Chapter 8

48 1 1
                                    

Athlea's POV

"Oh anyare sayo? "

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Bakit? Ano ba nangyare saakin? " kunot-noong tanong ko sakaniya.

"Pfft. Wait lang ah! " binuksan niya backpack niya at may hinanap.

Inirapan ko na lang siya at nilagay ko yung kamay ko sa bewang ko.

"Oh. " may pinakita siya saakin isang bagay.

"Anong gagawin ko dyan? " tanong ko sakaniya.

"Salamin. Tignan mo mukha mo! Hindi ka ba nag salamin kanina sa bahay niyo bago ka umalis? " sabi ni Claude na itinapat pa sa harap ko ang isang pink na salamin para makita ko ang mukha ko.

Hinawi ko kamay niya. "Ano satingin mo? Aalis ako ng bahay nang hindi humarap ng salamin? " taas noo kong tanong sakaniya.

"Malay ko ba. " sabi niya saka itinapat sa sarili ang kaniyang salamin at nag ayos ng buhok.

"Ano ba kasing nangyare at ganyan yang pagmumukha mo? " tanong ni Claude saakin. "Saka natulog naman tayo ng maaga kahapon. Bakit parang puyat na puyat ka? "

Inirapan ko nalang siya at nagsimula nang maglakad.

Kakaalis ko lang ng bahay. Pupunta ako ng school ngayon diba kasi may practice? Mga 1 na ko nakatulog kanina. Nagpractice ako sa pag piano eh.

"Ang gulo mo tignan, seryoso. " sabi ni Claude saakin habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"Gusto ko ganto look ko ngayon eh. May problema ka? " tanong ko sakaniya.

Tumawa na lang siya nang malakas at iniharap uli sa sarili ang salamin.

"Bakit ka may pink na salamin sa backpack mo? " tanong ko.

"Bakit? Masama ba? " tanong niya saka nilagay na yung salamin sa backpack niya.

Ngumisi nalang ako sakaniya.

"Hoy! Hindi porket lalake ako ay wala na akong karapatan mag-lagay ng pink na salamin sa backpack ko. "

"Wala naman akong sinasabi eh. "

"Wala daw... " sabi niya saka sinamaan ako ng tingin.

Nagkibit balikat nalang ako.

"Ako na magdadala ng bag mo. " hahablutin niya sana shoulder bag ko pero inilayo ko yun sakaniya.

"Bakit? " nagtatakang tanong ko.

"Para kasing mabigat eh. " sabi niya.

Totoo. Mabigat bag ko. Nilagyan ko kasi ng mga libro. If ever na wala nang gagawin mamaya ay may mababasa ako plus gumawa si Mama ng baon for me. Hmm. Dalawa pa nga yung ginawa eh. One for Prince actually. Ayaw ko nga nung una eh pero mapilit si Mama kaya hinayaan ko nalang. As if naman na ibibigay ko talaga kay Prince yung baon.

"O akin na. " sabi niya saka pilit na kinukuha yung bag ko saakin.

"Okay. " inabot ko sakaniya shoulder bag ko.

"Buti hindi ka umangal. " sabi niya saka nilagay sa balikat ang shoulder bag ko. Take note: color pink.

Ngumisi ako.

"Nag-alok ka eh. Bakit ako aangal kung pabor naman ito saakin? "

Umiling nalang si Claude na parang hindi makapaniwala sa sinabu ko.

"Claudeee. Bukas na natin gagawin yung planooo~~ " pagpapaalala ko kay Claude na may masayang tono.

"Alam ko. Kinakabahan nga ako eh. " nag-iba yung timpla nung mukha niya. Parang kinakabahan talaga.

Ikaw at AkoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu