Chapter 1

140K 2.1K 246
                                    

AE 1

Miyu's POV

Miyu Dale Aragon. 25.

Bumaba ako ng hagdan para lang mag almusal mag isa. Yeah tama kayo ng dinig .. magisa na lang ako sa apat na sulok ng mansyon namin. In case na hindi nyo alam may mga sarili ng pamilya ang dalawa kong kapatid, while Nanay and Tatay ay naka vacation mode ang peg.

I still remember what Tatay said nung nagpaalam sila sakin.

"Gagawa din kami ng Nanay mo ng baby."

I rolled my eyes. Wish ko lang makahabol pa sila ni Nanay.

All my things are prepared. Nagta-trabaho ako ngayon sa Aragon Empire. And I must say that I'm enjoying myself in the business industry. It must run in my blood.

But there still one thing na gusto kong mangyari. OA, but I wanted to have my own lovelife. I can proudly say na I'm NBSB. Yeah tama kayo ng dinig wala akong nagiging boyfriend ever since.

At masyado na akong excited to have aboyfriend. Chessy but there's a rule na nananalaytay sa dugo ng mga Aragon, lahat ng mga nagiging first boyfriend or girlfriend namin ay yun na din ang nakakatuluyan namin.

As in lahat ng mga Aragon. Walang pumalya samin.

Our first is our last.

I'm a hopeless romantic ever since I can't remember. I'm a writer. What my readers don't know is that .. What I write are all facts from our very own life story. Isang story na lang ang hindi ko pa naisusulat.

My own together with Yesha's story.

Speaking of Yesha..

"Twiniiiieee!" sigaw nito. Excited sya. Oo excited talaga ang Lola nyo dahil ngayon ang balik ni Sir Ruki.

Ruki Kiuchi.

"Yes kambal?" I ask without looking at her.

"Let's go naaaaa!" tili nito. I look at her. From head to toe.

Siguro kung ibang babae ang titingnan ko mako-concious sila. But si Kambal? Umikot pa sya para lang ipakita sakin ang ka-dyosahan nya.

She looks like a real Goddess wearing a white flowy dress and heels. Habang nakasabit sa kaliwang kamay nya ang black shoulder bag from Paris and a black blazer. Naka lugay ang brown curly hair. A light make up with a big smile.

"Di ka naman masyadong excited sa pagbabalik ng Buko mo no?" binalik ko ang pansin ko sa pagkain.

"Hindi no." echoserang froglet na to. Hindi daw pero ang aga aga akong kinalampag.

Well di ko naman sya masisisi sa sobrang pagiging excited nya. Know what? Babalik lang naman ang kanyang first love at self-acclaimed Destiny. Buti pa ang lola nyo nahanap na ang destiny nya. Ako kaya? Kelan?

At dahil sa sobrang pangungulit ni Kambal sakin. Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Gamit kasi namin ang kotse nya. Kahit mayaman kami ay uso pa din samin magtipid,

De joke lang. sabihin na natin na sa sobrang clingy namin sa isa't isa. Kaya pati sa kotse ay nagse-share kami. Pero syempre may limitation din naman ang sharing namin lalong lalo na sa lalaki no!

We used to treat each other like real Twins. She calls me Twinnie and I call her kambal.

At dahil masyadong excited si Kambal ako muna ang nag drive papuntang Office.

"Twinnie okay na ba ako?" kinurap kurap pa nya ang kanyang mga mata na tila nagpa pacute sakin. Sabay spray ng favorite perfume nya.

"Loka ka. Wag ka saking magpa cute hindi ako si Sir Ruki!" biro ko sa kanya.

Aragon Empire : deja vuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon