parehas kaming naging busy ni Dave kaya bihira lang kami magkita. Same lang din kila Lyle at Krystal, magkakaiba kasi ang school at course na kinuha namin. Si Lyle mag totourism, si Krystal naman magdodoctor. Samantalang ako, pastry chef ang kinuha ko.


Tuwing weekend lang kami nagkakasama ni Dave at ng mga kaibigan namin.


"Nag-aaya si Brix na magbar, pwede ba?"


Napatingin naman ako sakanya. Nandito kasi kami sa bahay nila.


"Kailan?"


"Tomorrow night. Can I come?" tanong nya.


"Oo naman... Minsan lang kayo magkita ba't kita pagbabawalan? Basta ba 'wag kang iinom nang marami ha?"


"Hindi ka magagalit?" nakangusong tanong nya habang nakayakap sa'kin.


Natawa naman ako. "Bakit ako magagalit? Gaya nga ng sinabi ko minsan nalang kayo magkita kaya papayagan kita basta 'wag kang magpapakalasing." sabi ko.


"Wala akong gagawing kalokohan... I promise."


"Aba dapat lang, kung hindi goodbye, Dabe." pagkasabi ko no'n bigla nya akong niyakap nang mahigpit.


"Promise wala akong gagawing kalokohan. I can't afford to lose you."


Kinabukasan, lunes. Kaya naman maaga akong nagising at naligo na. Pagkatapos no'n ay agad na akong bumaba para makapag breakfast na.


Mabilis akong natapos kumain kaya nagpaalam na ako kay mommy na papasok na.


"Take care sweetie," hinalikan ko nalang sya sa pisngi at umalis na.


Si Reeven mamaya pang 1pm ang pasok kaya hanggang ngayon tulog pa.


Mabilis akong sumakay ng taxi pagka para ko. Maya-maya pa ay nakarating na ako ng University kaya nagbayad na ako sa driver bago bumaba at nagmamadaling pumasok. Ayaw na ayaw ko kasi ang nalelate.


Lakad-takbo ang ginawa ko kaya hingal na hingal akong pumasok ng classroom.


"Ano't hingal na hingal ka, Raven? May humahabol ba sa 'yo?"  tanong ni Irene, isa sa kaclose ko rito sa klase namin.


Nginitian ko nalang sya bago sumagot. "Akala ko kasi late na ako eh."


"Girl... 7:20 am palang, 8:00 start ng klase natin 'no." singit naman ni Tanya.


"Basta ayokong malate. Eh kayo? Bakit ang aga nyo?" tanong ko.


Lumakad na ako papunta sa upuan ko para ibaba ang mga gamit ko.


"Duh! Malapit lang kaya 'yong apartment namin dito." sagot ni Tanya.


Tumango-tango nalang ako. Nag-aya si Irene na pumunta muna ng cafeteria kaya ro'n muna kami tumambay habang inaantay magumpisa ang klase namin.


7:40 no'ng maisipan na naming bumalik ng classroom. Maya-maya kunti ay dumating na rin ang professor namin at nagsimula nang magdiscuss.


Tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya, ang iba pa ay inaantok pa. Kaya no'ng mapansin n'yang gano'n ang itsura ng mga kaklase ko bigla siyang nagpa surprise quiz. Buti nalang at nakinig ako sa tinuturo nya kahapon kaya kahit papaano'y may naisagot ako.


"Nakaka inis talaga 'yong matandang panot na 'yon, isabay mo pa 'yong mga kaklase nating nakakabwisit." reklamo ni Irene. Eh pa'no bagsak sya sa quiz kaya mainit ang ulo.


Mr. Sungit and IOù les histoires vivent. Découvrez maintenant