Chapter 9

33 1 0
                                    

Athlea's POV

"Lapitan mo na! " tulak ko sakaniya.

"Ngayon na talaga? " pagpigil niya.

"Ngayon na. Kala ko ba ready ka na? Lapitan mo na! " pagtulak ko pa sakaniya pero ayaw niya parin eh.

Sunday na. Nasa main door kami ng cafeteria ngayon at kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Palakad-balik kasi kami kanina pa. Pinipilit ko kasi siyang lapitan si Kaira na mag-isa ngayon na kumakain sa table.

"Pwedeng bukas nalang? " bulong niya saakin.

"Hindi! Hindi pwedeng bukas! Ngayon dapat. Kaya gawin mo na. " tulak ko sakaniya.

"Kinakabahan ako. " bigla niyang sabi.

"Lalapitan mo o uupakan kita? " hamon ko sakaniya.

Tumayo siya ng diretso. "Eto na. Grabe naman to. Hindi makapaghintay? "

Umiling nalang ako sa inakto niya. As if naman na uupakan ko talaga siya eh, no?

Nagsimula na siyang maglakad. Hindi ko na siya sinamahan at nanatili lang na nakatayo.

Tumigil siya at lumingon saakin. "Hindi ka sasama? "

Umiling ako. "Kaya mo na yan. "

Sinamaan niya ko ng tingin.

May sasabihin pa sana ako kaya lang may biglang tumawag saamin.

"Bes! " tumingin ako sa tumawag na iyon.

"Dito ka umupo o. Sabay tayo kumain. Isama mo na rin si Claude. " yaya ni Kaira na kumakaway ng mataas saamin mula sa lamesa niya.

Arghh. Nakita pa kasi ako.

Plan 1: SIRA!

"Ah sige, oo! " napilitan kong sabi.

Ano ba naman yan. Ang bagal kasi nitong si Claude.

"Tss. Halika na. Ang bagal mo pa kasi. " nauna na akong maglakad at sumunod siya.

Umupo ako sa harap ni Kaira. Uupo na sana si Claude sa bakanteng upuan sa tabi ko iyon nga lang ay inilagay ko yung bag ko roon. Tinignan ko siya at palihim na nginunguso yung bakanteng upuan sa tabi ni Kaira. Pang-apat lang naman kasi ito.

Nung parang nagets niya na yung ipinahihiwatig ko ay kinuha niya yung bag ko at inilipat doon sa upuan na nasa tabi lang ni Kaira.

Ipinalo ko nalang ang noo ko. Ano ba naman itong lalaki na to? Slow much. Kala ko naman nagets niya,

"Nako Claude, yung bag ko. Dapat nandito sa tabi ko, may kailangan kasi akong tignan roon. Tapos doon ka umupo sa tabi ni Kaira. " natutuwang sabi ko sakaniya.

Halata naman na nagets ni Claude yung ipinahihiwatig ko, bigla kasi siyang namula. Inilipat niya yung bag sa tabi ko at nagtanong kay Kaira na ngayon ay nakatingin lang saamin.

"Uhmm. Eh. Kaira... pwedeng dito ako umupo? " mabalang na tanong ni Claude kay Kaira habang itinuturo yung bakanteng upuan sa tabi niya.

Palihim akong ngumiti. Hooo. Go for gold, Claude!

"Uhmm. Osige. " sabi ni Kaira at ngumiti na rin.

Napangisi ako nung sumangayon si Kaira. Omygash. This is it.

"Buti nalang nakita ko kayo. Wala akong kasamang kumain dito eh. " masayang sambit ni Kaira.

"Oo nga. " pagsang ayon ko nalang kahit na ayaw kong nakita niya kami kanina. Hmp. Ang bagal kasi ng Claude na to.

Ikaw at AkoKde žijí příběhy. Začni objevovat