Chapter 20

1K 94 12
                                    

Ito na ang pinaka-awkward na naranasan ni Karla sa buong buhay niya. Kilala niya ang sarili. Maldita. Matapang. Mataray at Ma-attitude.

Pero not this time habang kasabay niya sa hapag-kainan ang kambal na sina Zeid at Zeil.

Hindi ba dapat hindi siya nakakaramdam ng ganito dahil kasabayan na niyang lumaki ang mga ito?

Alam mo ang sagot,gorl..untag ng isip niya.

"Masarap ba?"untag sa kanya ni Zeid.

Nakangisi ito habang ngumunguya. Nasa tapat niya nakaupo ang magkambal. Pareho ang kulay ng mga mata at mukha pero magkaiba ng dating.

Ang mga mata ni Zeid ay tila may laging may dalang banta. Dangerous,pierce and mysterious.

Ang mga mata naman ni Zeil. So gentle.  Kung tumingin parang ikaw na ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. So gentle and innocence but like Zeid. Misteryoso din iyun.

Hindi niya alam kung bakit nakikita niya sa magkambal na nasa harapan niya na misteryoso ang mga ito..well,naalala niya nga na parang ganun rin ang Tita Valerie niya. Ang mga mata din ay may ganun din sinasabi. Misteryoso.

"Uyy..sobrang sarap ba at nakalimutan mong magsalita?"

Agad na natauhan siya sa sinabi ni Zeid.

Nang-aasar na naman ang loko!

Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi kasi masarap kaya wala ako masabi!"depensa niya sa pang-aasar nito.

"Aww! Ang sakit naman nun!"turan nito sabay akbay kay Zeil.

"Paano ba yan,Kambal. Hindi raw masarap luto mo!"

Muntikan na siyang mabilaukan ng marinig ang sinabi ni Zeid.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa tahimik na si Zeil. Hindi ito nag-angat ng tingin nasa kinakain nito ang atensyon nito.

Nginisihan siya ni Zeid ng lumipat ang mga mata niya rito.

"Sabi niya kasi siya magluluto pero mukhang hindi ka nasarapan,"nakangisi nitong sabi.

Pigil-pigil niya ang sarili na singhalan ito. Nakaramdam siya ng guilt dahil...ang totoo naman masarap ang pagkain. Gusto lang niya ito asarin at hindi naman niya alam na si Zeil pala ang nagluto.

Nakakaasar naman oh!

Ayan,gorl..mas lalo tuloy awkward!

Dinampot niya ang baso na nasa gilid ng plato niya pero wala na pala laman na tubig iyun.

Natigilan siya ng abutin ni Zeil ang baso niya na nilapag niya muli ng makitang walang laman at tumayo ito upang magtungo sa may water dispenser na nasa gilid lang ng lababo at pinaglagyan siya.

Hiyang-hiya tuloy siya. Pagkatapos niyang sabihin hindi masarap ang pagkain nagawa pa nitong paglagyan siya ng tubig.

Bigla niya namiss ang mga ginagawa nito para sa kanya. Zeil is always caring,protective and thoughtful to her. Lahat-lahat na yun kung saan ang mga yun ang dahilan kung bakit umusbong ang damdamin niya para rito.

Hindi makatingin na nagpasalamat pa rin naman siya rito.

"T..thank you,"halos pabulong niyang sabi.

"Welcome,"agad na tugon nito.

Agad na uminom siya sa baso halos maubos niya ang laman niyun.

"Mabubusog ka niyan sa tubig,dark Angel! Hindi talaga masarap luto ni Zeil?!"

Muntikan na siyang masamid sa pang-aasar na naman ni Zeid.

Sinamaan niya ito ng tingin pagkababa niya ng baso.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon