Chapter 11

9 0 0
                                    

Magulong update. Sorry po. Sorry po sa mga errors or ano pa man. Sana po magustuhan niyo po tong chapter and yas. Ayun lang po.

Claude's POV

"Wow ang ganda naman ng mga paintings na nandito. " masayang sabi ni Kaira habang nakatingin sa mga paintings dito sa art exhibit.

I smiled, "Parang ikaw. " then doon ko nalang narealize yung sinabi ko.

Tinignan ko siya tapos nakita ko siyang nakangiti. "Tss. Alam mo napaka bolero mo. Tumigil ka. " and then she laughed.

"Hindi ah. " then ngumiti ako.

Tumingin siya saakin na parang natatawa. "Ewan ko sayo. " nagsimula siya uli lumakad at tumingin tingin sa mga paintings na naka sabit sa mga walls.

"You like arts? " I asked her.

"You mean like? " umiling siya. "I love arts. " she said.

Ngumiti nalang ako sakaniya.

"Eh ikaw? "

"Uhh. Okay lang naman. " I said. Hindi ko naman talaga gusto o ayaw ang arts baka nasa average lang ako. I won't lie saying that I love arts dahil lang she loves arts when I really don't.

Naalala ko sabi saakin ni Athlea kanina bago kami pumunta dito. "DON'T BE AGRESSIVE. Wag mo siya masyadong i-impress sa mga bagay na hindi naman totoo. Kasi seryoso... nakakaturn-off."

"At least you don't hate it. " natatawang sabi ni Kaira.

Tumawa ako, "Yeah. " biglang naging tahimik sa paligid.

"Uhmmm so... Why do you love arts? "

"Hmmm. I don't know. Baka siguro simula bata palang ako parati na ko nakakakita ng paintings sa bahay and I appreciated it a lot. My parents are also fan of artworks so I grew up loving it too. " she told me.

"Oohh. "

"Eh ikaw? Let's talk about your band. Why did you chose it? I mean, everyone knows that you chose singing in your band than training for you father's company. "

"Actually, hindi ko rin alam. " tumawa siya.

"Alam mo, okay lang kung huwag natin pag-usapan. " sabi niya.

"Hindi. Okay lang. Hindi naman ganun ka sensitibo yung topic na yun para saakin. " sabi ko. "Atsaka di rin naman malala yung sitwasyon namin ni Dad. He supported me when I chose the band rather than his company. So okay naman kami. Wala naman tampuhan o galitan ang nangyari. "

"Ahhhh. Hindi naman pala ganun kalala. " sabi niya.

Tumango ako.

She smiled at me kaya ngumiti na rin ako sakaniya.

Iniisip ko yung step 1 na ginawa ni Athlea.
"Step 1: Stay close to her."

Siguro ngayon, may chance na ko kilalanin siya ng mas maigi.

Okay. Baka sabihin niyo na nag-mahal ako ng isang tao na hindi ko naman kilala masyado ang ugali. Napaliwanag ko na ata to kay Athlea noon eh. Wala eh, naramdaman ko nalang ito bigla. Narinig ko na talented siya, hindi malaki ulo kahit na madami na nanliligaw at higit sa lahat sobrang bait niya. Well lahat ng narinig ko, totoo.

Nakatingin lang ako sa kalayuan mula dito sa kinauupuan ko at nag-iisip ng malalim.

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop at nag-iisip ng lyrics para sa kanta. Bakit sa isang coffee shop ako tumatambay? Mas gusto ko tumambay dito kasi mas nakaka-focus ako sa pag-iisip. Maganda kasi ambiance pag nasa ganitong lugar.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon