Chapter 4

90 3 1
                                    

Chapter 4: The Four

Athlea's POV

Dismissal time na ngayon at walang tigil ang isang tao sa pasasalamat saakin.

"Salamat talaga Athlea! Matutuwa mga band mates ko nito. Siyempre isama na natin ang mga fans ko. "  sabay kindat.

Napairap na lang rin ako.

"Yabang. Medyo mahangin. " sabi ko habang naglalakad sa hallway.

Tapos napangiti siya. "Papakilala kita sa banda. "

Napatingin ako sakaniya.

"Ngayon? "

"Yes. Ayaw mo nun? Makikilala mo na sila. Tska magkakilala naman kayo ni Claude diba? "

Napatango nalang ako. Err. Sure. Si Claude kilala ko pero si Lance at Prince? No. Nakita ko naman na dati sina Lance at Prince pero never ko silang nakausap. Well si Lance... siguro makakausap ko pa siya ng maayos. Pagkakarinig ko kasi mabait daw siya. Tsaka friendly. Eh si Prince? Haysss. Prince. Kilala siya ng lahat hindi lang dahil member siya ng The Four. Kundi dahil... suplado siya. Tipid nga lang daw magsalita. Masungit. Ugh. Paano ko nalaman lahat ng to? Blame my ultimate best friend. Pamela Orfaña. Hindi niyo pa siya nakikilala. Oh well. Di pa siya lumalabas eh. Ahahaha. Nasa Paris yun ngayon. Bakasyon. Hindi lang naman si Kaira yung bestfriend ko. Lima kami.

Aww. Miss ko na sila.

Naalala ko tuloy si Claude. Nung kumakanta siya sa may balcony nila.

Er. Teka- bakit siya yung iniisip ko? =_=

"So ano? Ready? " nagulat ako ng mapansin kong nasa harap na pala ako ng special room ng The Four sa school. Omygash. So now na talaga? Hindi pa ko ready.

Nakita ko na lang na binuksan ni Kurt yung door nung room at pumasok.

Claude's POV

"Hoy Lance! Asan si Kurt? " tanong ko kay Lance na ngayon ay kumakain ng Ice cream.

Nandito kami ngayon sa Special Room namin. Tapos na naman ang klase.

"Hmm. Ewan ko. Tanungin mo si Prince Charming.  "

Napatingin ako ngayon kay Prince na may kung anong pinapanood sa laptop niya.

"Prince nakita mo ba si- " =_=

"Who lives in a pineapple under the sea? Spongebob squarepants! "

Tss. Alam ko na pinapanuod nito. Spongebob squarepants.

Ugh. "Nevermind. "

Hindi ko alam kung bakit naging mga kabanda ko tong mga baliw na to. Kami lang ata ni Kurt yung matino e.

Si Lance Steven Martinez ay ang lead guitarist ng banda namin. Vocalist na rin siya. Friendly yan.

Si Prince Cruz ay ang drummer ng banda. Tipid magsalita. Suplado. Pero mahilig sa cartoons. Ewan ko dyan. Kala niyo matino siya pero pag makikilala mo siya ng mabuti parang... baliw.

Kurt Ramos ay ang main guitarist ng banda. Lead vocalist. Siya pinakaclose ko sa banda. Mula pagkabata magkakakilala na kami.

At syempre. Ehem, ehem.

Ang pinakagwapo, pinakamatino, pinakamabait, at ang leader sa banda ay walang iba kundi ako.

Claude Castellana. At your service. Main vocalist.

Magigitara na lang ako.

Nagulat kaming lahat ng biglang may pumasok sa room namin.

"Hoy! Kayo! Bakit wala pa kayong female vocalist? "

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon