Simula

29.4K 705 87
                                    

Simula

Hinihingal ako nang makahinto sa tapat ng room. Sapo ko pa ang dibdib dahil sa mabilis na pagtakbo patungo rito. May lalaki na humarang sa akin sa entrada pa lang ng unibersidad, sumusubok na makipag-usap. I'm not in the mood to speak in any boys right now. Iritado pa rin ako mula sa nangyari sa bahay.

Iniwasan ko pero mapilit talaga kaya tinakasan ko at tumakbo para lang mawala ko. Ilang minuto na nga lang at mahuhuli na sa klase, sasabay pa sila.

I don't want to be rude, I'm really not in the mood.

I wipe the bullet of sweats in my forehead after I had a long run. Ang layo ng building kung nasaan ang unang klase ko mula sa entrada ng school. I feel like I run the whole oval in the school's field in panting to breath.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa ang prof para sa unang klase. Mabuti naman at ayokong masayang ang pagtakbo ko ng ilang metro. Nang kumalma ay napagdesisyonan ko na ring pumasok sa loob. Napatingin sa akin ang lahat.

"Hi Kally!" si Remi na nginitian ko.

"Bakit ang hot mong tignan kapag pawis ah? Ako mukhang dugyot." humalakhak ang ibang nakarinig ng sinabi ni Rafael nang batiin ako. Ngumisi rin ako roon.

"Iba talaga glow ni Kally. Kairita! Kahit maging maputi ka katulad niya at magsuot ng kaparehang damit, iba pa rin talaga kapag si Kally." dagdag naman ni Quincy at napahilot ako sa sentido ko sa mga narinig nila.

"Ang agang insulto." ani ko at natatawang sinapak ni Quincy ang braso ko. Parang tinulak lang naman ako ng kamao niya ng marahan. Mas lalo akong ngumisi.

"Kaya lahat ng senior habol ikaw ang habol eh. May nangungulit nga rito kanina. Hinahanap ka. Kaso ang tagal mong dumating kaya umalis at sumuko rin." si Rendyl na hinarap pa talaga sa puwesto ko ang upuan niya.

I leaned on the backrest of my chair and cross my arms.

Hindi ba sila titigil? Araw-araw na lang ay ganoon.

"Kayo na ba noong Vhynzel? Parang ang dalas mo iyong kasama. Nakita ko kayo noong nakaraan na magkausap sa bayan. Nag date kayo?" panibagong tanong ni Rendyl sa akin. Kinuha ko ang tumbler na bukod sa filler at ballpens ay iyon lang ang tanging laman ng bag.

"Nakita ko rin kayo! Hinatid ka rito noong nakaraan sa room ah! Sinagot mo na?" huminga lang ako ng malalim sa mga tanong nila. They're like a hawk intriguing me now.

Natigil lang sila sa pagiintriga ng mabali lahat ng leeg ng mga babae na nasa room ng may biglaang dumaan. Rinig ko pa ang marahan na halakhak noon na parang hinehele ang tenga ko.

I suddenly feel the atmosphere turn better when I slowly turned my head and saw Raiden. Agad na tumaas ang sulok ng labi ko nang makita siya. Natanggal ang pagkakahilig ko sa upuan at pumalumbaba para mas komportable siyang titigan.

This is the reason why I can ignored those men who keeps chasing me.

"Ang gwapo talaga ni Raiden." ani Quincy at may bahid na paghanga ang tinig.

"Nakausap mo na ba iyan Kally? Ang sabi ay babaero raw pero ang ilap at hirap kuhanin ng atensiyon. Mapili sa babaeng lalandiin." ani Remi. Totoo iyon.

Malaki ang unibersidad ng Guillermo pero bilang ko lang sa kamay kung kailan nagkrus ang landas naming dalawa.

Iyong unang beses nakasalubong ko siya sa pasilyo kaso ang daming barkadang kasama kaya siguro hindi niya rin ako napansin. Iyong pangalawa sa entrada ng school. Magkasunod kami sa pila habang tinitignan ng guard ang ID namin kaso may kausap siya noong kaibigan rin sa harap. Pangatlo, ito yata kaso ang labo kung makuha ang atensiyon niya.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon