Eleven

1.1K 56 6
                                    

THIRD PERSON POV

Nagising si Kavyn dahil sa lagkit na nararamdaman ng katawan niya.

Babangon na sana siya ng bumungad sa kanya ang sakit ng katawan lalo na sa kanyang bewang at pang-upo.

"Ahh! Putcha ang sakit!" Singhal niya at napakapit pa sa kumot na bumabalot sa hubad niyang katawan.

Hubad? Teka bakit wala akong suot!

Sinilip niya ang katawan sa loob ng kumot at kumpirmado nga na wala siyang saplot kahit isa.

The fuck!

Muli niyang nilukob ang sarili sa kumot. Naalala niya ang nangyari kagabi.

Kung paano siya nagpaubaya sa taong kumidnap sa kanya.

Kung paano siya bumigay sa mapang-akit nitong tingin pati ang mapang-akit nitong halik na dahilan kung bakit hindi niya nalabanan ang sariling temptasyon.

Umupo siya ng pwesto habang pinagdadasal na isa lamang masamang panaginip ang nangyari.

"Tangina Kavyn anong ginawa mo!" Bulyaw niya sa sarili.

Sinubukan niyang tumayo pero gumagalaw pa lang siya paalis ng kama ay sumusuko na siya dahil sa sakit.

"Ahh... Tangina bakit ganito!" Singhal niya at sinabunutan ang sarili.

Kung bakit ba kasi napaka-rupok mo Kavyn.

"Tangina makita ko lang talaga siya! Babalatan ko siya ng buhay!" Sigaw niya dahil sa inis.

Hayup kang hapon ka!

"Punyeta ka Yukito!" Muli niyang sigaw at basta na lang pinag-babato ang mga unan na meron sa kama.

Pero napatigil siya ng biglang bumukas ang pinto at sakto lang na ibinato niya ang isang unan sa direksyon na iyon.

Kaya naman sumalpok ang unan sa mukha ng bagong dating.

Napa-nganga siya at napakapit sa isang unan na dapat ay ibabato niya din.

"What the fuck are you doing?" Galit na tanong nito sa kanya.

Sinundan niya ang pagbagsak ng unan sa sahig. Para ngang nag-slow motion iyon.

Lumunok siya bago muling iniangat ang tingin para makita ang mukha ni Yukito. Nakasalubong ang kilay nitong nakatingin sa kanya.

"N-Naglalaro?" Nauutal niyang sagot.

Lumakad ito palapit sa kaya dahan-dahan niyang ini-atras ang katawan hanggang sa maramdaman niya ang likod niya sa head board ng kama.

Hindi niya alam kung bakit ganito na lang siya kahit alam niya sa sarili niyang hindi siya takot sa taong ito.

Dahil ba sa nangyari kagabi kaya basta na lang siya nakaramdam ng takot? Na sa ideyang na kung ano ang kaya nitong gawin sa kanya?

"Ano ba! Huwag ka ngang lumapit!" Sabu niya ng tuluyan itong nakalapit.

Lumayo pa siya ng umupo ito sa kama.

"Masakit pa ba?" Tanong nito.

At dahil sa tanong na binato nito sa kanya ay bumalik ang inis na nararamdaman niya.

Kaya ang takot sa dibdib ay napalitan ng galit at inis.

"Gago ka! May gana ka pang magtanong ha! Ano sa tingin mo? Gago ka talaga!" Singhal niya tapos ay inabot ang dibdib ni Yukito at pinagsuntok-suntok ito.

"Alam mo ba na ang sakit-sakit! Sobrang sakit! Ha!" Dagdag niya pa at patuloy pa rin sa pagsuntok.

"Damn, Gomez stop! Fuck Ano ba!" Reklamo nito at hinuli ang dalawa niyang kamay.

BIHAG [BxB]Where stories live. Discover now