Chapter 9

992 90 12
                                    

Sa malayo pa lang tanaw na ni Karla ang mga nagkukumpulan mga istudyante. Kakatapos lang ng huling klase nila at lahat ay nasa labas na ng silid-aralan. Napuna niya na halos lahat ay nakadungaw mula sa ibaba.

Hindi na sana niya papansinin ang mga iyun ng magsalita ang kasama niyang kaklase.

"Girlfriend ba yun ni Zeil?"nanghahaba ang leeg nitong turan.

Agad na kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito. Napahinto siya sa paghakbang.

"Ang ganda! Saka astig nung kulay ng buhok!"mangha nitong saad na pilit na nakikidungaw sa baba.

Nangunot ang noo niya.

Si Zeil?

May girlfriend?

Walang pasabi na sumingit siya sa mga nagkukumpulan.

Agad na nakita niya si Zeil na nakaupo sa isang lamesa kasama nito ang babaeng mukhang manyika na may kulay asul na buhok.

May kung anong pumiga sa puso niya habang pinagmanasdan ang pag-uusap ng dalawa. Kahit hindi niya naririnig ang sinasabi ng babae. Base sa ekspresyon na nakikita niya sa dalawa mukhang nag-eenjoy ang mga ito sa kung ano pinag-uusapan ng mga ito.

Napahigpit ang hawak niya sa bakal na barandilya.

Kailanman hindi nakipaglapit si Zeil na sa kahit kanino babae!

"Ang swerte nung girl! Siya lang kinausap at pinansin ni Zeil!"naiingit na saad ng isang istudyante.

Marahas na nilingon niya ang nagsalitang iyun. Nanlaki naman ang mga mata nito ng makita siya.

Masama na ang tingin ng muling ibalik niya ang tingin sa dalawa na mukhang nag-eenjoy pa rin sa pinag-uusapan ng mga ito.

Masayang nagsasalita ang babae habang nakaupo ito sa mesa habang nasa kaliwang bahagi nito si Zeil na nakaupo sa bench paharap dito.

Talagang mapagkakamalan mong sobrang close talaga ng mga ito!

Muli napahigpit ang mga kamay niya sa bakal.

Pilit na kinalma ang sarili at tinalikuran na ang tanawin iyun. Hindi inalintana ang mga nabangga niya habang paalis sa kumpulan iyun.

Nagpupuyos sa galit ang puso niya.

Galit?

Bakit naman siya magagalit?

Wala naman ginagawang masama sa kanya si Zeil?

Sinasaktan siya nito!

Selos.

Nagseselos ka,Karla!

Tila nanghina siya sa lakas ng bugso ng damdamin iyun na umaalipin ngayon sa isip at puso niya.

Halos lundagin na niya ang hagdanan makalayo lang siya sa lahat at pumunta sa isang lugar na walang makakakita sa kanya.

Sa bawat pagmamadali niya ay ang pagpatak ng mainit na likido sa magkabila pisngi niya pero maagap na pinapahid ng braso niya.

Sa pagmamadali niya hindi na niya napansin ang tangkang pagtawag sa kanya ng Dean nila. Mabilis na lumiko siya patungo sa likod ng building.

Humihingal na narating niya ang likod ng building na iyun. Nakalapat ang isang palad niya sa pader habang ang isa ay nakatukod sa isang tuhod niya.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya hanggang sa bumigay na ang tuhod niya.

Napaupo na lamang siya sa malinis na bermuda grass.

Pilit na pinipigilan niya na maging kalmante lang pero hindi niya mapipigilan ang pagbuhos ng luha niya lalo na ang pagsakit ng dibdib niya.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon