Chapter 3

81.4K 1.7K 240
                                    

Yesha's POV

Eh kasi naman pilit sila ng pilit na sumama ako dito sa pipitsuging welcome chuchu party ng buwisit na Ruki na yun. Kainis ah.

Maeexpose na naman ang kagandahan ko. Lemme flips my hot gorgeous hair, na kakatapos lang ipahot oil.

"Miss Yesha, bumaba na daw po kayo sabi ng Mommy nyo, sumabay na daw po kayo sa kanila." Tawag ng isa naming katulong.

"Sige po." Pinagmasdan ko ang sarili ko, ano ba nakakainis bakit ang ganda ko? Tss

Bumaba na ako para sumabay sa mga magulang ko papunta sa bahay nila Tita Veronica, as usual magka angkla ang mga magulang ko.

"Ang ganda ganda talaga ng baby. namin, manang mana sa Mommy nya." Puri sakin ni Mommy.

"Mommy mas maganda ako sayo. Hiyang hiya naman yung flawless skin ko sa mga wrinkles mo no." I said.

"Aba't ikaw Yeshs ha!"

"See? Look. Lalong dumadami ang wrinkles mo." Turo ko pa sa mukha ni Mommy.

"Baby A. totoo ba dumadami na ang wrinkles ko?" tanong ni Mommy kay Daddy.

At dahil mahal na mahal ni Daddy ang Mommy ko magsisinungaling sya.

"Baby D, wala kang wrinkles ok? Saka kung magpuno man ng wrinkles ang mukha mo, ikaw pa din ang kaisa isang Baby D ko .. ok? Love you. " saka hinalikan ni Daddy ang tip ng ilong ni Mommy .. para naman naghugis puso ang mga mata ni Mommy.

And I hate this feeling.

Naiinggit kasi ako sa kanila. Sila kasi yung nagpapatunay na True love exists, yung tipong akala ng ibang tao hindi magiging successful yung lovestory nila pero nagkakamali sila, Mommy And Daddy really proves it.

Nakakainis bakit yung akin wala pa din?

"Yesha c'mon .. let's go." Sumunod na lang ako kina Mommy na magkayakap pa din habang naglalakad palabas.

Sa backseat ako naupo. Habang nakikinig ng masayang kwentuhan at tawanan nila Mommy. I am so proud of my mom, napaka tatag nya, sabi nga nila ang lakas daw ng fighting spirit nya para ipaglaban si Daddy.

Alam ko ang buong kwento ng story nila. kaya kung di nyo pa nababasa, basahin nyo na .. (Seducing My Gay Boyfriend ang title, nasa My works po ni Author) haha.

Nakarating kami sa bahay nila Tita Veronica, madami din ang mga tao, pero halos lahat ay kakilala namin at kamag anak, sa isang banda ay ang mga nagtatakbuhan kong pamangkin. Tapos kumpol kumpol ang mga lalaki at babae kanya kanyang chika. Chismis dito, chismis doon.

Nakita ko agad si Vanny na may kasamang lalaki? Katabi nila si Miyu.

"Kambal!" salubong nya sakin ng makitang papalapit na ko.

"Twinnie. Hi!" Tapos nagbeso beso kami.

"Hi Vanny. " hinalikan ko naman sya sa cheeks.

"Hi Dyosa." Ayan na naman sya sa kung anu anong tawag samin. "By the way si Jac nga pala. Sya pala ang Photograpaher ngayong gabi." Napapatango na lang ako sa sinabi nyang masyadong obvious naman talaga. Maya nakasabit kasi na DSLR sa leeg nito.

Alangan pagkamalan waiter diba? Utak kasi.

"Hi." I said.

"It's really my pleasure to meet the Goddess of Aragon, miss Yesha." Wow. I like him na talaga. He's about to kiss my hands ng biglang may lumapit na lalaki.

Oh c'mon akala naman natin si Ruki eh wala na ngang paki alam sakin yun. Si Peter ang biglang dumating.

"Hi Yesha."

Aragon Empire : deja vuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon