Chapter 37

1.2K 100 13
                                    

Masakit ang ulo at masakit ang tiyan yun kaagad ang bumungad kay Karla pagkamulat niya. Nanatili lang siya nakahiga at pinakikiramdaman ang malumbay niyang katawan-tao. Mula ng umalis si Zeil,na kasalanan naman niya. Nagsisisi siya ngayon kung bakit humantong sila sa ganito. Ang sakit lang isipin na kakasimula pa lamang nila natapos kaagad.

Agad na nag-init naman ang magkabila sulok ng mga mata niya. Ilang araw na niya iniiyakan ang pag-alis ni Zeil. Gulong-gulo kasi siya. Hindi niya alam kung natatakot ba siya o nalilito lang pero alam niya sa kaibuturan ng puso niya nasasaktan siya dahil alam niyang nasasaktan si Zeil. Iniisip nito na pinagtabuyan niya ito ngayon may nakita siya mula rito na bagay na hindi dapat niya makita o malaman...pero hindi niya maiwasan itanong sa isip yun. Ipapaalam ba nito ang tungkol sa nasaksihan niyang iyun? O ililihim na lamang nito?

Nakagat niya ang pang-ibaba labi ng pumintig ang ugat sa sentido niya. Hindi na siya nakakain ng hapunan dahil wala siyang gana. Kung nandito lamang si Zeil malamang hindi siya matutulog ng gutom.

Nakakatamlay. Hindi na kumpleto ang pakiramdam niya ngayon wala si Zeil.

Pero di ba dapat ayos lang kasi nakaya naman niya sa loob ng pitong taon namuhay siya mag-isa na wala ito sa tabi niya?

Iba ngayon,Karla...mahal niyo ang isa't-isa...inamin niyo na yun kaya may pinaghuhugutan ang sakit na nararamdaman mo ngayon..

Hinding-hindi niya makakalimutan ang sinabi ni Zeil na mahal siya nito. Mga salitang na sa panaginip lang niya naririnig.

Ilang katok ang pumukaw sa kanya at bumukas iyun.

"Gising ka na?"

Napakurap-kurap siya ng makita ang kaibigan si Gannie.

Alanganin na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. Nanatili siya na nakahiga pa rin. Humakbang ito palapit sa kanya at umupo sa gilid niya.

Bumuga ito ng hangin.

"Hinabilin ka sakin ni Zeil,papatayin ako nun kapag hindi ka pa kumain,"saad nito.

Napahigpit ang hawak niya sa kumot. Kilala nito si Zeil. Matagal na. Gusto lang niya makompirma.

"Sabihin mo...lahat ng ginawa mo sakin noon ay dahil kay Zeil?"seryoso saad niya.

Bumuntong-hininga ang binata at sinalubong ang mga mata niya.

"Yes.."

"Kinaibigan mo ko para sa kanya?"mapait niyang saad.

"Karla..no. kaibigan kita. Magkaibigan tayo at kahit hindi ka pinabantayan sakin ni Zeil at nagkakilala tayo magiging magkaibigan pa rin tayo. Sigurado yun. Pero sa sitwasyon kasi natin ngayon kaibigan ko si Zeil...at..pareho kami ng pinagmulan,"saad nito.

Kumabog ang dibdib niya sa huling sinabi nito. Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama niya na hindi inaalis ang tingin sa binata.

He look so sorry.

"Pareho ng pinagmulan?"mahina niyang saad.

Suneryoso ang anyo ng binata.

"Dederetsahin na kita since nakita mo na,"saad nito na lalo kinakabog ng dibdib niya.

"Werewolf...mga tao na may kakayahan na magpalit bilang lobo,"anito.

Agad na naglaro sa isip niya ang nasaksihan niyang pagbabago ng anyo ng malaking nilalang na nadatnan nila ni Gannie ng gabing iyun na naging anyong tao at nakakagilalas na si Zeil yun.

Napukaw siya ng hawakan ni Gannie ang nakakuyom niya palad.

"Huwag ka matatakot samin. Hindi kami nanakit at hindi gagawin yun ni Zeil..."

Pinisil nito ang kamay niya. Nasa anyo nito ang pagsusumamo na maniwala siya rito at huwag ito katakutan.

"Mahal na mahal ka ni Zeil..ikaw ang kahinaan niya at ang katakutan mo siya ay ang magpapasakit sa kanya. Ganun din ang mararamdaman ko sa oras na malaman ng babae gusto ko ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Kinatatakutan namin ang ireject kami ng mahal namin o katakutan...sa...paglayo niya sayo ngayon sigurado ako sobrang nasasaktan si Zeil ngayon. Hindi ko ito sinasabi para makosensya ka. Karla..lobo din ako. Pareho kami ng mararamdaman sa oras na malaman ng mahal namin ang tungkol sa katotohanan iyun. Ang makita ng mahal mo na kinatatakutan ka...para na rin kami niyun pinapatay,"mahabang sabi ni Gannie.

Hindi siya makapagsalita. Malaking katotohanan ang mga sinabi ng kaibigan.

"Karla...magkaiba man tayo ng pinagmulan...ikaw at si Zeil ay magkapareho may puso..alam kong mahal mo si Zeil..patunayan mo sa kanya na mahal mo siya na hindi mo siya kinatatakutan na kahit ano pa siya..marami ng nagawa para sayo si Zeil para patunayan niya na mahal ka niya. Karla,sa nakalipas na pitong taon pinaramdam niya kung gaano ka niya kamahal. Saksi ako dun kaya sinuportahan at tinulungan ko siya,sana...sa pagkakataon ito ikaw naman ang magpakita na ganun mo din siya kamahal,"litanya nito na lalong nagpasundot ng guilt at inis para sa sarili.

Tagos na tagos sa puso niya ang mga sinabi ni Gannie. Isa siyang malaking tanga para saktan si Zeil. Sobrang-sobra pagmamahal ang ibinigay ni Zeil sa kanya kaya dapat hindi niya ito saktan.

Kaya mahiya ka,karla...wala ka pa napatunayan na mahal mo siya.

"Paano ko siya makakausap?"tanong niya rito.

"Alam ko kung saan mo siya mahahanap,"anang ng boses na iyun na marahas na kinalingun niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang asawa ng Uncle Harold niya.

"T-Tita Valerie..."

Matamis na ngiti ang pinukol nito sa kanya. "Nandito ako para sana tumulong na maging malinaw sayo ang ilang bagay,"anito.

"Isa ka din po ba Lobo?"

Natawa ito. "Yes,"agad nitong sagot na kinaawang ng mga labi niya.

"A-alam po ni Uncle Harold?"

"Alam niya at tinanggap niya ko ng buong puso dahil mahal na mahal niya ko,"saad nito.

"Tita Valerie..."

"Noon pa lang alam ko na mangyayari ito at noon pa lang alam kong may pagtingin kayo sa isa't-isa..hinayaan ko lang na kayo na mismo ang humarap sa bagay na yun pero hindi ko akalain na pinatagal niyo pa at...hindi ko maisip na nagpakatorpe si Zeil,"anito sa naiiling na turan.

Mahinang natawa ang kaibigan si Gannie.

"Bata kasi,"nakangisi saad ni gannie.

Napabaling siya rito sa sinabi nito.

"Bata? Age id doesn't matter naman eh!"turan ni Tita Valerie.

Kung matagal na alam nito...kung ganun gusto siya nito para kay Zeil?

"Tita...gusto ko po makita at makausap si Zeil,"buong tapang niyang saad.

"Oo naman...kahit anong oras dadalhin kita sa kanya,"agad na pagtango nito sa kanya.

Patunayan mo mahal na mahal mo rin siya..

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon