Chapter 14: Confession

360 114 11
                                    

Tracy's Point of View




BAHAGYA kong sinilip 'yung lalaking sinuntok ko sa airport. Actually, pumayag talaga akong lumabas sa Mang-Inasal kasi nahagilap ng mga mata ko ang uhog na 'yon. 






Nakasakay siya ng escalator ngayon, pababa na kami. Nasa likuran lang niya ako, i don't even know kung ba't sinusundan ko siya. Siguro, out of curiousity ko lang.





Nang makababa kami ay dobleng ingat ang ginawa ko baka mapansin pa niyang sinusundan ko siya. Or else baka isipin niya pang stalker niya ako, like ew.


Biglang sumagi sa isipan ko si kuya Xander, inlove talaga siya kay Klay. Halata naman sa mga kilos at mga tingin niya, but i feel sorry for him. Sana naman magustuhan din siya ni Klay.





Wait. Nasaan na siya?




Napahinto ako sa kakalakad nang mapansin kong bigla siyang naglaho sa paningin ko. Posible kayang umuwi na siya? Nagpalinga-linga ako pero wala talaga. Okay fine. Sa dinami-dami pa namang tao dito, hahanapin ko pa siya? Like duh, ang swerte niya. Basta ang oa ng lalaking 'yon.





Lalakad na sana ako nang may biglang humarang sa dinadaanan ko. Napaangat ang tingin ko.




“Excuse me—you?” I raised my brows. Oh, ba't biglang sumulpot ang uhog na'to sa harapan ko.






He smirked like an idiot. Duh.






“I didn't even know that you're one of my stalkers.” He said while grinning at me. Biglang kumulo ang dugo ko, ang feeling ng lalaking 'to.




“Hoy! 'Wag kang feeling d'yan! Over my dead gorgeous body, hahabulin ka? What do you think of me? Asong ulol?”
Nakataas ang kilay na sabi ko sa kaniya.





Sige, awayin mo'ko hindi kita aatrasan, boy. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao. Makapal kaya itong mukha ko.






“Asong naglalaway.” Correction niya pa at agad akong tinalikuran. Ano'ng sinasabi niya?




“Ano? Ano'ng sabi mo?” Tanong ko sa kaniya pero nagmartsa siya papalabas sa mall at dumiretso siya sa garahe.


Medyo hinihingal ako. Bago pa man niya mabuksan ang pinto ng sasakyan niya ay mabilis kong hinatak ang braso niya.
Napalingon siya sa'kin at dahan-dahang hinubad ang suot-suot niyang shades. Pwe! Mukhang ka pa lang utot.




“Hindi ako aso! At hoy, i'm not drooling. Feeling gwapo.” Bulalas ko sa kaniya at binitawan ang braso niya.





“You're just here to annoy me? Hindi ka pa nga nagsorry sa'kin.” aniya, mas lalong tumaas ang kilay ko.




“For your information, hindi mo kailangan ng sorry ko. Deserve mo ang suntok na 'yun ang oa mo kasi—hsjajab!”




Hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang palad niya. Infairness, ang bango ng palad niya amoy kanal.





“Puwede ba? Nabibingi na ako sa boses mo. Don't you know me?” aniya at bumitaw.





Hinahabol ko naman ang hininga kong tiningnan siya. Kaloka ang lalaking 'to.




“Wala akong pakialam kung sino ka—hoy! Aba! Harapin mo ako!” Tawag ko sa kaniya nang mabilis siyang pumasok sa sasakyan niya. Dahil sa inis ko ay sinipa ko ang gulong ng sasakyan niya pero putcha parang bakal ata ang nasipa ko.





Fortesque's Obsession Où les histoires vivent. Découvrez maintenant