Chapter 44

1.1K 95 5
                                    

Agad na sumikdo ang puso ni Karla ng yakapin siya ni Zeil mula sa likuran niya. He's so warmth. Napabuntong-hininga siya at isinandal ang sarili rito.

"Anong sabi ni Tito Harold?"agad na tanong niya at nilingon ito.

Humigpit ang yakap nito sa kanya at nalalanghap niya ang mabangong hininga nito sa sobrang lapit ng mga mukha nila.

"Kinabahan ako pero sa huli.. tinanggap niya,"tugon nito. Agad na pumihit siya paharap rito.

Napuno ng tuwa ang dibdib niya sa sinabi nito. "Talaga? As in? Pumayag siya? Hindi nagalit si Tito Harold?"sunod-sunod niyang tanong.

May sumilay na ngiti sa mga labi nito na kinasama ng tingin niya rito.

"Seryoso mga tanong ko?"pataray niyang turan dito.

Hinapit siya nito at niyakap na may ngiti pa rin sa mga labi habang siya matalim ang mga mata na nakatingala rito.

"I'm just happy kaya nakangiti ako. No. Hindi siya nagalit. Nag-alala lang siya baka saktan lang kita and i promise to him na hinding-hindi ko gagawin yun. Parang ko na rin sinaktan ang sarili ko kapag ginawa ko yun sayo,Love.."masuyo nitong sabi.

That's so sweet of him and so promising na alam niyang ginagawa at gagawin nito.

"Mabuti naman kung ganun kasi kung hindi siya payag sa relasyon natin...ako magagalit sa kanya,"saad niya.

"Nah..we're good now.."agad nito sabi na kinatango niya.

"Tinanong din ba niya kung may...nangyari na satin?"awkward man itanong pero kailangan pa rin niya malaman.

"Yeah,"tugon nito na kinalaki ng mga mata niya.

"For real? Talagang tinanong pa niya yun?"hindi makapaniwala nitong sabi.

Natawa ng mahina si Zeil.

"Love...he's a man and in love like me kaya alam niya yun,"tugon nito sa kanya.

"Tsk,men!"bulalas niya na kinatawa nitong muli na sinabayan ng pagyakap sa kanya.

Napangiti na rin siya at gumanti sa yakap nito. Wala na siyang alalahanin ngayon.

Kailangan niyang pasalamatan  ang Uncle Harold niya.

Nahagip ng mga mata niya ang isang painting na may takip na puting tela. Kuryuso siya dun dahil sa sinabi ni Tita Valerie.

"That painting,what is that?"

Agad na humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at nilingon ang tinutukoy niya.

"That painting? Come on,"anito sabay kuha sa kamay niya at pinagsalikop nito. Hinila siya nito palapit sa painting iyun at huminto ito sa harapan niyun.

Napatitig siya sa mukha ni Zeil ng makita ang maliit na ngiti sa mga labi nito.

Lumingon ito sa kanya. "This painting is so special to me. Dito binuhos ang laman ng puso ko para makita ng pagbibigyan ko nito kung gaano ko siya kamahal at kaespesyal sa buhay ko,"madamdamin nitong sabi.

May kung ano mainit na bagay ang humaplos sa puso niya sa sinabi nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito kung sino ang tinutukoy nitong pagbibigyan ng painting.

She saw her self on his deep brown eyes. Mas lalo nag-init pa ang puso niya.

"This painting was my birthday gift for you on your debut but things happen hindi ko na naibigay sayo dahil bigla ka nagdesisyon na umalis,"saad nito at mahihimigan sa huli sinabi nito ang lungkot.

May kung ano bumikig sa lalamunan niya ng maalala ang pag-alis niya pagkatapos ng birthday niya.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. "Pwede ko na ba makita ang birthday gift mo?"

Inabot nito ang kamay niya. "Plano ko kasi ipakita ito sayo sa 1st monthsary natin,"anito na kinangiti niya bigla.

"Bakit hindi ngayon?"kunwa'y naaatat niyang turan.

Napakamot tuloy ito sa batok.

"Pwede sa monthsary na lang natin? Please?"

"Arte mo!"aniya na pinipigilan na mapangiti.

"Gusto ko romantic eh,"napapahiya nitong sabi na kinangiti na niya.

"Oo na! Payag na ko,"sabi niya na kinatuwa nito.

Agad na niyakap siya nito at pinatakan ng halik ang noo niya.

"Thank you and i love you so much,"usal nito sa noo niya.

"Welcome at mahal na mahal din kita,"agad na tugon niya.

Puno ng pagmamahal na niyakap nila ng mahigpit ang isa't-isa.

Napakasarap sa pakiramdam na pinaparamdam sayo kung gaano ka kamahal ng taong minamahal mo.

"Uh,thank you po,Uncle Harold.."untag niya sa tiyuhin niya habang nasa hapag-kainan sila. Katabi nito si Tita Valerie na kumindat pa sa kanya at sa tabi naman niya ay si Zeil.

Napalingon siya ng ipatong nito sa ibabaw ng kamay niya ang kamay nito na nasa gilid ng plato niya at napasulyap roon ang Uncle Harold niya.

"Inaasahan ko naman na magmamahal ka at...ang hindi ko inaasahan ay kay Zeil ka magkakagusto,"turan ng Uncle niya.

Pinigilan niya na ismiran ito sa sinabi pero ang mapasimangot ang hindi niya napigilan kaya isang mahinang tawa ang pumukaw sa kanya at nanggaling iyun sa Uncle Harold niya.

"But honestly..masaya ako na kay Zeil ka napunta dahil kung sa iba. Hindi ko alam kung matatanggap ko,"naiiling nitong sabi.

"Salamat po,Uncle.."sinsero niyang sabi.

"Just promise me..kapag sinaktan ka ni Zeil sabihin mo agad sakin,"mariin nitong sabi.

Nilingon muna niya si Zeil na may maliit na ngiti sa mga labi saka ibinalik ang tingin sa Uncle niya.

"Promise po,"tugon niya.

"Masaya ako para sa inyo ni Zeil!"untag ng Tita Valerie niya.

"Thank you po,Tita!"nakangiti niyang pasasalamat rito.

"Let's cheer!"anito sabay angat ng isang baso na may laman na tubig.

Natatawang dinampot niya ang baso niya na may tubig din gayundin si Zeil na napapailing.

"Hey,hubby!"turan nito sa Uncle niya na napipilitan naman sundin ang Tita Valerie niya.

Lihim siya napangìsi. Under !

"Cheers for our amazing Love story!"malakas na sambit ni Tita Valerie.

Pinagpingkis nila ang mga baso.

Bigla niya naalala mga panahon na magkakasabay sila kumakain sa hapag-kainan ay isa lamang sila normal na pamilya. Tinuturing nila ni Zeil na magkapamilya na dahil napangasawa ng Uncle niya ang Ate Valerie nito. Tahimik lang sila at pormal lamang kapag magkakasama sila sa mesa pero ngayon...magkatabi sila ni Zeil sa hapag-kainan habang hawak-hawak nito ang kamay niya na hindi niya kailangan mailang at mahiya. Higit na sa magkapamilya ang turingan nila sa isa't-isa ni Zeil.

Mahal nila ang isa't-isa na walang pagkukunwari at walang pagdududa.

Nilingon niy si Zeil na nakatingin pala sa kanya.

Isang matamis na ngiti ang pinukol niya rito at iniangat nito ang hawak nitong kamay niya at dinala sa bibig nito para patakan iyun ng isang halik habang nakatuon sa kanya ang mga mata nito na puno ng pagmamahal.

She's so fullfilled and completed. Content and happy with this man who held her hand.

Her first love.

Her forever.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon