Chapter 31

1.1K 87 10
                                    

Ika nga kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo.

Siniguro ni Zeil na maibibigay niya ang lahat para sa dalaga. Hindi lamang nito mararamdaman ang pagmamahal niya para rito ipapakita pa niya.

"For real?"untag nito ng makita nito ang inihanda niyang candlelight dinner .

"Nagustuhan mo ba o masyadong weird?"

Natawa ang dalaga pero may kunot sa noo. "Bakit naman weird?"

May ngiting alanganin na gumuhit sa mga labi niya.

"Uh,hindi lang common na at..baka nawiwirduhan ka kasi di ko naman ginagawa ito?"

Bahagya ito natawa. "Well,ikaw lang pala nawiweird-an eh,ayos lang sakin,"anito na may ngisi sa labi nito.

Oo nga naman..

"Okay,guilty as charged."

"Masarap ba yan"tukoy nito sa putahe na niluto niya.

"Favorite mo,"agad na tugon niya.

"Masarap nga,"anito sabay upo na sa upuan.

"Next time sa magandang lugar tayo magdi-Date,"aniya na kinaangat nito ng tingin sa kanya.

Nginitian niya ito.

"P-paano sila..Tito at ang Ate mo?"

Natigilan siya. Hindi niya inaasahan na tatanungin nito iyun.

Mataman na tinitigan niya ang dalaga.

"I will tell them about us,"seryoso niyang sabi at inabot ang isa nitong kamay.

"Paano kung...kung hi--"

"Tumutol man sila. Hindi ako makikipaghiwalay sayo.."puno ng kaseryosohan niyang saad.

"Sana ganun ka din,Love..i will fight our relationship. Whatever will happen i 'll fight,"dagdag niya.

"O-okay,"anito sabay baba ng tingin sa pagkain nito.

Nauunawaan niya ang nararamdaman nitong pangamba at takot kaya kahit hindi nito sinasabi. Alam niyang ito na ang simula ng kanilang relasyon.

Dinalhan niya ng meryenda ang dalaga sa trabaho nito walang mintis iyun. Lahat ng mga empleyado doon ay kilala na siya at hindi kaila sa kanya na may paghanga ang mga ito sa kanya pero na kay Karla lang ang buo niyang atensyon at ang mahal niya.

"Hi,"pagharang sa kanya ng isang babae.

Napahinto siya sa paglalakad.

Base sa suot nito isa ito sa pasyente ng ospital.

"Ahm,lagi kita inaabangan,"saad nito.

Hindi na siya nagulat ng magtagalog ito.

"Boyfriend ka ni Doc.Karla?"saad nito at agad na tumango siya.

Huminga ito ng malalim. "Pero...boyfriend pa lang naman,"anito na kinakunot ng noo niya.

Alam ko na kung saan patungo yang sinasabi niya...

Bumuga siya ng hangin. "May gusto ka bang sabihin?"aniya at pinakita rito na naiinip na siya.

Taas-noo ito tumingin sa kanya.

"Gusto kita!"buong tapang nitong sabi.

Nanatili walang emosyon ang kanyang mukha.

"Hindi kita gusto,"prangka niyang tugon rito.

Ang matapang nitong anyo ay unti-unti napalitan ng lungkot at sakit.

Napabuga siya ng hangin. Ito ang pinakaayaw niya ang manakit ng inosenteng babae emotionally..nakakainis lang din kasi ganun sila pinalaki ng kanilang ina.

Pero sa pagkakataon nito tama naman siya kasi may nagmamay-ari na ng puso niya at hindi rin naman niya ito magugustuhan dahil itinakda sila nga lobo sa iisang babae..na iyun ang paniniwala nila.

"Pero gusto pa rin kita!"bulalas nito na pinanatili ang tapang at lakas ng loob na ipaglaban ang nararamdaman nito sa kanya.

"I'm  sorry..mabuti pa bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga,"malamig niyang sabi at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ngunit bago pa niya ito malampasan bigla siya nito niyakap mula sa likuran niya.

"G-gustong-gusto kita! Sana pagbigyan mo ako!"umiiyak na sabi nito habang mahigpit na yumakap sa kanya.

Patay na...

"Bumitaw ka na,Miss.."

Mas lalo humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Ayoko! Sabihin mo muna na bibigyan mo ako ng chance na patunayan sayo na gusto talaga kita!"desperado nitong sabi.

Humugot muna siya ng hangin bago niya ito palayuin sa kanya pero pumalahaw ng iyak ang babae .

Nakakuha na ng atensyon ang ginagawa ng babae sa kanya na ayaw bumitaw sa kanya.

Hirap talaga kapag gwapo eh..

Inis na sumama ang mukha niya sa pang-aasar ng wolf niya.

"Zeil!?"humahangos na paglapit ni karla.

Sinusubukan na ng pamilya ng babae na ihiwalay nito sa kanya ang huli.

"No! Sakin lang siya! "Hestiryal ng babae na pilit na yumayakap sa kanya.

Kalmante man si Karla pero alam niya ang klase ng tingin nito. Bago pa man atakehin ito ng kamalditahan inunahan na niya ito.

Isang iglap nawalan na ng malay ang babae na kinasinghap ng pamilya nito.

"Pasensya na. Ayoko lang ho ng eskandalo. Kapag may sumakit sa kanya paki-inform na lang po sa girlfriend ko,kay Doktora Karla sa ginawa ko..pero nakatulog lang po siya,"agad na paliwanag niya sa pamilya nito.

Agad na binuhat ng lalaking nurse ang babae pabalik sa kwarto nito.

"P-pasensya na,hijo..ayos lang. Ganun talaga ang anak ko,pasensya na talaga."nahihiyang sabi ng ginang.

Tinanguan niya ito at nagpaalam na ang ginang sa kanila pagkatapos nitong humingi rin ng pasensya kay Karla.

"Sorry..hindi ko alam mangyayari ito,"agad na sabi niya rito.

Matalim ang tingin nito sa kanya.

"She's obssess to you. Palagi ka niya tinatanong sakin at dahil pasyente ko siya at may sakit nagpapakabait ako sa kanya kahit nakakairita na palagi ikaw ang iniisip kaysa sa kalagayan niya,"turan nito na kinangiti niya.

"Sorry.."aniya na sinupil agad ang ngiti sa mga labi niya ng mas lalo tumalim ang tingin nito sa kanya.

"Mabuti pa iwasan mo na magpunta rito para hindi na maulit,"anito.

"Hindi ako sang-ayon dun,"agad niyang tugon.

"Walang kang choice kundi gawin ang sinabi ko kung ayaw mong makipagbreak ako sayo!"mataray nitong sabi na kinalaki ng mga mata niya saka napailing na lang sa huli.

"Alright. You're the boss,"pagpayag na niya sa huli.

Umismid ito sa sinabi niya at may ngiti sa mga labi niya niyakap ito at bigla ito natense.

"Masanay ka na yayakapin kita kapag gusto ko.."nangingiti sabi niya.

Umismid ito habang yakap pa rin niya ito.

"Okay..huwag..huwag lang kiss,"mahina nitong sabi.

"I'll try.."

Nag-angat ito ng tingin sa kanya at pinukulan siya ng masamang tingin.

"Try ka dyan! Hindi ako fan ng PDA,"anito.

"Ako din naman pero kapag kailangan gagawin ko lalo na kapag may lalaking magtangka na agawin ka sakin,"aniya.

Inikutan siya nito ng mga mata. "Korny mo!"

Natawa siya ng mahina sabay mabilis na pinatakan ng halik ang nakaawang nitong mga labi.

Nanlalaki ang mga mata nito sa kabiglaan pero agad na sinubsob ang mukha sa dibdib niya at mahigpit na niyakap ito at pinatakan ng halik ang ibabaw ng ulo nito.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon