TWENTY THREE

210 11 1
                                    


"Yuki, mababali mo ang kamay ko" Kavyn said moving his hand from Yuki's. Naglalakad sila papasok ng bahay niya.

"I'm nervous, paano kung ayaw ako ng magulang mo?" Sabi nito sa kanya at muling kinuha ang kamay niya tapos hinalikan iyon.

"Hindi naman sila ang boyfriend mo baliw. I just want you to meet them but whatever they say hindi iyon makakaapekto sakin" Sagot niya rito.

He gasped when Yuki pulled his cheeks and kisses him. Agad niyang hinampas ang balikat nito ng subukan pang palalimin ang halikan nila.

"Y-Yuki nasa labas tayo"

"Inlove na inlove ka talaga sakin haha"

Sinamaan niya ito ng tingin "baka ikaw, baliw na baliw ka nga sakin e" Balik niyang asar nito.

Tumango-tango naman ito "Well yeah that's true"

Napairap na lang siya bago pindutin ang doorbell.

Ilang beses niyang pinag-isipan ang desisyon. Na bumalik sa bahay nila matapos ang halos isang taon, at kasama si Yukito at ipapakilala niya.

It's true that he doesn't care whatever his family says about him and Yuki pero hindi pa rin maalis ang kakaonting kaba at takot sa kanya.

It's been months, he missed them too. Nang narinig niya ang pagclick ng pinto ay humigpit ang hawak niya sa nobyo.

Naroon si Rita na kasambahay nila at nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"S-Sir! Ma'am narito na po si sir Kavyn! Ma'am umuwi na po ang anak niyo"

Napatakip sa kanyang tenga dahil sa lakas ng sigaw nito at tumakbo habang tinatawag ang mom niya, medyo natawa siya dahil hindi pa rin nabago ang pagiging oa ni Rita.

Pumasok na sila at halos mapaatras siya ng salubungin siya ng mahigpit na yakap ina.

"Oh my ghad my son, finally" Ang madamdamin nitong saad sa kanya.

Ang isang braso niya ay umangat at hinaplos ang likuran ng ina, he missed her too. Kahit naman anong pagmamatigas niya ay pamilya pa rin sila.

Nang kumalas ang ina sa yakap nito sa kanya ay hindi nito naiwasan tinggnan ang kasama niya. He look at Yuki too.

Yumuko ito "Magandang araw po"

He wants to laugh, sobrang galang nito ngayon.

Akala mo naman, sumbong kita riyan e.

"Oh who is this handsome man? Kavyn may gwapo ka palang kaibigan bakit ngayon mo lang pinakilala sa akin" Sabi ng ina sa kanya at inaya na sila pumasok ng bahay.

Sumunod sila rito at habang naglalakad ay sumagot siya.

"Hindi ko siya kaibigan mom, boyfriend ko"

Napatigil ang ina niya at nilingon sila. Napalunok siya, bigla siyang kinabahan. Alam niyang sinabi niya sa sarili na hindi siya magpapapigil kahit na hindi suporta ang mga ito sa kanila ni Yukito. Pero hindi pa rin maiwasan na kabahan siya.

"B-Boyfriend?"

Kagat ang ibabang labi ay tumango siya sa ina. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanila ni Yuki.

Bago unti-unting sumilay ang malawak na ngiti sa labi nito.

"Oh my god! My son!" Lumapit ito sa kanila at niyakap sila.

"I see this coming, alam kong hindi babae ang ipapakilala mo someday. And now you introduce someone to me. Hayaan mo suportado ako"

Napangiti siya ng tuluyan. Hindi niya maiwasan halikan ang pisngi ng ina.

BIHAG [BxB]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ