Kabanata 7

12.4K 480 21
                                    

Kabanata 7:
Ruckus

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Ylona at Cheska. Pinandilatan ko sila ng mata para lang matigil.

"Tumigil nga kayo!" saway ko sa kanila. I heard Zaiden chuckled and they both gasped.

"I know. Bawal pala talaga. Maghihintay na lang ako kung ganoon." aniya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko bago umalis roon sa counter at maghanap ng table. Umawang ang labi ko roon. Hindi makapaniwala.

Hinampas muli ako nila Ylona at Cheska habang humagahikhik sila. Hindi ko maramdaman ang sakit dahil nakatulala pa rin ako kay Zaiden at parang wala sa sarili.

"Ang gwapo noon at mukhang sobrang pamilyar Kally! Parang nakita ko na dati! Manliligaw mo?" I came back to reality when Cheska ask that question. Binalingan ko siya.

"Hindi! Bakit niyo sinasabi iyon sa harap niya! Nakakahiya sa tao!" sabi ko habang inaasikaso na ang panibagong costumer na nasa pila. Hindi pa nakatingin sa akin dahil halos mabale ang leeg sa pagsunod ng tingin kay Zaiden na nakaupo na ngayon.

"Asus! Nililihim mo pa pero siya na ang nagkompirma!" I rolled my eyes.

"He's just kidding. Hindi ko siya manliligaw." depensa ko pa.

"Hindi?"

"Hindi."

"Pero bakit namumula ka?" bigla akong napasinghap at napasapo sa pisngi dahil roon. Naghahalakhakan ang dalawa at sinamaan ko sila ng tingin.

"Psh." I sneered and I ignored their tease. Sinubukan kong ibigay ang atensiyon sa costumer pero napapasulyap talaga ako sa banda ni Zaiden.

He find a seat in one of the table near the window. Iyong walang masyadong tao at hindi rin pansinin agad dahil nasa sulok. He put the paper bag in the center of the table. Hanggang ngayon kuryuso pa rin ako kung bakit siya may hawak na ganoon.

"Hindi mo man lang ba lalapitan? Mukhang gusto kang kausapin." tanong ni Ylona. She's nudging my side and I fought hard the urge to turned to her. Mas lalo lamang nila akong aasarin kung papansin ko pa sila.

"May trabaho ako."

"Paghihintayin mo siya hanggang sa shift mo?"

"Wala naman akong magagawa. Hindi ako puwedeng umalis rito at kausapin siya."

"Hindi ka ba naawa?" si Cheska. I didn't respond on it. Iniisip ko kung paano ba makakagawa ng paraan para hindi maghintay ng ganoon katagal si Zaiden. Pero ang dami pang costumer, matatagalan pa bago humupa ang mga tao na pumapasok sa coffee shop at bandang tanghali na rin iyon.

He's facing the counter. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya. Impit na humagikhik ang mga costumer na nasa harap ko.

"Nginitian niya ako!"

"Hindi para sa akin iyon eh!"

Turuan ng dalawang babaeng nasa harap ko at mga nagtilian.

Mga kolehiyala ang nasa harap ko at grupo ng mga babae. Humagahikhik at nagtutulakan habang tinitignan si Zaiden.

"Sobrang gwapo niya talaga sa personal!"

"Crush ko Kuya niyan kaso parang nag-iba na yata ang gusto ko. Pati na rin yata siya!"

"Sabi ko bad boy gusto ko pero ang hirap rin palang mamili sa kanilang magkapatid."

"Bakit ka pipili eh malabo ka naman mapapansin ng mga iyan!" ismid ng isang babae sa grupo nila at lahat sila ay bumusangot. Biglang umangat ang sulok ng labi ko ng marinig iyon. Nag-iwas ako ng tingin kay Zaiden.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon