Chapter 8: Reminiscence

437 151 37
                                    

Klay's Point of View




ANG daming bisita ngayon.




Napakapit ako sa laylayan ng dress ko nang makita kong nakatuon ang atensyon nilang lahat sa'ming dalawa ni Xander. I'm shaking inside. Kakababa palang naming dalawa  sa hagdan, he's still holding my hand. 




Hanggang ngayon nagdadalawang-isip pa rin ako sa plano ni Xander. He told me that I have to pretend—pretend our feelings is mutual. And also, kailangan ko rin daw sumabay sa mga kilos o kung ano man ang sinasabi niya.





So far i made it clear. He knows my boundary na hindi ko talaga siya gusto that's why he planned this.




“A simple lady like you is elegant and attractive. Therefore, expect their reaction. Kumalma ka lang, Klay.” Xander whispred to me. Tumango naman ako ng dahan-dahan. Chin up. Breast out.





“Kuya Xander!” Sumulpot agad si Tracy sa harapan naming dalawa. She's wearing an emerald cocktail dresss na above the knee. Nakalugay lamang ang kaniyang kulot na buhok. She has a brown curly hair. I think she's cute, bagay sa kaniya ang suot niya. She looks so pretty and fresh.



“You look stunning.” Nakangiting wika ni Xander, Tracy just rolled her eyes, “Of course kuya but,” Putol na saad ni Tracy sabay bulong kay Xander, “Ang ganda ni Klay, bagay na bagay talaga kayong dalawa!” aniya na naririnig ko naman.



“Hi Klay!” aniya kaya nginitian ko naman siya, “Tara? Sumunod  na lang kayong dalawa sa'kin.” Nakangising wika ni Tracy, tumango naman si Xander at sumunod naman kami.



“Sino siya?”






“Siya na ba ang babaeng para kay Xander?”


“They look cute together.”




Iba't ibang klaseng bulungan ang narinig ko ngayon pero hinayaan ko na lang sila. Hindi naman nila alam kung ano ang totoong namamagitan sa'ming dalawa ni Xander.





Nang makarating kaming tatlo sa dining table ay nakipagbeso-beso ako sa mga magulang ni Xander. This is a little bit awkward. Hindi ako sanay sa ganito lalo na't nakatutunaw ang mga titig ng mga kamag-anak ni Xander sa'kin.





“Halimaw! Nagbago ka na talaga!” Hinampas ni Rylan ang braso ni Xander habang natatawa. Nginisihan lang siya ni Xander, hindi ko mapigilang mapayuko dahil nahihiya talaga ako.






“Where's Xero?” Kunot noong tanong ni Xander sa kanila, “Kilala mo naman ang kapatid mo, he doesn't like crowd. Sensitive rin sa ingay 'yon.” Tito Max insisted, napatango naman si Xander.

Fortesque's Obsession Kde žijí příběhy. Začni objevovat