Chapter 11

1K 85 7
                                    

I hate you!

Nagngingitngit sa inis at sama ng loob si Karla ng hindi pa rin niya mabuksan ang pintuan ng painting room ni Zeil. Tuluyan na talaga nito inilock iyun para hindi siya makapasok. Ilang araw na rin mula ng iwasan niya ito at hindi pansinin na parang isa lamang itong hangin sa kanya.

Kailangan niyang sanayin na ang sarili na balewalain ang presensya nito kahit na may pagkakataon na namimiss niya ito makausap at guluhin lalo na ang silid na pag-aari nito.

Masama ang tingin na pinukulan niya ang nakasaradong pintuan iyun.

"Sinungaling ka. Galit ka nga noong pinakielaman ko ang painting mo nakaraan kaya nilock mo ngayon,"mariin niyang saad.

Mabigat ang yabag na nilisan niya iyun upang bumaba na. Alam niyang wala pa si Zeil dahil binisita nito ang mga magulang nito kasama ang kambal nitong si Zeid.

Nasa kalagitnan na siya ng hagdanan ng may maulinigan siyang tawanan sa salas.

May isang hindì pamilyar na boses ng babae ang narinig niya.

"Naalala ko nga po. Kwento ni Mommy!"

Nagmamadaling bumaba siya ng hagdanan. Sino kaya ang babaeng iyun.

"Hindi na ko magtataka kung bakit nainlove ang Daddy mo sa Mommy mo,"tumatawang sabi ng Tita Valerie niya.

Natigil siya sa paghakbang ng makilala ang babae may-ari ng boses na iyun.

Sabay na napalingon sa kanya ang mga ito ng maramdaman ang presensya niya roon.

"Karla!"agad pagtawag sa kanya ng Tita Valerie niya.

Nagtataka naman na tumingin siya sa bisita nila.

Nakangiti ito na binati siya.

"Hi,Karla! Kamusta ka?"untag nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?"tahasan niyang tanong imbes na sagutin niya ang pagbati nito.

Napatingin ang dalawa at bigla siya nahiya sa Tita Valerie niya dahil sa inasal niyang iyun.

"Hinihintay ko si Zeil. May ipapapinta kasi ko sa kanya kaya nandito ako,"pagtugon nito sa kanya.

Lumapit sa kanya ang Tita Valerie niya. Nahiya naman siya pero hindi niya maitatago ang pagdisgusto sa bisita nila..bisita ni Zeil.

Ganoon na ba kalapit ang mga ito sa isa't-isa para puntahan na nito si Zeil?!

Pwede naman sa school na lang magkita ang mga ito ah!

Pinapunta ba ng Zeil na yun ang babaeng ito sa bahay nila?!

Napukaw siya ng akbayan siya ng Tita Tita Valerie niya.

"Anong gusto mo meryenda? Maghahanda ako para satin habang hinihintay natin umuwi sina Zeil at Zeid,"nakangiting tanong sa kanya ng Tita Valerie niya.

Pilit ang ngiti na bumaling siya rito.

"Kahit na ano po,Tita Valerie, "tugon niya rito.

"Okay,sige..Cassy,iwan ko muna kayo rito. Maghahanda lang ako ng meryenda natin,"baling naman nito sa bisita nila.

"Yes,Ma'am!"agad na tugon nito na sumaludo pa rito na kinatawa ng Tita Valerie niya.

Agad na pinigilan niya ang namumuong selos sa pagiging malapit ng mga ito.

Nanatili siyang nakatayo sa likod ng single sofa habang nakaupo naman ang bisita nila sa pahabang sofa.

"Nakwento sakin ni Ate Valerie na malapit na ang debut mo?"simula nito sa kanya.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon