Five

1.3K 53 0
                                    

KAVYN VINCE GOMEZ

Napadaing ako ng maramdaman ko ang sakit ng pagbagsak ko sa sahig.

"Where did you hide it? Fucking tell me now shit, maiksi lang ang pasensya ko" Singhal ng taong nakatayo sa harapan ko.

Inangat ko ang tingin ko, at doon nagtama ang mga mata namin. His eyes are dead serious looking at me like scanning and digging my soul deep.

Nilabanan ko yun kahit paatras na ang itim sa mga mata ko.

"Boss, we can't find it" Untag ng lumapit na lalaki sa gilid niya.

Napapikit siya bago tumingin dito.

"Keep looking, kung kailangan nyong sirain ang buong apartment na 'to gawin nyo" Sabi niya na sinagot naman ng tango ng lalaki.

"Sinabi ko na sayo! Wala sa 'kin ang hinahanap mo, ang kulit mo talaga! Tigilan mo na 'to" Saad ko dahilan para muli niya akong tingnan.

Tumawa siya ng pagak bago siya yumuko at inabot ng kanang kamay niya ang baba ko.

Mahigpit niya iyong hinawakan kaya mahina akong napadaing.

Damn, he's strong.

"I'm not buying it rascal" Sabi niya bago ako hinawakan sa braso at sapilitan itinayo.

Kanina ko pa sinasabing wala dito ang hinahanap niya.

Nasa kamay yun ni boss! Tangina ako pala dehado dito sana pala hindi ko na lang sinalo ang utos ni boss.

"Arman!" Sigaw niya kaagad naman lumapit samin ang isang lalaking ka-edaran ko lang ata. Hindi ako sigurado.

"Take him" Sabi niya na ikinalingon ko sa lalaki bago muling tumingin sa kanya.

Binitawan niya ako na siya namang paghawak sa akin nung Arman.

"Make sure he can't escape this time, I'll be there later, tie him and make him breathless just don't let him die" Sabi niya bago naglakad patungo sa ibang parte ng apartment na 'to.

Naramdaman ko ang pagpisil ng taong may hawak sakin, napatingin ako sa kanya.

"Don't fight sir hindi kita sasaktan" Narinig ko ang mahinahon niyang boses.

Napalunok ako bago ako tumingin sa direksyon ng pintuan.

"Saan nyo ako dadalhin this time?" Tanong ko.

"I'm sorry hindi ko pwedeng sabihin, sumunod ka na lang  ng maayos para hindi na madagdagan ang sakit ng katawan mo" Sagot niya bago ako isinama sa paglabas ng apartment.

Ramdam ko ang pag-iingat niya habang hawak ako, tila napakabait naman ng isang 'to.

Paano siya naging tauhan ng demonyong 'yun?

Naglalakad kami sa labas ng makita ko ang iilan sa mga kapit-bahay kong nakadungaw sa mga kotseng nakaparada sa harap ng apartment.

Nagsitinginan sila sakin at para bang kumikislap ang mga mata nila. Alam ko na ang mga nasa isip ng mga 'to.

Wala akong bigatin na bisita, kung alam nyo lang. Hindi ba pwedeng tumakbo ako at humingi ng tulong sa kanila? Sumigaw at gumawa ng eksena?

Eh paano kung madamay sila?

"Don't shout, I will shoot if you do" Naramdaman ko ang malamig na bakal na dumikit sa tagiliran ko.

Malamang baril ang isang yun.

Mali akong mabait ang isang 'to. Demonyo din pala.

Nang makarating kami sa harap ng isang itim na kotse ay binuksan niya ang passenger seat at doon ako pinapasok.

BIHAG [BxB]Where stories live. Discover now