Chapter 13

9 0 0
                                    

Hi guys! Sa kung sino man makakabasa nito. Hi haha. Slow update po ang meron ako dito sa story na to. Pagpasensiyahan niyo na lang po pero hindi po planado story ko each chapter. Kung ano lang po yung pumasok sa isip ko... So kung medyo naguguluhan na po kayo. Sorry po HAHA. Kung may mga hindi kayo maintindihan or medyo hindi maganda updates ko sa previous chapters. Sorry po talaga. I'll do my best para matapos ko po tong story. Iyon lang po :)

Athlea's POV

"Ibibigay ko na sainyo yung bagong schedule ng mga gigs niyo at yung practice time natin. " sabi ni Ate Camille na nakatayo habang nagbibigay ng papel saaming lahat.

Tinitignan naman namin yung mga schedule. Hindi naman ganun ka-hassle. So agree naman ako rito.

"Yung battle of the bands audition, mga next next week na. Exactly December 5. So kailangan na natin mag-practice ng mag-practice ngayon. "

Tumango-tango naman kami. "Final na ba talaga na yung Falling yung kakantahin niyo? "

Tumango kami. "Iyon na. Nag-simula na naming ipractice yung kantang iyon eh. " sabi ni Kurt.

"Pero marami pa kaming aayusin para mapaganda yung performance. " sabi ni Claude.

Pumalakpak naman si Ate Camille at nagtatalon talon. "Excited talaga ako sainyo. "

"Huwag ka masyadong mag-expect saamin, manager. " sabi ni Lance.

Inirapan siya ni Ate Camille. "Sakanila, ini-expect ko talaga na maganda yung performance nila. " sabi niya sabay turo pa sa amin apat. "Pero sayo? Wala akong ini-expect " pang-asar ni Ate Camille.

Nag-iba naman yung timpla ng mukha ni Lance. "Aba! Ano ibig mong sabihin? "

Hindi siya pinansin ni Ate Camille at tinignan yung watch niya pagkatapos ay tumingin saamin at ngumiti. "Ipagpatuloy niyo yung pag-practice niyo ngayon. May pupuntahan ako. "

"Saan? " tanong bigla ni Lance.

"May imi-meet lang akong kaibigan. " sabi ni Ate Camille at agad agad na umalis.

"Si Ren siguro yung imi-meet niya. " sabi ni Claude.

"Ren? " tanong ko.

"Transferee na naging close niya agad. " kwento ni Claude at biglang tumayo tapos pumunta sa gitara niya at mukhang tino-tono.

Nalipat naman yung tingin ko kay Lance. Nag-iba bigla yung mood niya.

I think.... Tama yung hinala nina Kurt dati kay Lance.
Napangiti ako. Hayy... May dalawa na kong kilalang kaibigan na torpe.

"Bakit nakangiti ka? " tanong saakin ni Kurt. Doon ko lang napansin na ang lapit pala niya saakin. Katabi ko kasi siya.

Umiwas ako ng tingin. Bakit feeling ko namumula ako? Tapos hindi ako makahinga.

"Uhmm wala. May naalala lang ako. " sabi ko pero hindi parin makatingin sakaniya.

"Ah. " narinig ko nalang na sabi niya.

"Athlea? May sakit ka ba? Namumula ka kasi eh. " nag-aalalang sabi ni Lance tapos lumapit saakin.

Nagulat ako nung biglang hinawakan ni Kurt yung noo ko. "Wala ka namang lagnat? May masama ba sa pakiramdam mo? " tanong niya.

Umiling-iling ako. "Uhmm wala. "

"Sure ka? Okay lang kung kami muna mag-practice. " sabi ni Kurt.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now