Kabanata 23

9.6K 398 39
                                    

Kabanata 23:
Cover

"Kally mag-ingat ka!" halos mapatili si Jeric nang nagmamadali akong bumaba sa yacht. May nagtangka pa na alalayan akong lalaking staff pero hindi ko na napagbigyan. I think Zaiden is already waiting for me.

Bahagya lang akong tumawa sa pagsaway niya sa akin.

"Nagmamadali kasi naghihintay na ang boyfriend niyan!" si Hannah na nanunuya pa sa akin. Kasunod ko sa paglakad. Napakamot sa kilay ang lalaki na iniwan ko ang kamay sa ere. I look at him apologetically and bow down my head a bit.

Lumingon ako sa kanila para makapagpaalam na.

Naningkit ang mata sa akin ni Jeric.

"Boyfriend asaan?" parang naging giraffe si Jeric sa paglingon-lingon sa paligid. Kumislot naman ang labi ko. Ngumisi sa akin si Hannah.

"Uh mauuna na ako." I said and the two look at me with tauntingly. Nag-init ang pisngi ko. Hinawakan ni Jeric ang aking braso para pigilan sa tuluyang pag-alis.

"I wanted to see your boyfriend! Ipakilala mo sa akin! Gusto kong makita ang masuwerteng lalaki na iyon!" ani Jeric. He sound so enthusiastic. Humagikhik si Hannah.

"Ako rin gusto kong makita!" si Hannah at bigla namang namilog ang mga mata ko.

"B-Bakit?" tanong ko. They turned to me again with their twinkling eyes.

"I am curious! Iyong mga ganitong mukha maraming manliligaw kaya gusto kong malaman kung anong klaseng boyfriend ang meron ka!" si Jeric at kumunot ang noo ko roon.

"You're the fantasy of any men! Model rin ba boyfriend mo?" si Hannah at mabilis akong umiling roon.

I can't imagine Zaiden being a model. His look can pass as one but modeling is not his thing. Mabait naman siya pero kung sa tingin ko aayain ko iyon na magpost sa camera ay magsasalubong ang kilay.

I think he will just look at me with confusion as I ask him to pose. I think he won't even pose sexily even I force him. Pero hindi ko pa rin naman nasusubukan na ipagawa sa kanya.

Bigla akong napanguso roon. Nagtilian ang dalawa.

There's a convenience store just near here. Ang sabi ko kay Zaiden ay doon ako maghihintay sa kanya. Kaya tumingin ako sa banda roon. Sakto na may sasakyan na huminto roon. Pamilyar at nakilala ko agad.

The door of the driver seat suddenly open and Zaiden climb outside the car. Napasinghap ako ng makita na siya sa wakas.

Ang pagod sa kalahating araw na pagtragtrabaho ay agad naglaho ng masilayan siya.

Agad niyang kinuha ang phone mula bulsa at minanipula iyon.

"Nasaan na ang boyfriend mo?" tanong sa akin ni Jeric. Humaba na ang leeg nilang dalawa ni Hannah kakalinga sa paligid.

My phone rang and I saw Zaiden's number. Automatiko naman na bumaling roon ang dalawa.

"Ayan na tumatawag! Wala pa ba siya rito?" si Hannah. Parang mas sabik pa yata silang dalawa na makita si Zaiden kaysa sa akin.

"Uh he's already here." mabilis silang lumingon sa akin na bigla akong kinabahan para sa leeg nila. They move like a robot!

"Nasaan?!" halatang halata sa mukha nila ang pang-iintriga. Tinuro ko iyong tapat ng convenience store kung nasaan nakatayo si Zaiden.

"Siya iyong nakatayo at may hawak na phone." they snapped their head to the direction I'm pointing. They narrowed their eyes as they look at Zaiden. I answer his call naman.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon