Chapter 7

948 94 4
                                    

Nagngingitngit ang kalooban ni Karla. Hindi niya matanggap na may kinakausap na babae si Zeil na hindi naman nito ginagawa!

Kung meron man hindi nito iyun ipapakilala sa kanya!

Puno ng galit at inis ang puso niya ng makita ang mga ito.

Nang matanaw niya si Zeil na may kinakausap na babae na may kulay ang buhok agad na nagpaalam siya sa guro nila na magbabanyo pero ang totoo nagmamadali siya na puntahan ang kinaroroonan ng mga ito para alamin kung sino ang babaeng mukhang multo sa sobrang puti nito!

Pero super ganda niya! Para siyang manyika!

Nahablot niya ang isang libro na nakapatong sa side table niya at inihagis yun. Tumama iyun sa likod ng pintuan. Hindi siya sumabay kay Zeil umuwi na hinayaan naman siya na kay Zeid siya sumabay at himala na ang huli ay hindi nakipag-asaran sa kanya dahil busy ito sa katawagan nito sa celpon at mabuti na lang dahil baka dito niya maibunton ang nararamdaman niyang selos.

Wait? What?!

Is she jealous?!

Aminin mo na! Anang ng isip niya.

Oo,nagseselos ka. Nanikip kaya dibdib mo ng ipakilala niya kayo ng babaeng mukhang buhay na manyika!segunda ng puso niya.

Bigla nag-init ang sulok ng mga mata niya.

Ito ang pinakaayaw niyang maramdaman ang magselos!

Mahirap na nga sa kanya na magpigil sa namumuong feelings niya para sa kapatid ng Tita Valerie niya tapos ganun pa!

Agad na pinigilan niya ang namumuong luha sa mga mata niya dahil sa emosyon na iyun. Padarag na lumabas siya ng silid niya.

Kailangan niya mailabas ang nararamdaman niyang inis para kay Zeil. Mabilis na tinungo niya ang painting room ni Zeil.

Doon niya ibubunton ang nakakainis na pakiramdam na ito!

Pero natigilan siya ng hindi niya iyun mabuksan.

Ngunit hindi siya nagpaawat. Pilit niya binuksan ang doorknob pero hindi talaga iyun mabuksan!

Nakalock na iyun!

Pero alam niyang wala sa loob si Zeil dahil ito ang nakatoka ngayon sa pagbantay sa pamangkin nito dahil hindi pa nakakauwi ang Tita Valerie niya!

May gigil na pinilit niya pa rin buksan iyun hanggang maramdaman niyang nanakit na ang palad niya. Sobrang inis na inis na talaga siya.

"Himala hindi ka makapasok ngayon dyan?"

"Shut up!!!"malakas na singhal niya kay Zeid na kalalabas lang ng silid nito.

Nagulat ito at natigilan sa biglaan pagsigaw niya rito. Marahil natigilan din ito dahil namalayan na lang niya may mainit na bagay na dumadaloy sa magkabila niyang pisngi.

Agad na pinahid niya ang mga iyun gamit ang isang braso. Matalim na pinukulan niya ito ng tingin na nanatiling nakamaang sa kanya.

"Huwag mo akong kausapin!"sigaw niya rito sabay martsa pabalik sa silid niya. Bago pa man niya tuluyan maisara pabalibag ang pintuan niya narinig niya ang pagtawag ni Zeid sa kakambal nito.

"Zeil!!!"

Hindi na niya napigilan pa ang mapahagulhol.

Dismayado siya ngayon dahil hindi siya nakapasok sa painting room ni Zeil na hindi naman nito nilalock kahit alam nitong ginugulo niya iyun.

Pero bakit ngayon nakalock iyun ngayon?!

Nakakasama ng loob!

Luhaan na padapa siyang humiga sa kama niya. Doon hinayaan niya ang sarili na umiyak at ilabas ang samu't-saring emosyon na umuusbong sa puso niya na tanging si Zeil lang ang dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng mga iyun.

Hindi niya alam kung gaano katagal siya umiyak basta naramdaman na lamang niya na may humahaplos sa ulo niya.

Napamulat siya at makitang ang Tito Harold niya iyun.

"Nakahanda na ang dinner,"masuyo nitong sabi.

Agad na bumangon siya at nag-iwas ng mukha rito. Sigurado siya halata ang bakas ng pag-iyak niya kanina bago siya tuluyan nakatulog.

"You look haggard,hirap ba ng exam?"

Napabaling siya sa Tito Harold niya na nakangisi.

Sinimangutan niya ito. "Para kang si Zeid,Tito.."ismid niya rito.

Tumawa ito sa sinabi niya. Inabot nito ang pisngi niya. "Umiyak na lang?"

Natigilan siya. Hindi siya aamin dun. Saka mukhang nanghuhuli lang din ang Uncle niya dahil halata naman alam nitong umiyak siya..at sigurado siyang ayaw lang nito sabihin sa kanya dahil kilala siya nito na ayaw niyang pinangungunahan siya.

Tumikhim siya. "No,Tito. Bakit naman ako iiyak saka I'm not a baby para umiyak,duh!"pagtirik pa niya ng mga mata na muli nito kinatawa.

Kinurot nito ang pisngi niya.

"I know that,sweetheart. Dalaga ka na talaga,"anito.

Humugot siya ng hangin bago niya naisipan sabihin sa Uncle Harold niya ang plano niya.

"Uncle,may sasabihin po sana ako,"umpisa niya.

"Sure,"agad na tugon nito sa kanya.

"After po sana ng birthday ko at bago ako magkolehiyo pwede ba kong bumukod na ng tirahan?"

Nangunot ang noo ng Uncle Harold niya. Kinabahan siya bigla sa naging reaksyon nito.

"Tito,please! I want to be a independent woman now since 18 na ko! Sige na po,Uncle. Saka ayoko habambuhay na dumepende sa inyo ni Tita Valerie. Magwoworking student na din ako para hindi na ko umasa sa allowance ko sa inyo. Nakakahiya na po kasi. Matanda na ko para umasa pa sa inyo,"mabilis na paliwanag niya sa kagustuhan niyang iyun.

At ayaw din niya dumepende pa sa kung ano ang nararamdaman niya para sa isang tao sa loob ng bahay na ito.

Matagal bago nakasagot ang Uncle Harold niya na tila ba inuunawa pa nito ang kahilingan niyang iyun.

"Are you sure about it?"paniniyak nito.

Sunod-sunod na tumango siya rito. Agad na binalot siya ng pag-asa roon.

"Yes,Uncle! Hundred percent SURE na SURE po ako dun! Payag ka na po?"

Napabuga ng hangin ang Uncle Harold na tila ba hindi na siya mapipigilan nito.

"Alright. Hahanap ako ng Condo na lilipatan mo,"anito na kinatuwa niya.

Dinamba niya ito ng yakap sa sobrang katuwaan niya.

"Thank you,Uncle Harold! Mahal na mahal mo talaga ako!"

"Of course,Karla. Always remember that,okay?"

"I know,right,"aniya.

Tumawa ito at mahigpit na niyakap siya na tila ba pinaparamdam sa kanya na ngayon pa lang ay mamimiss na siya nito.

Sorry po,Uncle..para rin po ito safety ko. Wala na kong sakit sa puso pero pakiramdam ko babalik yun habang magkasama kami sa iisang bubong at alam kong hindi mo magugustuhan yun..piping saad niya.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon