Chapter 1

148 2 1
                                    

Chapter 1

"Where it all started."

Athlea's POV

"Athleaaaa! "

"Athleaa! Wait!"

Tumingin ako sa likod ko kung may tao ba roon bukod lang sakin.

Wala naman tao.

Tumingin ako sa harap ko ulit.

Tinuro ko ang sarili ko na para bang hindi makapaniwala.

So why is Claude Sebastian Castellana calling me?

"Hoo! buti narinig mo na ako. Kanina pa kita tinatawag. " siya na hingal na hingal sa harap ko. Nakataas lang ang isang kilay ko sakaniya.

Medyo hindi ko kasi alam ang sasabihin ko eh. Kaya idadaan ko nalang siguro sa pagtataas ng kilay.

"Soo... Hi I'm Claude Sebastian Castellana. " Sabay abot ng kamay niya sakin.

I know... nakatingin lang ako sakanya. Kaklase ko siya. Kaya syempre kilala ko siya. Claude Castellana. Actually, hindi ko naman siya nakakausap. Ngayon nga lang niya ako kinausap. Hindi ko nga alam na kilala niya pala ako. Ilang months naman na kami magkaklase pero hindi naman kami talaga naguusap. Siguro nag-uusap lang kami pag about school works.

"Okaayy? " naguguluhan na sabi ko.

"Ah eh... uhmmm.... " siya

"Sabihin mo na. " sabi ko sakaniya

"Uhmmm... "

"Uhm... sabihin mo na."

Tatalikod na sana ako sakanya ng may sinabi siya. Tumalikod nalang ako. Baka magsalita rin eh.

"Can you help me court Kaira? " napatigil ako nung sinabi niya yun.

Wait- ano? Kaira?

Napatingin ako sakanya, agad. Tumingin ako sa kanya na nakataas na naman ang kilay.

"Why? " mataray na tanong ko. If this is about Kaira, edi dapat mag-kunware akong mataray.

"Okayy... Pwedeng umupo muna tayo? " siya

Umupo ako agad sa gilid ng sahig.

Nung tinignan ko naman siya yung mukha niya parang nagtataka.

"Go. " ako

"You mean... dito tayo mag-uusap sa gilid ng hallway? " sabi niya.

Bakit hindi dito? Tumingin ako sa paligid. Wala naman masyadong dumadaan dito. Kokonti lang naman. Kanina pa kasi yung dismissal. Iyon nga lang medyo late ako ngayon sa pag-uwi kasi kasama ako sa mga cleaners ngayong araw at mas natagalan pa ako kasi ako lang ang naglinis kanina. Inindyan ako ng mga kasama kong cleaners. Pero dahil mabait ako at masipag, pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ng classroom.

Tsaka pagod na ako, ayaw ko ng pumunta sa ibang lugar para makipagusap. Kaya dito na lang sa gilid ng hallway. Maganda naman dito eh. Malamig pa nga ang sahig eh.

"Bakit hindi?"

Ngumiti nalang ako sakaniya. Saka tungkol ito sa isa kong bestfriend, hindi ko to pwedeng palagpasin.

"Okay, fine." Umupo na siya. Huminga siya ng malalim saka tinignan ako mata sa mata.

"So ano?" tanong ko.

"Please help me court Kaira. "

"Why would I help you?"

"Kasi isa ka sa mga taong napansin kong close niya."

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon