Chapter 4

79.4K 1.5K 144
                                    



Miyu's POV

"Close pa rin pala kayo ni Kambal.." nasabi ko na lang kay Peter ng maiwan kaming dalawa sa table.

"Medyo."

"Anong nagyari sa inyo?"

"Ha?"

"Diba naging kayo nung highschool tayo?"

Ngumiti sya sakin at nagkibit balikat.

"Sino nagsabi sayo?"

"Sya."

"Puro talaga kalokohan yang si Yesha. No, hindi naging kami."

"Talaga?"

"Really. Naging friends lang kami .. dahil sayo."

"Sakin? Why?"

"Secret. Tara sayaw tayo?"

"Ayoko sabihin mo muna. "

"Let's dance first .." pagmamatigas nya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Kasama ang ilanag kababihan at kalalakihan ay nagsayaw kaming dalawa.

"So ano na? magkwento ka na. bakit ako naging rason ng pagiging close nyo ni Kambal?" pilit ko sa kanya habang ang kamay nya ay nasa bewang ko.

"baka hindi magkasya ang magdamag sa pagkwento ko .. kaya kung pwede ka bukas, bukas ko na lang ikekwento."

"Are you asking me a date?" alanganing tanong ko.

"Kung pwede. Pero kung hindi-"

"Hindi." Agad kong sabi.

"Ok.." mahinang sabi nya saka lumayo ang tingin. Napahiya ata.

"Hindi ako tatanggi.." sabay sundot ng tagiliran nya.

Ang sarap nyang asarin. Hindi kasi sya atulad ng ibang lalaki na mapilit.

"Susunduin kita. After your office hour?" nakangiti nyang tanong sakin.

"Sige," tapos tahimik lang kami na nagsayaw.

Natapos ang gabi na kilig na kilig ako. I can't wait na maging bukas na para sa first date namin ni Peter. Nakakainis. Kinikilig ako sa akanya.

"Over na yang ngiti na yan." Bulong ni Vanny sakin.

"He asked me out."

"Hmm .. pwede na. pero taray ah lumalablayf na kayo ngayon."

"At ikaw din." Balik ko sa kanya. Obvious naman na nilalandi nya si Jac. Ang kaibigan na photographer ni Peter.

"You know me. I can feel it." Sabay hawak pa sa dibdib nya.

At kung ano ang nararamdaman nya ay ewan ko na lang. kasi hindi ko naman ramdam ang nararamadaman nya para kay Jac. Ang nararamdamanko ay para kay Peter hahah .. naeexcite na ako sa date namin.

That would be my first date. Malay mo dun din mangyari ang first kiss. First holding hands while walking. Malay natin na dun na din sya mag propose.

First date proposal agad? Ang hawrot!

"Miyu san ka na nakarating?" vanny snapped on me.

"Senysa naman excited lang sa date ko bukas."

"Itulog mo na yan. See you soon. Medyo magiging busy lang aketch this week ha. Galit galit muna."

"Yeah. It's ok. Mag ingat ka." Paalam ko sa kanya ng sumakay na sya sa sasakyan nya.

Hinintay ko na lang sila Tatay at Nanay sa Gate para sabay na kaming umuwi. Pero nauna pang umalis ang 'reunited couples'.

Aragon Empire : deja vuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon