Chapter 2:
Yesha's POV
Excited na ko makita si RukiBabes ko. Ano na kayang itsura nya? Pogi pa din kaya sya? Hmp baka nga manong na ang itsura nun..
Pero bakit ba ganito na lang ako ka excited na makita sya? Akala ko talaga matagal na akong naka move on. wala naman akong nagiging jowa pero kahit papaano di na ako umiiyak pag naiisip ko yung naudlot naming love story.
Nandito ako ngayon sa powder room.. syempre kailangan kong magpaganda para sa aking Prince Charming. Hindi naman siguro masamang umasa diba? Kahit paano, malay nya, malay natin, biglang magbago ang ihip ng hangin tapos sya na pala tong patay na patay sakin.
Don't worry guys. Hindi ko agad isusuko ang bataan. Magpapapilit muna ako, mga Five minutes. Eh! medyo matagal na nga ang five minutes eh, ge two minutes na lang, baka kasi mainip si RukiBabes ko pag nag antay sya.
Tiningnan ko ulit ang itsura ko, hmm much better. Mukha na akong dalagang dalaga, hindi na ako yung Yesha na teenager na habol ng habol sa kanya. I flipped my hair and smiled sweetly. Ang ganda ko talaga kainis!
Nag spray lang ako ng perfume then lumabas na ako. Hinanap ko kaagad si Twinnie dahil kailangan ko ng support nya ngayon. Pero nasaan na ba yung babae na yun? Mukhang lumayas na naman? Looking for her Prince Charming too? Hmm
Bahala na nga! basta didiretso na ako sa function hall para makiusyoso sa bagong board member ng Aragon Empire na walang iba kundi si RukiBabes.
Puno na ang function hall ng makarating ako, nakatayo ang ilang empleyado, at ng nakita nila akong paparating ay agad silang nag give way sakin. Why not? Ako lang naman ang nag iisang anak ni Dianne at Art.
Naglakad ako ng taas noo. As expected may mga nakalaan na upuan para sa mga may posisyon. Isa na ako doon.
katabi ko sila Kuya Storm at Kuya Elo.
"Where's Miyu?" tanong ni Kuya Elo sakin.
"Kuya kelan pa ako nagging hanapan ng mga taong nawawala?" tanong ko sakanya.
"Kayo ang magkasama ni Miyu kanina. Malamang sayo ko sya hahanapin."
"I don't know." Simpleng sagot ko saka tiningnan ko naman si Kuya Storm na busy sa pag babasa ng isang papel. Nakasalamin pa sya. Curious ako kaya naman nag lean forward ako sa kanya.
"Storm ayusin mo ang pagpapakilala kay Ruki mamaya ah. I'll just check them." Tumayo si Kuya Elo at naiwan na lang kaming dalawa.
Serysos naman si Kuya Storm sa pagbabasa. Kaya nakibasa ako.
Hmm ..
Ruki Kiuchi, nag masteral degree sa Music, President Kiuchi Corporation na naka base sa Japan-
Natigil ako sa pagbabasa ng mag ring ang phone ni Kuya Storm.
"Hello fudgee barr?" tanong nya. Alam ko na agad na si Ate Araya ang kausap nya kaya nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"WHAT?!" sigaw nya at napatayo pa. kaya naman pati ako ay kinabahan. "Sandali lang ano.. teka wait fudgee barr hingang malalim katulad nga ng sabi ni Dad, inhale exhale, wag kang kakabahan. Wag kang magpapanic, teka ano na bang kasunod non?!" litong lito na tanong nya.
Pati ang ibang empleyado ay napapatingin na din sa kanya dahil para syang di matae na ewan, di nya alam kung uupo o aalis ba sya. Nakita kong napalayo ang phone na hawak nya sa tenga nya, malamang sinisigawan na sya ni Ate Araya.
"OO Fudgee barr papunta na ako." Saka sya nagmamadaling kiinuha ang mga gamit na nasa table.
"Sir start na daw po tayo." Nagkatitigan si Kuya Storm saka yung secretary nya for a moment. Tapos bigla nya akong tiningnan.
BINABASA MO ANG
Aragon Empire : deja vu
RomanceAragon Series #5: The Aragon Goddess and Aragon Princess Story. EVERYTHING WILL REPEAT.