Kabanata 31

12K 425 7
                                    

Kabanata 31:
Bisita

Napasapo ako sa noo ng biglang mahimasmasan pagkabalik sa condo. What happened in the parking lot suddenly played again in my mind. Simula noong umpisa hanggang sa magmartsa ako papalayo kay Zaiden. Klarong klaro pa sa isip ko iyong mga binato kong salita sa kanya.

"Shit!" napahilamos ako sa mukha at ginulo ang buhok.

Baka kapag bumalik ako sa agency kinabukasan ay sampalin na lang sa akin ang balita na nag pulled out si Zaiden para kuhanin akong model ng clothing brand nila. I know I already signed the contract but he can ripped the contract paper right before my face because he's powerful.

Iniisip ko pa lang iyon naririnig ko na agad ang frustrated na sigaw ni Jeric. I pacefalmed again. Sa tingin ko namumula na ang noo ngayon kakapalo ng palad.

"You're screwed Kally! Hindi mo na dapat pa pinatulan!"

I am not afraid on him. Heck why would I?! He push me on my buttons. Nadala ako ng galit ko noong sinisisi niya ako sa pang-iiwan, kung gayong siya ang gumawa noon.

Pero bakit nga ba ako natatakot? If he's indeed a professional he will set aside our personal issue and he won't fire me because of it. Hindi ba?

Nagalit ako at hindi na makapag-isip dahil tinawag niya ako na mang-iiwan. If he didn't provoke me, I think I will grant his request silently. Kaso kabaliktaran ang nangyari. I never hate him for suddenly leaving. Kahit na iyong mga panahon na iyon ay hirap na hirap ako.

I was confused and broken. Confused what was his reason. Broken because he left me with no words. Paulit ulit kong tinanong sa sarili ko kung ano bang nagawa kong mali. Bakit ganoon?

I gasped. Hanggang ngayon naapektuhan pa rin ako roon ng lubusan dahil hindi ko pa rin nalalaman iyong dahilan niya. But once I found what it is, I think I can finally heal.

Iyon na lang naman iyong dahilan kung bakit hanggang ngayon bukas pa rin ang sugat. His reason is like a bandage that will cover my wound.

Kung malalaman ko iyon, baka bumalik na ako sa... normal.

I shifted on my seat on the bar counter. Nagsalin muli ako ng alak sa shot glass. Hapon pa lang tapos ito na agad ang ginagawa ko.

The deafening silence is making my mind drift to something. Wala naman akong ibang maisip para maibaling naman sa iba ang atensiyon ko.

I sipped on the liquor in my glass when my phone suddenly rang. I flinched a bit on it. Nagtrauma na ako roon simula noong umaga na nalate ako sa meeting.

Jeric name registered on the phone call. Napapapikit ako ng mariin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. I click the answer button, habang nakasubsob ang mukha sa braso na nakabagsak sa lamesa.

"I'm sorry Jeric." iyon agad ang sinabi ko.

I put the phone in the side of my ears. Narinig ko ang bahagyang ingay sa background niya. Kakahatid niya lang sa akin rito sa condo at ngayon tumatawag na agad siya.

"Ha? Bakit ka nag so-sorry?" kunot noo niyang sinabi. Huminga ako ng malalim.

"Kung sakali lang." I know Zaiden is not that evil to suddenly pulled out to our deal. Pero malay ko ba kung nagbago na siya pagkatapos ng limang taon? What if he's livid? Sinabihan ko ba naman ng asshole ang isang CEO. Mapapalagpas niya ba iyon?

"May nagawa ka na namang mali Kally noh?" kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakapa mewang na siya ngayon. Bumuga ako ng hangin.

"Hindi ko alam kung mali ba iyong nagawa ko." mahina kong bulong sa kanya.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon