Kabanata 11

1K 82 14
                                    

KABANATA 11

Lumipas na ang kahapon pero ganun pa rin. Ganun pa rin, at hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyari kahapon. Sa tuwing maalala ko yun bumibilis ang tibok ng puso ko.

Umiling nalang ako saka ko binalik sa reyalidad ang aking sarili. Inayos ko na ang mga gamit ko at saka nagsuklay ng buhok. Humarap ako sa salamin


“Uuwi na ako Jairus… Hehe maiwan na kita”sabay talikod ko. Pero may biglang humatak sa braso ko sabay yakap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko

“Promise me, you wilo take care of yourself”mahina niyang sabi sa tenga ko. Wala sa sarili akong napa-tango bilang sagot. Humiwalay na siya sa akin at saka inilapit ang kamay sa aking pisnge. Napa-iwas pa ako doon pero mas lalo niya lang itong inilapit. Inihawi niya ang hibla ng mga buhok ko at saka ito inilagay sa likod ng tenga ko.



Muli akong napa-iling sa mga naalala ko. Yung pangyayaring yang kahapon ay dapat nang kalimutan! Hinaharot lang namam ako niyang Jairus na yan! Halatang hindi yan nagseseryoso sa babae! Hmp!

“JIYEON!? HINDI KA PA LALABAS DYAN? ALAM MONG TATANGHALIIN NA NAMAN AKO TAYO NIYAN BAKIT BA NAGBABAGAL KA NA NAMAN NG KILOS!?”Sigaw ni Kuya Liam sa labas ng kwarto ko. Napa-gitla pa ako kaya naman inayos ko na agad ang aking sarili saka tumayo.

“Jiyeon, breath. Whoa!”bulong ko saka huminga ako ng malalim. “Jiyeon, Tandaan mo hindi ikaw ang tipo ni Jairus. Pinag-titripan kalang non. Naamoy kong babaero rin yun.”saka ako lumakad palabas ng kwarto ko

“Tsk, ang bagal talagang kumilos. Sa susunod na ikaw na naman ang mahuli iiwan ka na talaga namin! ”sabay talikod sa akin. Napa-nguso nalang ako saka sumunod kay kuya.

“Jiyeon, natapos mo na ba ang k-dramang nisusuggest ko? ”ngiting tanong ni Zariah. Umiling ako

“Hindi ko pa nga napapanood eh. Pero mamaya sisimulan ko na. May tinapos akonh assignment kagabi eh”sagot ko.

“So, assignment na pala ang lutang kagabi habang naka-silip sa bintana? Tapos nagpapantasya pa na akala mong may dadating na prince charming sa bahay”nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni kuya. Umiling iling pa siya “Korni mo”komento niya sa akin. Hinampas ko naman ang braso niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Sumandal nalang ako saka nagsaksak ng earphone sa tenga.

Pagdating namin sa school ganun pa rin. Palagi namang ganito na kala mo may artista nang nag-aara dito. Eh ang 7 Prince lang naman yan.

“GOSH! SHE’S HERE NA TALAGA!”
“THE QUEEN IS BACK!”
“BAGAY NA BAGAY TALAGA SILA NI JAIRUS!”
“I WANT THEM BACK! Jairus×Zianna FOREVER!”

Zianna? Hindi sila Jairus ang pinagkakaguluhan? Teka? Sino si Zianna? Pumasok na ako sa loob ng school at halos di na makalakad sa dami ng estudyanteng nagsisiksikan dito.

Natanaw ko si Jairus habang may kausap na babae. Maganda siya… siguro siya yung sinasabi nilang Zianna. Bagay nga sila

Pero?... Ano naman kung bagay sila? Ano naman sa akin yun? Dzuh! I’m the professional single here! Walang poreber sa taong bitter! Gora lang guys!

“Bungad na bungad ganito eksena. Edi Sana all”bulong ko. Nilagpasan ko nalang sila at dumeretso sa room namin.

“Psst! Late ka na naman nagising noh? Nako, Jiyeon!”biglang sulpot ni Kryssha sa tabi ko.

“Ano kaba!? Bakit ba basta basta ka nalang nasulpot kung saan saan? Para kang multong gino-ghost din eh”usal ko. Simimangot naman siya sa harap ko.

“Alam mo, parang kakaibang Jiyeon ang nakaka-usa ko ngayon? Ang bitter mo! Ang bitter bitter mo ngayon!”sabay hampas sa akin. Natawa namana ako.

“Ano ka ba. Gusto ko lang ng good vibes dahil hindi ako naka-tulog ng ayos kagabi. Kaya gusto ko, kahit walang tulog fresh at energetic ako ngayon”sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang bond paper ko at saka naglabas ng lapis.

Nag-drawing ako ng kung ano ano. Maya maya pa ay

“Oh god!”
“Is diz por ril!?”
“Sabi sa inyo girls eh! Lilipat talaga dito sa section natin si Jairus!”


Nang marinig iyon ay agad akong napa-lingon sa pinto ng room namin. Napa-awang ang bibig ko nang magsalubong ang mga mata namin kaya naman ako na ang umiwas. Teka!? Ano bang ginagawa niya dito!? Ay mali… anong ginagawa NILA dito!? Sa likod ay nakasunod sa kanya ang anim. Hindi ko alam na pare parehas pala kaming Graduating na. We are all both Grade 12. Deret-deretso siyang umupo sa may katabing upuan ko. Tinaasan ko nalang siya ng kilay saka ako bumalik sa pagdo-drawing

“Magaling pala mag-drawing si Jiyeon, pre? Dapat toh sinasali sa contest eh”masayang sabi ni Jalem.

Nako, wag niyo nang subukan

“Wala siyang interest sa mga ganun”sagot ni kuya.

Ha! Minsan haters ko talaga yang kuya ko pero mapagmahal at maunawain talaga yan!

“Sa beauty pagent lang…”dagdag niya kaya naman halos mabali ang leeg ko nang tignan ko siya ng masama. Ngumisi lang siya sa akin at saka nagtawanan ang mga tropa niya. Tinignan ko naman si Jairus habang seryosong naka-tingin sa harapan. Siguro nagkabalikan na sila nung babae kanina. Edi wow sa kanila

“Good Morning Class.”bati ng teacher sa harapan.

“Good Morning Maam!”sabay sabay din naming bati sa kanya. Ngumiti naman siya sa amin

“Alam kong alam niyo nang dito na ang bagong section nila Jairus. At may isa pang papasok. Ms. Marquez? Please introduce yourself now”usal ng guro at saka pumasok ang isang hindi katangkarang babae pero maputi at maganda. Siya… siya yung kaninang kausap ni Jairus diba?

“Hi, I am Zianna Leighna Marquez you can call me Zianna. And Jairus, if you can’t remember my name just call me mine”sabay kindat niya kay Jairus.

Ang korni.

“Dalawang taon lang naman ang lumipas pero limot na kita agad. Iisang tao lang naman na kahit matanda na ako hinding hindi siya maalis sa isip ko. “banat rin ni Jairus. Aba! Hindi papatalo ang gago. Ramdam kong tumingin siya sa akin kaya naman nilingon ko rin siya.

Mas magaling pa rin akong bumanat. Overused na yung sa kanila

“You can reminice all the past about us in just one kiss. So, let kiss you in case na nakalimutan mo talaga”ngising sabi ni Zianna

“Stop flirting. But her,”sabay turo sa akin. Halos mapatalon ako sa upuan ko nang ituro niya ako. “In just a glance,smile,or just a little word. She bring back all my memories. Yun palang ang ginagawa niya paano pa kaya kung halik na…”sabay tuon ng dalawng kamay sa lamesa ko at inilapit ang muka sa muka ko. Gulat pa rin akong napatitig sa mga mata niya

Bakit nasali ako?

Or baka naman ginagamit niya lang ako para tigilan siya ng ex niya?

“Stop na class! Bumalik na kayo sa mga upuan niyo. And Ms. Marquez doon ka nalang sa harap ni Mr. Martinez maupo. “napa-ngiti si Zianna pero agad ding mawala ng dumako sa akin ang tingin niya. Napa-lunok ako nang wala sa oras.

Hayop na Jairus toh, nandadamay pa ng inosenteng tao!



             Lunch break na at kailangan naming mauna sa canteen dahil ang mga tao doon ay daig pang hindi kumain ng isang taon sa haba ng nakapila.

“My god, Sis! Wait! Hindi ko ma-absurb lahat ng nangyari kanina!”pinaypayan niya ang sarili niya. “Totoo ba? Naging boyfriend mo ba si Jairus? Naging kayo? Omg!”gulat pa rin niyang usal. Binatukan ko siya

“Hindi! Hindi naging kami. Hindi ko rin alam kung ano pinagsasabi non but trust me! Wala akong kaalam alam kung bakit niya ginawa yun.”paliwanag ko.

“Pero bakit niya sinabi yun?”tanong niya

“Aba malay ko! Hindi ko naman alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng hayop na yun. Bigla ba naman akong dinamay!? Paano kung magalit sa akin yung ex niya at mag-misunderstand siya!? “sabay hawak ko sa dibdib ko

Hindi ko kinaya mga bes…

“Wala silang gagawin sayo”biglang sabi ni Jairus. Kasam niya si Vincent at silang dalawa lang. Siguro nasa loob na  ng canteen yung iba

“Bakit mo kase ginawa yun? Paano kung may biglang manabunot sa akin dyan sa labas ng school?”inis na sabi ko

“I’m here. Masyado kang nag-o-overthinking dyan. Tara na pumasok na tayo sa canteen”sabay hila sa akin. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao.

Pilit kong inaalis ang kamay ni Jairus sa pulsuhan ko pero ang lakas niya


“Wow, so romantic. Just to remind you Jairus. Babalik ka rin sa akin”hindi ko napansin na nasa harap pala namin si Zianna kasama ang dalawang babae.

“Never. I have my girl now”sagot ni Jairus


____________________________________________________________________________
:)



The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon