Three

1.6K 64 2
                                    

KAVYN VINCE GOMEZ

Tumigil ang pag-andar ng kotse at nagbabaan ang sakay nito maliban sa'kin at itong mokong na katabi ko na kung makatingin sa'kin ay kala mo lalamunin ako ng buhay.

"Why are you looking at me? I know I'm handsome" Sarkastisko kong tanong sa kanya.

"Are you enjoying it? I've been eye fucking you" Napa-arko ang kilay ko sa sagot niya.

Ang pasmado bibig nito.

"The hell!" Singhal ko ng lumabas na siya at higitin ako.

"Dahan-dahan naman tangina" Dagdag ko pa.

Nang makalabas kami ay basta na lang niya ako ibinagsak kaya naman napaupo ako sa malamig na semento.

Tiningala ko siya at tiningnan ng masama.

Tinaasan niya lang ako ng kilay bago ibinaling ang tingin sa mga kasama niya.

May isinenyas siya sa mga ito at tumango naman ang mga 'to saka lumapit sa'kin at sapilitan akong pinatayo.

Lumakad si mokong na sinundan ng mga may hawak sa'kin.

Ilang sandali lang ng bumungad sa'kin ang malaking bahay.

Walang sabi-sabing pumasok sila kasama ako.

Nang makarating kami sa sala ay bigla nalang akong sinapak sa tyan ng isa sa kanila, sobrang lakas nun, parang baka ang tumama sa tyan ko at hindi kamao, kaya naman nanghina ako hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.



Shit.

Napadilat ako ng may maramdaman akong malamig na bakal na dumampi sa kaliwang pisngi ko.

Napakislot ako dahil sa mukhang bumungad sakin.

Tangina!

Ang lapit ng mukha niya sakin, tila hibla nalang ng buhok ang natitirang distansya ng mga mukha namin sa isa't-isa. Ang mga tangos ng ilong namin ay nagdidikit na.

Inilayo ko ang mukha ko pero wala pang limang segundo nang hawakan niya ang baba ko at pinihit palapit muli sa mukha niya.

"Gising ka na" Sabi nito sa'kin at ngumiti.

"Obvious ba?" Sagot ko.

Tumawa lang siya at inilayo an sarili sa akin.

Nilibot ng mga mata ko ang paligid kung nasaan ako.

Nasa isa akong kwarto.

Napakislot ako ng gumalaw ang taong nasa harapan ko.

Tumayo ito tuwid at doon ko lang napagtanto na nakaupo pala ako sa upuan at nakatali.

"Ano ba talagang kailangan mo sa'kin?" Tanong ko.

"Alam mo ang sagot sa tanong mo" Sagot niya sa'kin bago tumalikod.

"Yung putarages na usb na naman ba?  Tangina wala nga sa'kin diba kulit ng nanay mo" Sabi ko.

Tumawa lang ito bago muling humarap sa'kin.

"Edi hindi kita pakakawalan" Sabi nito saka sumeryoso ang tingin sa'kin.

"Magiging akin ka hangga't walang usb na naibabalik sa mga kamay ko"

"Alam mo ba 'tong ginagawa mo" Patanong ko sa kanya.

"Alam na alam ko Kavyn" Sagot niya bago ako tinalikuran at nagsimulang maglakad sa direksyon ng pintuan.

Luminga-linga pa ako sa paligid. Hinahapan ko ng butas 'tong pisting kwarto na ito.

"Wag mo susubukan tumakas, Hindi mo magugustuhan ang galit na ako Kavyn" Napabaling muli ang tiningin ko sa direksyon kung nasaan si mokong nakatalikod lang ito mula sa'kin.

"Anong pakelam ko sa galit na ikaw? Ngayon pa lang hindi na kita gusto gago!" Singhal ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makalabas na ito ng kwarto kung nasaan ako.

Naiwan akong mag-isa dito. Nakatali ang mga kamay sa likod ng sandalan ng upuan pati na rin ang mga paa ko sa magkabilang paa ng upuan.

Tumikhim ako bago sinubukan alisin ang pagkakatali ko. Ngunit sa ilang beses kong pagsubok ay ni hindi man lang ito lumuwag ng kahit na kaonti.

Masakit na ang mga kamay ko at ang lakas ko sa katawan ay unti-unti din lumilisan.

"Damn!"

Paano ba ako nahanap ng mokong na iyon? Sa sobrang daming lugar ng pilipinas ay nagawa pa rin kaming pagtagpuin.

Bwiset na tadhana, ano na lang ang gagawin ko? Wala naman sakin ang usb na sinasabi niya.

Ano bang meron dun sa USB na 'yun?.

Paano na lang ako dito? Hindi ko naman maibabalik yun sa kanya dahil wala naman iyon sa akin.

Nasa mga kamay 'yun ni boss.

Putek dapat ko bang sabihin na kay boss yun? Edi ako naman ang mayayari dun?

Napailing ako, no choice ako, kailangan ko makatakas dito.

Kahit na ilang beses akong pagbantaan ng mokong na 'yun ay wala na akong pake.

Wala akong pake sa paraan kung paano siya magalit. Nasisiguro ko naman hindi ko na siya makikita oras na makaalis na ako sa lugar na 'to.

Muli kong sinubukan na maalis ang pagkakatali ko. Mahapdi na ang mga braso ko pero patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.

Ang halos lagpas sampo na subok ay naramdaman ko ang bahagya nitong pagluwag.

Napangiti ako.

Pag ako talaga nakatakas dito tatawanan ko ang mokong na 'yun.





Third Person POV

Nakaupo si Yukito habang nilalaro ang basong may laman na alak.

Nakatingin siya sa kawalan habang iniisip kung ano ang gagawin niya ngayon' wala sa mga kamay niya ang usb na 'yun.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina.

"My lord" Tumaas ang kilay ni Yukito ng pumasok ang isa sa mga tauhan niya.

Hindi niya ito sinagot o nilingon hinihintay niya lang na magpatuloy ito sa sinasabi.

"He's escaping, ano pong gusto nyong gawin ko?" Tanong nito sa kanya.

"Let him be" Sagot niya.

"Pardon?" Tila naguguluhan na saad ng kanyang butler.

Napa-arko ang kilay niya at tumingin sa gawi ng kanyang tauhan. Ang ayaw niya sa lahat ay yung inuulit ang nasabi niya na.

"Hindi ko uulitin ang sinabi ko na Lukas" Sabi niya.

Napayuko naman ito at humingi ng pasensya,  na tinanguan lang niya.

Nagpaalam na ito sa kanya kaya namam hinayaan niya lang ito na lumabas na ng kanyang opisina.

Sa loob ng kanyang bahay ay may sarilli siyang opisina this is what it feels like kapag hindi ka nagtatrabaho para kanino at ikaw ang pinagsisilbihan. 

Tumayo siya sa kanyang upuan at lumakad sa isang direksyon. Doon siya ay may binuksan na pinto papasok sa kanyang kwarto.

May kwarto sa kanyang loob ng opisina na siya lang ang pwedeng pumasok, malamang kanya ito.

Nang makapasok siya doon ay dumiretso siya sa harap ng malaking screen.

Napangisi siya.

Tignan natin kung hanggan saan ang kaya mo Gomez.

I'm not a fan of games Kavyn but I'm a great player.

'Yan ang nasa isip niya habang pinapanood ang lalaking unti-unting kumakawala sa pagkakatali nito sa upuan.

Pinapanood niya ang kanyang bihag na unti-unting tumatakas.

BIHAG [BxB]Where stories live. Discover now