Chapter 16: Fuck

297 106 56
                                    

Klay's Point of View





PAGKATAPOS naming kumain ay hindi ko maikakailang nabusog talaga ako ngayong gabi. They're talking about their businesses, exchanging compliments especially sa mga achievements nilang naabot. While me? Para akong outcast dito, buti na lang at nandito si Xander.



Nandito ako ngayon sa loob ng banyo, kakatapos ko lang umihi. Nakatitig lang ako sa repleksiyon ng sarili ko sa salamin. I was thinking about my grandmother. Wala na akong update na natanggap simula no'ng pinadalhan ko ng pera si Saira thru online bank. Siguro i have to talk to Xander tomorrow, kasi hindi ako mapakali.



Bumuntong-hininga na lang ako at naghugas ng kamay pagkatapos ay inayos ang sarili. Well, i really like my outfit. Not to feed my ego but ang ganda ko sa damit na'to. Why Xander always knows my style?




“Oh, you're here?” Naibaling ko ang tingin ko sa aking likuran. Kakapasok pa lang ni Yuna.




I can say that she's pretty. Matangkad siyang babae. Mestisa. Maganda ang hubog ng kaniyang katawan lalo na't nakasuot siya ngayon ng isang pink fitted dress na may turtle neck. She has a long black hair, ang liit din ng mukha niya.






“O-Oo, naiihi na kasi ako kanina. Hindi ko na nakayanan.” sagot ko sa kaniya, “Hm” aniya at tumabi sa'kin.




May kinuha siya sa loob ng pulang purse niya, lipstick lang pala. “Puwede ba kitang tanungin?” Mahinaong tanong ko sa kaniya, until now curious pa rin ako sa kapatid niyang si Aya.




Tiningnan niya ako at tinasaan ng kilay, “You're already asking me a question. Anything else?” Nakataas pa rin ang kilay niyang sabi. Aba, attitude pala ang babaeng 'to.




Nagdadalawang-isip naman ako kung tatanungin ko pa ba siya, pero huminga na lang ako ng malalim. “Tungkol sa kapatid mong si Aya,” Paninimula kong wika, “Then?” aniya sabay nguso ng labi niya pagkatapos niyang lagyan ng red lipstick ang heart shaped niyang mga labi.




Magsasalita pa sana ako pero, “She's dead.” Sabat niya at inayos ang buhok niya, “She's my younger sister, she died because of leukemia.” Dagdag niya.





Leukemia? Hindi ko alam pero biglang kumirot ang dibdib ko, “Talaga?” I only uttered. She nodded at me at humarap sa'kin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.





“When i first saw you, i thought you look like her. But nagkamali ako, ang layo pala ng hitsura niyong dalawa hm—maybe both of you have the same eye shape,” Putol na saad niya at sinuri ang bawat parte ng mukha ko, “Even if she died young and if she's alive right now, i bet she's more beautiful than you, any questions?” aniya at ngumisi.




Napayuko ako dahil sa sinabi niya.





“By the way,” aniya at tininingnan ang mamahaling relo niya, “Let's talk for awhile, let me talk about your family background or at least your educational background?” aniya at ngumiti ng peke.





Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata, “What do you want to know from me?” Confident na tanong ko sa kaniya, akala niya sigurong hindi ako marunong magsalita ng english.






Hindi naman sa pagmamayabang but I graduated with a Bachelor's degree. BSED Major in English ang kinuha ko. Kaya ko ring magsalita ng english.






“Hm, this is interesting. Kindly tell me your family background first.” aniya at tinaasan ulit ako ng kilay. “Okay. But i can't tell you everything, some are confidential.” Mahinaong sagot ko sa kaniya.




Fortesque's Obsession Where stories live. Discover now