NINETEEN

749 44 4
                                    

Pabalik-balik ng lakad si Kavyn sa labas ng operating room, habang nilalaro ang mga daliri sa kamay na manerism niya kapag sobra siyang kinakabahan.

Nasa loob ng kwarto sa harap niya si Yukito, na inooperahan dahil sa pagbaon ng balang tumama dito kanina.

Matapos ang engkwentro nila kay Marcus ay agad nilang isinugod si Yukito sa hospital.

"Kavyn!"

Napalingon siya sa pinang-galingan ng boses at nakita si Troy na tumatakbo palapit sa kanya.

Agad siya nitong niyakap at hinaplos ang buhok niya ng makalapit.

"Thank god, you're safe" Sabi nito.

"Troy" Pagtawag niya sa pangalan nito. Mabilis itong kumalas sa yakap at hinawakan ang mag-kabila niyang pisngi.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa 'yo? Muntik na akong atakihin!"

"I'm sorry Troy, pero okay naman ako eh, I'm alive and safe" Sagot niya.

"And Yukito save me" Dagdag pa niya.

"Dapat lang, dapat lang na iligta—

"But he was shot! Nabaril siya ng dahil sa 'kin, he's there! Inside! Troy hindi ko alam ang gagawin ko" He almost shouted.

Cutting Troy words by telling his bestfriend that Yukito is in critical condition para lang iligtas siya.

Na hindi naman dapat nito ginawa, bakit? Why Yukito wasted his precious time para lang puntahan siya at iligtas? Bakit kailangan pa nitong sumunod kay Marcus na pwede naman niyang hindi gawin, at hayaan na lang siya kay Marcus.

Yukito why are you doing this to me?

You're giving me too much heartache.

This feeling I don't want to admit this I'm scared.

Please survive and answer my damn questions.

Napaupo siya at napayuko, pinupunasan ang sariling luha na patuloy na duma-daloy sa pareho niyang mga mata.

"He will be safe, makaka-survive siya Kav, matagal mamatay ang masamang damo diba?" Narinig niyang sabi ni Troy.

Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan si Troy na may tipid na ngiti sa labi.

"He will" Sagot niya at tumayo.

Niyakap niya si Troy, naramdaman niyang hina-haplos nito ang likod niya na tila ba isa siyang bata na inaalo sa pag-iyak.

"That's enough"

Napakalas-sila pareho sa yakap ng may magsalita, nilingon nila ito ng sabay at nakita si Arman na may dala-dalang mga supot at paperbag.

"Kumain muna kayo" Sabi nito at itinaas ang mga dala.

"May lason ba 'yan?" Tanong ni Troy na nakataas ang kilay kay Arman.

"Should I put some?" Tila mapang-asar na sagot ni Arman.

Sasagot pa sana si Troy ng unahan niya ito.

"Sabay na kayong dalawa, mamaya na lang ako hindi pa ako gutom" Sagot niya.

Dahil sa totoo lang hindi niya talaga maramdaman ang gutom, sa ganuon sitwasyon nila ay si Yukito lang ang umakupa sa buong sistema niya.

Isip at puso si Yukito ang laman.

"Hear that? come here eat with me" Sabi ni Troy at si Arman naman ay nilahad ang pagkain at tumango kay Troy.

Anong meron sa dalawang 'to? May hindi ba ako alam?

Napailing siya ng magsimulang umingay ang bibig ni Troy at si Arman naman ay puro tango lang ang ginagawa.

BIHAG [BxB]Where stories live. Discover now