Chapter 1: Alone

827 182 73
                                    

ANG sarap ng tulog ko kagabi. Teka, kailangan ko pa palang maghanda ng mga lessons para kay Xander. Kumunot ang noo ko nang maramdaman kong may nakapulupot sa kaliwang braso ko kaya agad kong naimulat ang mga mata ko at napabangon.




“Wah!” Gulat na sigaw ko nang makita kong nakapulupot sa braso ko 'yong puting ahas, siya si Cici.



“Sssss” Nandidiri kong hinawakan ang ulo nito at hinila papaalis sa braso ko at dali-daling binuksan ang pinto at malakas na itinapon ito sa labas—


Ngunit...




“S-Sir?” Nanlalaki ang mga matang sambit ko, “Good morning! Pasensya na 'yong alaga mo kasi nasa loob ng kwarto ko!” 




Tarantang sambit ko nang bumungad sa harapan ko si Xander at sapol sa mukha niya si Cici. Sapol na sapol talaga ang mukha niya. What the hell?  I didn't mean it.



“Make me breakfast, mommy!” Mas lalong nanlaki ang dalawang mga mata ko nang magsalita si Xander.


Ginaya niya ang boses ng bata. He pouted his lips like a baby while holding his pet.




“Mommy is here..so we can eat together.” Parang bata na sabi ni Xander at hinalikan sa noo si Cici. At ako?




Heto naduling.



“P-Pardon? Breakfast? Me your mommy?” Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa sarili ko. Ibinaling niya ang tingin sa'kin at mas lumawak ang ngisi sa kaniyang mga labi.




“Twinkle twinkle little star
how i wonder what you are...” Kanta niya at tumalikod ni hindi man lang niya ako sinagot. What the h*ll is happening here? Confirmed!  Baliw talaga ang anak ng mag-asawang Fortesque.



Mabilis kong isinara ang pinto. Inayos ang higaan, dumiretso na rin ako sa shower room at naligo. Kaya pala walang nagtatagal sa mansyong 'to dahil may sakit sa utak pala si sir Xander. He's Xander Pheile Fortesque, ang unico hijo raw ng Fortesque.



Ang ganda ng name, ang kitid ng utak.


Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na agad ako upang makapagluto ng breakfast. Akala ko tutor lang ako pero naging maid din pala ako dito. Lalabas na sana ako sa kwarto nang biglang tumunog ang telepono, nakukunot ang noo kong sinagot ito.




“Hello?”



“This is Leticia Fortesque, how's your first day? Is everything okay?” Tanong ni madam Leticia, ina ni Xander. Buti naman at naisipan pa niyang tumawag.



“Hello ma'am, okay lang naman po ako dito pero,” Putol na saad ko.





“But? Is there any have a problem?” aniya. Oo, anak niyo ho ang problema.



“Pero hindi niyo naman po sinabi sa'kin na wala pala akong kasama dito I mean, akala ko tutor lang all around pala ako rito.”



Mahinaong saad ko, I heard her laugh. Hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ko. Hindi ko naman talaga kailangang magreklamo, ewan ko ba itong bibig ko.



“Don't worry hija, I'll double your salary.” aniya sa mahinaong boses.


“S-Salamat ho! With all your respect po, can i ask you something?” I asked her.


“Draft the formalities, go on.” aniya kaya bumuntong-hininga ako.


“May disability po—” Naputol ang sasabihin ko nang biglang namatay ang tawag, “Hello? Madam Leticia?” Paulit-ulit na bigkas ko pero wala nang sumagot sa kabilang linya kaya bumuntong-hininga na lang ako't ibinalik ito sa lagayan.




Posible kayang itinago nila ang kanilang anak dito? Tatanungin ko sana siya kung may sakit ba ang anak niya. Wala naman kasi silang nabanggit ukol sa anak nila. Aba! Malay ko bang ganiyan pala si Xander, mukhang nalipasan ng gutom.

Di kaya'y nagpapanggap lang siya?


***

“Sir Xander?” Tawag ko sa kaniya habang kumakatok sa pinto ng kwarto niya. Magkatabi lang kasi ang kuwarto naming dalawa.



Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito pala ang mansyon. 'Yong bahay kasi namin ay hindi semento, puro kahoy lang. Ang hirap kayang manirahan sa Manila.


“Sir—” Napahinto ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Xander.



“Nandito na ang breakfast mo.” saad ko habang bitbit ang malaking tray.


Isang plato ng kanin, isang soup bowl na may lamang sinigang na manok, sa isang plato naman ay may hotdog at egg. Plus isang basong gatas. Buti naman at kompleto ang laman ng mamahaling ref nila.




“Uy?” Tawag ko kay Xander nang mahalata kong kanina pa siyang nakatitig sa mukha ko.


“Feed me.” Utos niya sa'kin at pumasok sa kuwarto niya. Aba! Ako pa ang magpapakain sa kaniya?

Wala ba siyang kamay?



At saka, ang seryoso ng boses niya ngayon ah? Change mode? No choice kundi pumasok na rin ako sa loob ng kuwarto niya. Pagpasok ko palang ay naaamoy ko na ang pintura, ang gulo ng kwarto niya.

Maraming canvass, maraming paint brush, pallets, at ibang maraming art materials. Nilapag ko ang tray sa lamesa at inilibot ang tingin sa buong kuwarto niya, sobrang laki.  Ang ganda talaga pero ang baho ng mga pintura.


“Hmm” Napalingon ako kay Xander na ngayo'y nakaupo't nakanganga na parang bata.



“Ang tagal, hmm!” Reklamo niya at sumimangot. I find him funny, ewan ko pero napatawa ako ng patago sa ginawa niya. Kanina ang seryoso ng kaniyang mukha pero ngayon bumalik ulit sa pagkabata.



Kumuha ako ng isang kutsarang sabaw at nilagay sa kanin, hinalo-halo ko muna ito at saka kumuha ng kaunting piraso ng hotdog at itlog.


“Say ah!” Utos ko sa kaniya.


“Ah!” aniya na parang bata. Mabilis kong isinubo sa kaniya ang kutsara na agad naman niyang nginunguya.


“Is it delicious?”

“Yes mommy!” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.


“I'm not your mother but I can be your sister, okay—”



“Mommy, subuan mo'ko ulit bilis!” Masiglang sambit niya na ikinagulat ko ulit. Natawa ako sa slang niya. Hindi siya kabisadong magsalita ng tagalog.



“Stop calling me with that word. I'm not your mother. 'Wag kang pasaway, bilisan mong kumain at nang makapagsimula na tayo sa discussion natin. Kuha mo ba?” Tanong ko sa kaniya, tinanguan niya lang ako.



“Nga pala, ikaw ba ang gumawa ng mga 'yan? You're good at painting ah, I'm so proud of your art works.” saad ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa'kin habang tahimik na ngumunguya.


“By the way, ba't mag-isa ka lang dito?” I asked him at sinubuan siya ulit. Pero hindi niya ako sinagot. He's busy playing with his fingers.



“Your parents must be proud of you and your art works—”


“Get out!” Biglang umiba ang timpla ng boses niya. Biglang sumeryoso.




“I'm sorry sir, pero kailangan mong ubusin—”



“No need. Get out of my sight now!”


Singhal niya sa'kin dahilan para mabitawan ko ang hawak-hawak kong kutsara. Dali-dali kong pinulot ang kutsara at kinuha ang tray pagkatapos ay lumabas sa kwarto niya.



Kinakabahan ako. Bigla siyang nagalit. Napasandal na lang ako sa pinto ng kwarto niya habang hinahabol ang hininga. Okay fine, I should be careful next time.




Kailangan kong mag-ingat kung ano man ang sasabihin ko.  Bumuntong-hininga na lang ako at napailing. Kung ano man ang pinaplano ng uhog    na'to aalis talaga ako dito.

Fortesque's Obsession Where stories live. Discover now