Twelve

1K 59 1
                                    

KAVYN VINCE GOMEZ

Naiinis kong inilapag ang kutsara sa pinggan ko.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Iritado kong tanong sa taong kaharap ko ngayon.

Kanina pa kasi siya nakatingin, nakatitig I mean.

Nandito kami ngayon sa hapag at ewan ko rin kung bakit niya ako pinalabas ng kwarto diba bihag ako? Ano 'to? With luxury benefits?

Ayos na ang pang-upo ko pero tatlong araw akong nakahiga lang sa kama ng kwarto ni Yukito.

Isa pa 'yun hindi ko din alam kung bakit hinayaan niya akong manatili sa kwarto niya. Pero ni minsan ay hindi siya doon natulog nung panahon na nandun ako, ewan ko ba.

Hindi ko mabasa ang nasa utak ng mokong na 'to.

"Ano?" Tanong ko ulit sa kanya.

Hindi ako makakain ng maayos dahil sa mga titig niya. Ang init, nakaka-taas ng balahibo sa katawan.

Hindi niya ako sinagot at tumayo lang bago nagmartsa paalis.

Edi umalis siya, bahala siya sa buhay niya gutom ako at wala ako sa mood makipag-bangayan sa kanya.

Nagpatuloy ako sa pagkain ng magulat ako sa biglaang paglapag ng dalawang malaking plate sa harap ko.

May laman na pagkain ang dalawang plate.

Tiningnan ko kung sino iyon at ang gagong Yukito na naka-poker face ang tumambad sa akin.

"Eat more" Sabi nito sa akin.

Nagtataka kong pinihit ang katawan ko paharap sa kanya. Nasa likod ko kasi siya.

"Suhol ba 'yan?" Taas kilay kong tanong.

Suhol 'to malamang, papakainin niya ako tapos ay muling iintrigahin tungkol sa bagay na nakuha ko sa kanya.

Medyo makulit din talaga ang ulo nito no. Ilang beses ko nang sinabing wala sa akin.

"Whatever you call it, bilisan mo sa pagkain may pag-uusapan tayo"

Matapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na siyang umalis ako naman ay muling humarap sa pagkain.

Hindi ko alam kung anong meron sa utak ng lalaking 'yun pero mahirap na  kung tatanggi ako sa grasya.

Kumain ako ng kumain hanggang sa mabusog ako. Ayos din 'to ang sarap ng pagkain hinain ng gago. Minsan lang din ako makakain ng ganun kapag libre ni Troy.

"Aren't you done yet?" Napapiksi ako ng may magsalita mula sa likuran ko.

Nagliligpit kasi ako ng pinag-kainan ko sa lababo.

Hindi ko alam kung gaano siya kalapit sa katawan ko pero naramdaman ko ang pagdampi ng hininga niya sa batok ko.

Humarap ako sa kanya at puta ang lapit nga. Tangina naman.

Bahagya ko siyang itinulak pero nahawakan niya ang kamay ko at basta na lang ako kinaladkad.

"Ano ba! Saglit nga!" Reklamo ko habang nagpupumiglas pero ang loko ay hindi man lang ako pinansin.

Paulit-ulit ko siyang minura hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.

Doon niya lang binitawan ang kamay ko. Kaagad ko iyon hinilot.

"Ano? Bakit dito pa? Ano na ulit gagawin mo sa akin? Pagkatapos mo akong pakainin parurusahan mo na ako? Bilisan mo lang dahil pagod ako! Ano bang parusa 'yan?" Tuloy-tuloy kong sabi.

Tiningnan ko siya at hinintay ang sagot niya.

Umarko ang kilay ko ng unti-unti niyang hinahakbang ang natitirang distansya sa aming dalawa.

BIHAG [BxB]Where stories live. Discover now