Kabanata 5

13.1K 597 32
                                    

Kabanata 5:
Swim

"Nagwala siya roon sa loob ng bar kahit puro bangas na ang mukha!"

"Nahuli pa kami ni Vhnyzel. Nilapitan kami at nagpumilit na ilabas ka namin."

"Mabuti talaga at umalis ka na sa lugar na iyon. Kung hindi ay mapipilitan kang kausapin ang baliw na Vhnyzel na iyon!" huminga ako ng malalim nang dumating na sila Quincy at Remi sa kwarto. Si Rendyl ay nasa hamba lang ng pinto at nakasandal roon.

Mukhang hinayaan na ni Tita Cy na pumasok at sinabing saglit lang daw. He can't step inside the room so he stayed there. Seryoso ang ekspresyon at mataman ring nakatitig sa akin.

Naputol tuloy ang pag-iisip ko at ang panay pagbuntong hininga tungkol doon sa nangyari sa sasakyan ni Zaiden. Nag-iinit pa ang pisngi ko pero nawala iyon sa pagbalita nila sa akin.

Muntik ko nang makalimutan kung ano ang nangyari doon sa loob ng bar. I remember that I brought ruckus. I forgot because I was preoccupied on the thought of Zaiden's words.

"Hindi ba nakaawat ang mga bouncers?" tanong ko. Si Remi ang pinakagalit sa kanilang lahat sa pagbuga niya ng eksahederang paghinga.

"Sa sobrang laki ng gulo na dinala ni Vhnyzel at sa dami na rin ng mga lalaki na nadamay roon ay nahirapan ang mga bouncer! Buong bar ay nagkagulo dahil roon! Tumawag pa ng pulis para lang talaga matigil! It was a messy ramble!" si Remi na nagsimula nang hilamusan ang mukha.

I massaged my temple. Damn it, I never expected Vhnyzel can turn worst like that.

"Plano kong magsaya pa hanggang ala una pero naudlot dahil sa lintik na si Vhnyzel!" si Quincy. Sumasakit ang ulo ko sa mga naririnig sa kanila.

"Umawat pa sila Raiden! Nasuntok ni Vhnyzel sa pisngi! Nagalit tuloy iyong iba pang kaibigan ni Raiden na umaawat kaya mas lalong napagtulungan si Vhnyzel." kuwento pa ni Remi. I gasped on that. Namilog pa ang mga mata ko.

"Napuruhan siya?" naningkit ang mata sa akin ni Rendyl. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Concern ka?" he ask and the two girls lips twitched.

"Normal lang mag-alala para sa kanya. Nagsimula iyon dahil nakipag-usap ako roon sa lalaking nakabunggo ko. Hindi ko naman inaasahan na naroon na pala si Vhnyzel. Sinuntok niya iyong lalaki bigla at nasa paligid lang ang mga kaibigan kaya nagkagulo na."

"Kung ganoon nagseselos pa pala ang loko!" si Rendyl at umismid. Nakahalukipkip siya at mas lalong humilig sa pinto.

Inalis ni Quincy ang suot na pump. Nakabihis na ako kanina. Balak na sana talagang matulog kaso hinahatak ako ng pag-iisip.

"Mabuti na lang at nahatak na siya ng mga bouncer palayo sa amin bago pa sila magkasuntukan ni Rendyl. Inis na rin iyan doon sa ex mo!" lumingon muli ako kay Rendyl. He's still silent and not uttering a word.

"Nasaan na si Vhnyzel kung ganoon?"

"Nasa presinto. Dinala siya ng mga pulis kasama iyong lalaking nakasuntukan. He's lips is busted and he has a cuts on his brow. Ang lakas ng loob na maghamon kung siya lang mag-isa."

"He has a lot of friend in varsity. Kapag nalaman na nangyari ito baka bawian pa iyong mga lalaking nakaharap niya." ani ko at napahilot sa sentido sa isipang iyon.

Hindi ko naman inaasahan na lalaki pa ang lahat ng ganito! It was clear that we're over. Mapilit lang talaga siya at mas lalo pa akong naiinis.

"Habang hinahatak siya ng mga pulis ay sinisigawan niya pa rin kami at nagpupumilit na ilabas ka! Nakakagalit talaga iyong lalaki na iyon! You shouldn't say yes to that asshole to begin with! Huwag mo nang babalikan iyon!" si Remi ulit na bakas na bakas ang frustration.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon