Chapter 3: Grand Daughter

560 177 22
                                    

Klay's Point of View




AGAD akong napabangon sa kama nang maalala kong ipagluluto ko pa pala ng breakfast si Xander, nandito pala ako para hindi maging tutor kundi para maging personal maid niya. Pero at least may advance salary na ako, hindi ko nga binilang kung ilan 'yung perang inabot sa'kin ni madam Leticia.


Napahinga na lang ako nang malalim at dali-daling nagsipilyo. Habang nagsisipilyo ako ay kinuha ko ang suklay at sinuklay ang maikling buhok ko. Naligo na rin ako at nagbihis, ilang minuto ang lumipas ay tapos na rin ako kaya binuksan ko agad ang pinto.




Ngunit pagkabukas ko pa lang ng pinto ay nakalanghap ako ng amoy ng adobo, sinilip ko ang pinto sa kwarto ni Xander ngunit nakasara pa ito. It means tulog pa siya, wala namang ibang tao dito kundi kami lang dalawa. So sino ang nagluluto? Malayo rin naman ang mga kapitbahay dito.





Napatingin ako sa wall clock, alas-says pa ng umaga. Ang aga-aga namang nagluto, nakukunot naman ang noo kong kinatok ang pinto ni Xander pero ilang katok na ang ginawa ko pero hindi pa rin siya sumagot.
Kaya naisipan ko na lang na bumaba sa hagdan, habang pababa ako ay mas lalo kong naaamoy ang masarap na adobo.





Amoy palang 'yan pero sarap na sarap na ako, how much kung matikman ko na?




Teka, sino ba kasi ang nasa kusina?





Dumiretso ako sa kusina at dahan-dahan kong pinihit ang door knob at patagong sumilip, mas lalong kumunot ang noo ko nang wala akong makitang tao sa loob. Sigurado naman akong dito talaga galing ang amoy ng adobo, pero bakit wa-










“Sino ba ang hinahanap mo?”May bumulong sa tenga ko kaya automatic na napatalon ako sa gulat at napalingon sa likuran ko.




"Ano ba? Wala naman—Xander? Ikaw?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya.




He just smirked, "Ano'ng ginagawa mo dito? Gising ka na pala?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong nakasuot siya ng puting apron.




Teka, don't tell me?





"Gumising ako ng maaga para ipagluto ka." Kalmadong wika niya, napalunok ako ng laway.


What did just he say? Parang kakaibang Xander ata ang kaharap ko ngayon ah? Parang normal, parang walang sakit. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya mabilis akong pumasok sa kusina at kumuha ng kutsilyo, nakasandal siya ngayon sa pintoan.





"S-Sino ka? Bakit kamukha mo si Xander? Ano'ng ginawa mo sa kaniya? Sabihin mo sa'kin! D-Doopleganger ka ba niya?" Singhal ko sa kaniya at itinuon ang kutsilyong hawak-hawak ko. And guess what? He just laugh at me.

Fortesque's Obsession Where stories live. Discover now