Chapter 7

57 2 1
                                    

Chapter 7: 'The Plan'

Athlea's POV

"Nakausap mo na ba si Pamela? " tanong ni Kaira habang nginunguya ang Chocolate Cake na binili daw niya kanina.

"Uhmm. Hindi pa nga eh. Hindi pa ko kinocontact simula nung pumunta ng Paris. Nagpapakasaya na siguro yon doon at nakalimutan tayo. " sabi ko at umiling.

Tumawa si Kaira. "Kung sabagay... pero babalik ata siya next week? "

Tumango nalang ako. Pamela Orfaña, dba nabanggit ko na? Isa sa best friend ko. Nasa Paris. Pumunta siya doon 2 weeks ago. Sanay na kami na hindi yun nagpaparamdam kapag nasa ibang bansa.

"Eh sina Monique? At Violet? " tanong ko ng sumagi sila sa isip ko.

Hinawakan ni Kaira ang noo niya.

"Ayun! Nakalimutan kong sabihin... si Monique naging busy daw siya sa Cafe niya. Madami daw kasi naging problema at si Violet naman ay tinutulungan ang Mommy niya sa pag mamanage ng Clothing line ng family niya kaya hindi sila nakakapasok these past few days. "

Monique Anne Santiago and Violet Lavender Lopez. Dalawa sa matalik namin na kaibigan. Lately kasi hindi na namin sila nakakausap at hindi na rin sila pumapasok ng school.

Tumango nalang ako.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo.

"Athlea, wait lang ah! May kailangan lang akong isend na file sa groupmate ko for our project. Punta lang ako sa taas. " sabi niya.

Nandito parin ako sa bahay niya pero nasa garden na kami ngayon. Dito niya kasi gusto kumain.

"Osige. Take your time. " ngumiti nalang ako kay Kaira.

Lumakad na sa loob ng bahay si Kaira, susunod na sana si Ate Rosa ng tinawag ko siya.

"Psst. Ate. " tawag ko sakaniya ng sobrang hina. Para naman hindi marinig ni Kaira.

Napatigil siya sa pag sunod kay Kaira at tumingin saakin.

"Ako po? " tanong ni Ate Rosa.

Si Ate Rosa ay kasambahay dito sa bahay ni Kaira. Ka-edad na rin namin ni Kaira. Simula bata pa lang ay nandito na siya. Anak siya ni Manang Tessa, yung nagbukas ng gate kanina. Hmm. Ang pagkakaalam ko sobrang close ang pamilya ni Kaira sakanila kasi si Manang Tessa ang nag alaga sa nanay ni Kaira mula noong kabataan. Kaya hanggang ngayon ay hindi mahiwalay si Tita Flor, nanay ni Kaira, kay Manang Tessa. Ayun. So parang kababata na rin ni Kaira ang anak ni Manang Tessa na si Rosa. Si Ate Rosa ay scholar na rin sa unibersidad namin. Inalok naman nina Tita Flor si Ate Rosa na sila na ang magbabayad ng tuition niya pero hindi naman ito tinanggap ni Ate Rosa dahil nakakahiya raw at pwede naman siyang mag-scholar.

At kung tatanugin niyo kung saan ko nakuha lahat ng impormasyon tungkol sakaniya. Ay dahil tsismosa ako. Ahaha.

Tumango ako sakaniya. "Ate Rosa, pwede po bang makipag-usap sayo? "

"Oo naman. Ano po ba ang pag-uusapan? " tanong niya

"Upo ka muna ate. " tinuro ko yung upuan sa harap ko.

Nagtataka man ay umupo na rin siya sa upuan.

"Uhmm. Ate. Diba close kayo ni Kaira? " tanong ko.

"Ahh. Oo bakit?. " sabi niya sabay ngiti.

"Pwede po bang mag-tanong ng mga tanong? " sabi ko.

"Uhmm. Pwede. " Sagot ni Ate na parang naguguluhan.

"Ano po favorite restaurant ni Kaira? " tanong ko.

Kahit nagtataka si Ate Rosa sa tanong ko ay nagawa niya pa rin sumagot.

Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now