Chapter 3

1.2K 91 15
                                    

Agad na naningkit ang mga mata ni Karla ng makita ang isang pangahas na babae na lumapit sa kinaroroonan ni Zeil. Ang kapatid ng asawa ng kanyang Tito Harold.

Mag-isa lamang si Zeil sa kinauupuan nito at mukhang kinapalan ng babaeng yun ang mukha para lapitan si Zeil.

Nagmamadali ang hakbang niya. Tiningala ni Zeil ang babaeng nakatayo sa harapan nito at may inaabot itong papel.

Tsk,love letter na naman!

Bago pa man iyun tanggapin ni Zeil siya na ang kumuha niyun na kinagulat ng babae.

Sabay na napatingin sa kanya ang mga ito pero pinatili niya ang mataray na mode niya.

Tinikwasan niya ng kilay ang babaeng na gulat na gulat sa biglaan pagsulpot niya at sa pagkuha sa papel na binibigay nito kay Zeil. Samantala,nakatingin lang sa kanya ang huli.

Napapantastikuhan na pinasadahan niya ng tingin ang nakasulat sa papel na may pabango pa at papuso pang desinyo.

Muli niya tinaasan ng kilay ang babae na hiyang-hiya at hindi makatingin sa kanya ng deretso.

"Anong pinakamaatas mong grades?"

Hindi kaagad nakasagot ang babas.

"Narinig mo ba ko?"mataray na untag niya rito.

Tila naman nataranta ang babae. "U-uh,89,"sagot nito.

"Saan subject?"pagtatanong niyang muli.

Napapahiya naman napasulyap ito kay Zeil na tahimik lang nakatingin sa kanila.

But she saw the glint of amusement on his eyes at the back of his eyeglasses.

"Sa P.E.."mahina nitong tugon.

Isang tawa ang kumawala sa mga labi niya in a mock way.

"Mag-aral ka muna ng mabuti o di naman kaya magpokus ka sa pag-aaral hindi yung inuuna mo ang ganito,"saad niya sabay taas ng love letter sa harapan nito.

Nakita niya ang pag-iling ni Zeil.

"W-wala naman masama sa ginagawa ko..pang-inspirasyon lang,"pangangatwiran nito na hindi niya inaasahan.

"Bakit hindi ba pwede ang mga magulang mo ang gawin mong inspirasyon? Sila ang nagpapaaral sayo kaya dapat sila ang iniisip mo hindi kung sino,"mataray na sabi niya rito.

Namula ang mukha ng babae sa pagkapahiya.Alam niya yun dahil sino ba naman hindi makakaramdam ng ganun kung pagsabihan ka ng iba sa harapan ng taong gusto o sa crush mo.

Halos lumuluhang nagmamadaling umalis ang pobreng babae.

Napailing na lamang siya at nakataas ang isang kilay na bumaling kay Zeil.

" Alam mo paasa ka talaga..bakit hindi mo sila magawang ireject agad?"nakaismid niyang turan rito.

"I respect them what are they feelings,"tugon nito.

"Yeah,right...pero ang punto dito pinapaasa mo lang sila. Pati ako nadadamay dahil sayo,"reklamo niya rito.

Maraming beses ng may mga admirer ito na siya ang ginagambala para lamang makalapit kay Zeil o hingan ang number nito at dahil siya si Karla Ibraim na isang prinsesa ang turing sa kanya ng Tito Harold at Tita Valerie niya. Hindi siya basta-basta inuutusan o gawin Kupido ninuman.

No one dare to do that lalo pa at kilala siya sa buong paaralan nila na mataray,spoiled brat at maldita siya.

"May nang-aabala na naman sayo?"agad nitong tanong.

Nakaismid na umupo siya sa tabi nito at nangalumbaba patagilid rito.

"Noong isang araw. Hinarang ako papunta sa locker para lang makisuyo na kunin ang number mo,"aniya sabay tirik ng mga mata ng maalala niya iyun.

Of course,hindi siya pumayag kaya naman dismayado ang admirer nito.

"I'm sorry about that,"sinsero nitong sabi.

Umirap siya rito. "Wala ng effect yan Sorry mo,"tugon niya rito.

Napabuga ito ng hangin.

"Alright,what do you want after our classes,anywhere and anything,"saad nito na lihim niyang kinangiti.

"May..date ako and...alam mo na,"agad niyang sabi.

Naningkit ang mga mata ni Zeil sa likod ng suot nitong salamin.

Sinimangutan niya ito. "Sabi mo kahit ano?"

"Yes..pero hindi sa ganyan,Karla.."seryoso nitong sabi at bigla siya nakaramdam ng kaba.

"Tss,kainis ka naman,"turan niya at inirapan ito.

"Hindi ka makikipag-date ,"anito sa seryosomg tono.

"Tss,akala ko naman sincere ka sa pag-sorry mo tapos ganyan?"tuya niya rito.

Napabuga ito ng hininga sabay alis ng eyeglasses nito.

"Okay. Pero sasama ako,"anito na kinalaki ng mga mata niya.

Ang gusto niya mangyari ay pagtakpan siya nito sa Tito Harold niya pero hindi ang maging chaperone ito!

"Seryoso ka?"

Mariin na tinitigan siya nito.

"Grabe...hindi naman kita Kuya ah!"

"Hindi nga pero hinabilin ka sakin nina Ate Valerie at Kuya Harold,"tugon nito.

Sinimangutan niya ito.

"Your choice,Karla.."

Mas lalo siya nainis kaya padarag na tumayo na siya.

"Kainis ka!"aniya sabay irap dito at padarag na iniwan ito roon.

Si Zeil ang masasabi niyang malapit sa kanya kaysa kay Zeid na kambal nito.

Pero ang nakakainis lang kay Zeil. Bantay sarado siya nito!

Napasimangot siya.

Buti kung sana naeenjoy talaga niya ang pakikipaglapit sa mga lalaki kaso...ginagawa lamang niya na patulan ang mga manliligaw niya dahil hindi niya gusto ang tinitibok ng puso niya para sa isang tao na alam niyang hindi pwede!

Hindi naman kayo magkadugo,why not?

No.

Ayaw niyang magalit sa kanya ang Tita Valerie niya.

But you can't stop Us to like him,Karla..anang ng isip at puso niya.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon