Chapter 6

92 3 1
                                    

Chapter 6

Athlea's POV

"Pupunta ka ng school? " tanong ni Kaira saakin.

Saturday ngayon, saktong weekends, at kasalukuyan kong inaayos ang mga dadalhin kong gamit para sa practice namin mamaya sa School. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako sa practice. Baka madisappoint sila. Baka ma-bring down ko lang expectations nila saakin, o kaya baka ako pa ang dahilan na hindi sila makapasok sa contest na yun.

"Oo eh. Practice para sa audition ng battle of the bands. " sabi ko.

Tumango tango lang siya.

"Sama ka? " pagyaya ko sakaniya.

"Kahit na gustong gusto ko. Wag nalang. May pupuntahan rin kasi kami ng family namin ngayong umaga. Next time nalang. " ngumiti siya saakin.

Hays. Walang mag susuporta saakin sa first practice ko. Kinakabahan na talaga tuloy ako.

"HOO! Inhale, exhale. "

Napatawa naman si Kaira.

"Nako best, kaya mo yan! Ikaw pa! " Napangiwi nalang ako sa sinabi niya.

"Okay sana kung makakapunta ka eh. " sabi ko habang naka-simangot.

Isa to sa plano ko. Pasamahin si Kaira sa Practice para maging close sila ni Claude. Oh dba? Pero seryoso, kinakabahan talaga ako sa practice.

"Practice palang yan. Kinakabahan ka na? " tawa niya.

"Tse! Palit kaya tayo ng pwesto. " tumigil siya sa pag-tawa.

"Ikaw kasi eh. Pumayag ka. Ayan! Tsk tsk, " sinamaan ko siya ng tingin saka siya tumawa ulit.

"Napaka supportive mo no? Grabe! " Kinuha ko mga gamit ko at lumakad na ko palabas ng kwarto ko.

"Hahah! Thank you! " sunod ni Kaira saakin.

*beep

"Ay! Nandiyan na ata sundo ko. Samahan mo ko sa labas. "

Hinila ako agad ni Kaira papunta sa labas ng bahay, agad ko naman nakita ang sundo niya.

"Sige Best. Alis na ko ah? Good luck sa practice mo, text mo ko kung may nangyare. "

"Salamat. Sige. Byee! " sumakay na siya sa kotse niya at umandar na ito palayo.

Pagkatalikod ko may nakita ako sa gilid ng bahay ko na nakatago sa mga puno.

Lumapit ako sa puno at tinignan ko kung sino yun.

"Claude? " nagulat ako ng nakita ko siya sa likod ng puno.

"Ehehe. " sabi niya sabay kamot sa ulo.

Psh. Grabe.

"Ang creepy mo. " Umiling nalang ako at naglakad na papuntang school. Malapit lang naman eh.

"Saan pupunta si Kaira? " sunod niya saakin.

"Sa bahay niya? Ewan ko."

"Asan ba bahay niya? " sabi niya sabay tingin pa sa likod kung saan dumaan yung kotse ni Kaira.

Ngumiti ako sakaniya. Grabe.

"Para kang stalker, pramis. " Tumawa ako nang malakas.

Sinamaan niya ko ng tingin.

"Sa gwapo kong to? Hindi ba pwedeng admirer? " sabi niya.

"Hooo! Sige. Admirer nalang. Hindi naman lahat ng admirer, gwapo eh. Kasama ka na doon. " sabi ko sabay tawa uli nang malakas.

Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now