EIGHTEEN

871 49 6
                                    


Tahimik na sinisimsim ni Yukito ang mainit niyang kape habang nasa teresa siya ng kanyang kwarto.

Nakamasid sa tanawin na nasa labas. Iniisip ang planong gagawin niya para mabawi si Kavyn.

Humigpit ang pagkaka-hawak niya sa babasaging tasa ng maisip kung anong posibleng nangyari sa taong umakupa ng isip simula ng una niya itong makita.

He didn't expect to fell this hard, for a man. Lalaki siya pero bakit ganun na lang ang epekto ni Kavyn sa kanya.

Hindi naman talaga siya naniniwala sa pag-ibig, after he witnessed how his father left them just for another woman. And his first love after choosing her career over him. Hindi na siya naniwala sa spark at pag-ibig na 'yan.

And then Kavyn came. Nakakabaliw ang mainlove sa isang lalaki, nababaliw na si Yukito kay Kavyn.

Una, natutuwa siya kapag nakikita itong naiinis, pasimpleng nagmumura at sinisigawan siya. He never imagine na makakatagpo siya ng taong kayang labanan ang tingin, kayang tapatan siya. And Kavyn is like a big deep hole, nahulog siya.

And everytime he see how gorgeous Kavyn everytime those orbs twinkle along with a pure smile. Nagdedeliryo ang puso siya sa bilis ng pagtibok nun.

Inilapag niya ang tasa sa katabing lamesa at isinandal niya ang ulo sa upuan at tumingala.

"What did you do to Kavyn?" Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa kawalan.

Pumikit siya at unang bumungad sa kanya ang mukha ni Kavyn.

"I'll get you back Kavyn, just wait for me"

Tumayo siya at pumasok sa kwarto kuwa'y dumiretso sa maliit na cabinet katabi ng kama niya.

Kinuha niya doon ang isang baril na regalo pa ng lolo niya noon ika-bente na kaarawan niya.

He wear his earpiece at in-on iyon.

"Lukas?" Tawag niya sa butler gamit ang earpiece.

"Boss?"

"Are you with Arman?" Tanong niya dito.

"Yes boss. Are we going now?"

"Bring 5 men with you, ako ang mauuna, tatawagan kita kapag sinabi kong sumunod ka na"

"Clear boss" Sagot nito.

"I already send you the location Lukas, be careful" Sabi niya bago tanggalin ang earpiece.

Marcus told him the location, ang gusto nito ay siya lang mag-isa at dala ang papers na may lagda niya. Doon nakapa-loob ang pag-baba niya sa pwesto at pagbigay kapangyarihan kay Marcus sa kompanya.

He gritted his teeth.

Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa parking lot ng bahay. Wala siyang kasamang mga tauhan ngayon dahil alam niyang minaman-manan siya ng mga tauhan ni Marcus.

Pumasok siya sa isa mga kotse niya at pinaandar. Habang nasa daan siya papunta sa lugar na pinag-usapan nila ni Marcus ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa gamit ang isang kamay ang isa naman ay nasa steering wheel.

Tinawagan niya si Lukas.

"Lukas, sumunod ka na" Sabi niya at hindi na hinintay pa na sumagot ito, pinatay niya na agad ang tawag. Ibinaba niya ang bintana sa driver seat at itinapon ang cellphone sa kalsada.

Ilang minuto pa siyang nagmaneho at nakarating na siya sa abandonadong bahay sa abandonado na rin village.

Mautak talaga si Marcus at halos nasa dulo na ng village ang bahay. May mga tauhan din itong nakabantay sa gate ng village at sinuguradong mag-isa lang siya.

BIHAG [BxB]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum