Chapter 23: Marry Her

243 99 21
                                    

Xander's Point of View


AFTER this last request which is to take Klay to her grand mother, i think it's time to let her go. Fuck it. Umabot ako sa punto kung saan hindi ko na alam kung ano ang desisyon ko.

I want to fight my love for her but how? She doesn't even care about me. And yeah, hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang kaya pala itong gawin sa'kin ni Xero. I don't know what to do. It fucking hurts.

And now seeing her while she's sleeping...mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. It's sad. Masyadong mataas ang expectation ko sa sarili ko. Ang hirap palang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa taong hindi ka rin mahal.


I think it's selfish to keep her around me. Yeah, kung saan siya masaya i will support her. Klay, i'm sorry for being me.


I sighed.


I slowly removed my jacket at itinakip ito sa kaniya. Umupo ako sa dulo ng kama, hinawi ko ang buhok na nakatakip sa mukha niya. Siguro ito na ang huling pagsasama naming dalawa. Siguro ito na ang tamang oras na bumalik sa bahay ko kung saan ako nakatira.


She doesn't need me. Tama nga si Rylan, there's no need to force dahil masasaktan lang ako and besides masasaktan din si Klay. So it's better to let her go.


Tumayo na lang ako at umupo sa sahig sabay sandal sa pader, giniginaw ako. Mataas ang lagnat ko ngayon at masakit din ang ulo ko. Pero malayo naman ito sa bituka kaya okay lang ako.


I stared her for a while. I'm sleepy but i don't want to sleep. Gusto ko siyang bantayan. Walang signal dito at wala ring masyadong dumadaang sasakyan sa lugar na'to. Bumibigat na ang mga talukap ko pero ayokong ipikit ang mga mata ko.



Ilang oras na ang lumipas pero nanatili pa rin akong gising, nakatitig sa maamong mukha ni Klay. Hindi ako magsasawang titigan siya.


Napansin kong gumalaw ang kamay niya, kahit madilim ang paligid at kahit inaantok na ako ay nakikita  ko pa rin siya. Kita kong kinuha niya ang jacket at dahan-dahang bumalikwas sa kama.


"Xander?" aniya, I took a deep breath before i answer her. "Klay...gutom ka na ba? Kumain ka na." Mahinang tugon ko sa kaniya. "Busog pa ako. Teka, bakit gising ka pa?" Tanong niya at bumaba sa kama.



"Binabantayan kita." Tipid na sagot ko. Nilapitan niya ako at hinawakan ang noo ko, "A-Ang init mo." Pabulong na sambit niya. Klay, stop doing this to me. If not, mas lalo lang akong umaasa sa'yo.



"I'm fine." I answered firmly. Tiningnan niya ako ng masama, "Here" Wika ko at inabot sa kaniya ang supot na may lamang dalawang snack container. She raised her brows.



"Ayoko." aniya at tinabig ang supot. Hinawakan niya ang braso ko kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya, "Tumayo ka nga." Inis na saad niya at pilit na hinihila ang braso ko.


I slowly stood up while staring at her.



"Umupo ka d'yan." Utos niya sa'kin habang nakaturo sa kama. Agad ko naman siyang sinunod.


Fortesque's Obsession Where stories live. Discover now