Kabanata 17

10.6K 422 13
                                    

Kabanata 17:
Lipstick

"Mamayang tanghali tayo aalis. Alas dose naman ang tapos ng shift mo sa coffee shop hindi ba?" tanong sa akin ni Quincy habang maayos kong tinatali ang buhok ko. I am looking at my reflection and check my hair.

"Yeah, bakit hindi nagsabi sa akin si Rendyl na sa outing pala gaganapin ang birthday niya?" tanong ko. I look for my lipstick and add a thin layer in my lips. Natural naman ng mapula iyon kaya hindi na kailangan ng makapal.

"Ayaw sabihin sayo dahil alam noong maghahanda ka pa. Kilala mo naman 'yon ayaw na nag-aabala ka para sa kanya." ani Remi at makahulugang ngumisi ang dalawa sa akin. Napailing ako.

"Sayang lang talaga at kahit kailan ay hindi mo napansin no?" si Quincy. Nakuha ko ang sinabi niya pero umakto akong inosente.

"Imposibleng magustuhan ako ni Rendyl." the two burst in laughing suddenly, it's like they mocking me on my answer. Kumunot ang noo ko.

"Anong imposible? Eh patay na patay nga iyon sayo!" si Quincy at napasinghap naman ako. Hindi dahil sa gulat kundi dahil ang tono niya ay parang siguradong sigurado.

"Hindi ako naniniwala." depensa ko pa. Humalakhak sila lalo. Para bang may sinasabi akong nakakatawa.

"Kaya nga hanggang ngayon ay hindi iyon makapag girlfriend dahil ikaw pa rin! He has feelings for you but you never notice him!" si Remi na kung palad lang ang mga salita ay marahas niya na akong sinampal para iparamdam sa akin iyon.

Pinag-uusapan namin iyong gaganapin na selebrasyon ng birthday ni Rendyl. Muntik ko nang makalimutan iyon dahil sa dami ng iniisip ko. Pero naalala ko kahapon at noong tinanong ko sa kanila kung ano ang plano ni Rendyl ay wala silang sinasabi sa akin. Ngayon lang sila nagsalita.

They're planning to held it in the Verdevia Falls. An outing for the group. Matagal na rin namin iyong hindi nagagawa dahil pare-parehas abala at ngayong bakante ang lahat ay kukuhanin na ang pagkakataon. It's like a tradition for the group to go in every different places every year for Rendyl's birthday.

Noong nakaraan ay nag Subic kami at ngayon ay mukhang ayaw nilang maging malayo at dito na lang gaganapin sa Isla Vagues. Pero maganda rin naman ang paligid rito kaya ayos lang sa akin.

Tapos ngayon biglang lumiko ang usapan tungkol sa pagtingin ni Rendyl sa akin.

"Studies is his priority kaya hindi pa siya nag g-girlfriend." saad ko.

"Asus! Kung matapang lang sana iyon para ligawan ka noon at sinagot mo, iitsipwerahin niya ang pag-aaral para sayo!" bumuntong hininga lang ako roon. Nanunuya pa rin silang nakatingin sa akin.

"I will go now. Malalate na ako sa trabaho." sagot ko at naningkit ang mata ng dalawa sa akin.

"Bakit umiiwas ka?" hindi ako sumagot roon at sinukbit lang ang bag sa balikat ko.

"Basta ala una impunto tayo susunduin rito nila Rendyl. He will use his car." paalala ni Quincy sa akin. Tumango ako.

"Paano pala ang pagkain?"

"Ang sabi ni Rendyl ay siya na raw ang bahala roon. Huwag na daw tayo mag-aalala at basta raw ay sumama tayo." ani Remi na nagpagulat sa akin.

"Hindi ba nakakahiya kung wala tayong dadalhin."

"Hindi ka naman nasanay roon. You know he doesn't like us to spent money for him. Lalo na ikaw."

"I will buy a gift for him now. Bibili na rin siguro ako kahit iyong finger food lang." saad ko dahil sigurado akong may inuman na naman mamaya.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon