Kabanata 21

502 35 3
                                    

JAIRUS’S POV

“Jiyeon, nasaan ka na ba?”bulong ko.

Napahilamos ako ng aking mukha sa irita at padabog na umalis sa pagkaka-upo. Hindi ko na alam kung anong gagawin at mas lalo pang nadagdagan ang inis na nararamdaman ko dahil kasalanan ko ‘to. Dapat pala mas pinag-igihan ko pa ang pagbabantay sa kanya araw o gabi. Nawala siya sa tabi ko nang hindi man lang kami nakakapag-usap ng ayos. Hindi pa ako nakaka-hingi ng tawad sa mga nagawa kong gulo sa kanya bagkus ay inuna ko pa ang selos kaysa intindihin siya.

Oo, nagselos ako pero lamang ang pagkadismaya ko sa sarili ko. Simpleng pagbabantay at pagligtas lang sa kanya ay ‘di ko magawa samantalang si…samantalang si Vince ay nagawa ang mga ‘yon ng walang kahirap hirap.

Pumasok sa teresa ang kapatid ni Jiyeon at tumabi sa akin.

Bumuntong hininga siya, “matagal ko na ‘tong sinabi sayo. Paulit ulit hanggang sa sabihin mong naririndi ka na. Bilang nakakatandang kapatid din ni Jiyeon ay sinubukan ko din siyang ilayo sa’yo.”saad ni Liam. “Selective amnesia, ni hindi niya maalala sila Charles sa sobrang trauma.”huminga siya ng malalim at hinarap ako.

“Maaayos ko ‘to, di ba?”desperadong tanong ko.

“Alam kong may gusto na sa’yo na si Jiyeon. Sa oras ‘to, patunayan mo sa akin at sa kanya na kaya mo siyang iligtas. Kapag naiuwi mo siya dito ng ligtas… Eh di bilhin mo na 150 per kilo.”sabi niya. Napa-iling nalang sa kanya.

                             ***
JIYEON’S POV

Ang baho. Amoy araw, amoy pawis. Nangangalaw na ang mga kamay at braso ko na kanina pang nakatali. At pakiramdam ko ay bakat na ang tali sa balat ko sa sobrang higpit. May isang lalaking bigla nalang pumasok habang may dalang tray.

“Oh,”sabay lapag ng tray na puro pagkain pala ang mga laman. May isa pang lalaking sumunod na pumasok at ang dala naman no’n ay isang pitsel ng tubig.

“Kumain ka dahil maga-adventure tayo bukas. Pupunta ang bisita mo.”sabi niya. Biglang kumunot ang noo ko. May kinuha siya sa bulsa niya at nilabas ang blade. Tinanggala niya ang tali sa akin at itinutok ang blade sa leeg ko. “Kaya dapat behave ka lang.”

“Ha? Sinong bisita? Sila Kuya Liam ba?”sunod sunod kong tanong. Lumayo sa akin ang dalawang lalaki.

“Labas na kami. Bukas, malalaman mo naman kung sino ang bisita mo. Hindi mo kailangang itanong ‘yan sa’min.”sabi niya at lumabas. Ni-locked niya ‘yon at hanggang sa umalis na nga. Tinignan ako dinala nilang pagkain at tubig. Mukhang malinis naman pero bka hinaluan nila ‘to ng lason. Dinotdot ko ang isa akong daliri sa mga sause at tinikman ‘yon. Hinintay ko ang kinse minutos at okay pa rin ako ay kinain ko na ‘yon. Halos mabulunan ako dahil sa gutom.

Mabilis ko lang tinapos ang pagkain ko at tumayo. Lumapit ako sa pinto at sinilip ko kung may nagbabantay ba doon. Mabilis na bumagsak ang balikat ko nang makita ko ang tatlong lalaki doon. Hindi na ako nag-aksaya ng lakas kase alam ko namang hindi ako makakatakas sa mga ‘yan dahil nakita kong may mga baril sila.

Unang hakbang, dedz agad.

Merong dalawang bintana dito at mukhang kasya naman ako kapag lumusot ako dito. Sinilip ko na din kung gaano kataas ang babagsakan ko kapag tumalon ako dito.

“Ang taas…”napakamot ako ng ulo ko at saka nagtingin tingin sa paligid. Wala masyadong gamit dito sa loob ng kwarto kung saan nila ako kinulong. Napatalon ako sa gulat nang may biglang pumutok na baril galing sa labas. Dumapa ako hanggang matapos ang ingay. Halos manginig ako kinalalagyan ko at pinagpapawisan na din ako.

“Tarantado! Wag niyong hayaang makapasok ‘yang mga ‘yan dito! “sigaw nung isang lalaki. May sumagot sa kanya pero hindi ko na naintindihan dahil sa muling pagputok ng baril.

Nanatili akong nakadapa habang nakatakip ang dalawang kamay  ko sa aking tenga. Mahina akong nagdasal na sana hindi ko pa ito katapusan dahil hindi ko pa naisusumpa ang kumag kong kapatid at yung tropa niyang tukmol na pa-fall.

Oo! Pa-fall!

Ilang minuto din ang nakalipas ay wala na akong narinig na putok ng baril.

Putok lang mga lalaki dito na amoy araw at pawis na. Sobrang tindi na nang amoy. Solid! Nananapak!

Sumilip ako sa bintana at kita ko ang mga lalaking nag-uusap usap. May tinawagan ang isa sa kanila at mukhang sinasabi na sa amo nilang kumag din.

Maya maya pa ay may dumating na kotse at natanaw kong bumaba galing doon ang hudlong na kumidnap sa akin. 

Galit na galit niyang sinipa ang basurahan at pati ang mga upuan. Umalis sila doon at mukhang papasok na sa loob. Umalis ako sa may malapit sa bintana nang may marinig ako yabag na papunta dito.

“That cunning asshole!”sigaw niya. Pinagbuksan siya sa ng pinto ng mga alipores niya at saka lumapit sa akin. Kita ko ang galit sa mga mata niya at kulang nalang ay bumuga siya apoy sa harap ko.

Sa gulat ay hindi ko napaghandaan ang sumunod niyang ginawa sa akin. Sinabunutan niya ako at hinila patayo at saka itinulak pasandal sa pader. Galit siyang lumapit sa akin at sinakal ako.

“Tawagan mo ang kapatid mo lalo na yang boyfriend mo.”nanggagalaiti niyang sabi. Gusto ko mang sumagot ng ‘hindi ko boyfriend ang kumag na tinutukoy mo! Tanga!’ ay hindi ko magawa. Hindi na ako makahinga hanggang sa hinahampas hampas ko na ang kamay niya para alisin yon sa leeg ko.

Pabalang niya akong binitawan at lumakad palabas.

Ako naman ay habol hininga ako habang nakahawak sa dibdib. Tinignan ko nang masama ang mga lalaking lumalabas sa silid.

Tangina niyo! May araw kayo saken!

                          *****
LIAM’S POV

“Anong kailangan mo?”bungad sa papalapit na tumawag sa akin. Busy ako sa pagte-trace kay Jiyeon.

“Nasa kamay nila ang kapatid mo… tama ba?”tanong niya. Si King…

“Oo.”maikli kong sagot habang patuloy pa rin sa ginagawa. Wala akong mahanap na kaparehong sasakyan katulad sa nakita naming kumuha sa kanya. At mukhang pinaghandaan dahil hanggang doon lang sa restaurant ang nakita namin na kuhang footage galing sa CCTV sa lugar na yon.

“They called me and they asking for money. Also the my property on Palawan ay hinihingi na din nila kapalit ni Jiyeon. Si Jairus? Tinawagan din ba nila?”tanong nito sa akin. Umiling lang ako bilang sagot.

“Liam, may nahana---King? Teka, anong ginagawa m dito?”gulat na tanong ni Jalem.

“Dumadalaw,”aniya habang nakangisi. “Paki sabi kay Jairus na kapag ako ang nakakuha sa kapatid ni Liam ay sa akin na siya.”nang-aasar niyang sabi.

Biglang nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya at agad siyang kinwelyohan.

“Wag mong kakalimutang kapatid ko yang pinagsasabi mo.”banta ko sa kanya. Nanatili siyang nakangisi hanggang sa lumabas na si Jairus.

“Hey, bata! Mukhang puyat ka.”bungad sa kanya ni King.

“Don’t call that! Tell me,  why are you here?”tanong sa kanya ni Jairus.

“Tinawagan siya nung kumidnap kay Jiyeon. Nanghihingi ng kung ano ano kapalit ni Jiyeon.”ako na ang sumagot sa tanong niya.

“And you know what suprising me more?”lumapit si King kay Jairus. “Your ex-girlfriend’s brother is the mastermind of all of this. Zianna, your ex-beloved is also part of with them.”sabi niya.

“Pupuntahan ko si Zianna!”sigaw ni Jairus pero hinarang namin siya ni Jezrel at Marcus.

“You’re being careless again! Stop acting that you’re the one who’s worried here! Jiyeon is a friend and we need to make a plan to bring her back.”sabi sa kanya ni Jezrel.

“Tama si Jezrel, Jairus. Basta basta ka na naman kumikilos nang hindi nag-iisip muna.”ani Charles.

“Then what do you want me to do?! Nasa kanila si Jiyeon!”sigaw  niya. Nasapo nalang nila Jezrel ang sariling noo. Alam naming kung hindi pa namin siya pipigilan ay talagang sumugod na yan doon.

“Calm down, Jairus. Calm down.”sabi sa kanya ni Jalem.

“I have a plan, bata.”ani King.

“What?”halos sabay naming tanong ni Jairus. Gulat na napatingin sa akin si King at nanlalaki pa ang mga mata. He’s like Clyde pero syempre mas malala ang tam sa utak ang isang ‘yon.

“Takutin natin sila. Nagpadala ako ng mga tauhan ko doon para warning. Tapos kinabukasan, kayo ang haharap sa kanila. Ako ang kikilos sa likod habang binabawi si Jiyeon. Ayos ba?”ngisi niyang tanong. Napa-ngiwi sa kanya si Jairus.

“Pwede bang ako nalang ang bumawi kay Jiyeon?”irita niyang sabi. “Ayokong hawakan mo siya!”dagdag niya.

“Oh, talaga?”asar niya. Biglang may bumukas ng pinto at iniluwa noon ang nakakaasiwang pagmumukha ni Clyde.

“Hindi niyo pa rin ba nahahanap ang Jiyeon namin?”naiiyak niyang sabi.

“Hulaan mo.”ginaya ni King ang tono ni Clyde.

“Hoy! Ikaw yung nambully sa akin noon eh! Hampaslupa ka!”sigaw niya at nagbalak sumugod. Hinirang naman siya agad nila Jalem

“Clyde, pwede bang kumalma ka? Nag-uusap usap kami eh.”saway sa kanya ni Charles.

“Ako pa pinapagalitan.”mahina niyang reklamo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok sa kusina.

“Anong oras naman tayo pupunta? At sigurado ka bang gagana ‘to? Wala ka doon para samahan kami baka maghinala ‘yon na tinatakas mo na ang kapatid ko.”sabi ko. Hindi ko alam kung magtitiwala ako sa plano niya dahil ang plano ko ay patayin nalang kung sino mang animal na kumuha sa kaptid ko.

Ngumisi lang siya sa akin, “ikaw naman walang tiwala sa akin. Ako ang kinakapitan niyo noon nung panahong hirap na hirap kayo. Anong nangyari at ganito na kayo mag-isip tungkol sa akin?”tanong niya.

“Dahil pinabayaan mo din kami agad.”si Marcus ang sumagot.

Tinawanan naman siya ni King. “Dahil oras na para kayo na lumutas sa mga sarili niyong problema at maging malakas.”sabi niya.

“Kung ganon… Eh, bakit ka nandito ngayon?”tanong ko.

“Sabi ko nga diba? Iniistorbo nila ang kagwapohan ko! Bawat minuto tawag ng tawag! Edi pinuntahan ko na kayo!”inis niyang sabi. Napabuga nalang kami sabay sabay ng hangin.

***
JIYEON’S POV

Napaubo ako at may kasamang dugo pagkatapos akong sikmuraan. Binubugbog nila ngayon at halos trenta minutos na ang nakalipas ay heto pa rin sila. Kung hindi lang pumasok ang amo nila kanina ay baka nahubadan na nila at kung ano anong pambababoy ang ginawa. Apat silang nandito at wala silang ibang ginawa kundi sampalin, suntukin, at sikmuraan ako. Wala akong maalalang may ginawa ako sa kanila at mas lalong hindi ko maalala na may ginawa akong masama sa amo nilang kumag.


“You know what?”tanong nito sa akin.

“Hindi ko alam.”sagot ko. Malakas niya akong sinampal at sinigawan.

“Gago, hindi pa ako tapos magsalita.”inis na sabi nito.

“Mas tanga ka! Malay ko ba kung tapos ka na o hindi!? Hindi mo kase tinatapos yang sinasabi mo kaya ka nababara’ng putangina mo ka!”inis kong sabi. Kanina pa ako sigaw ng sigaw dahil sa sakit ng mga sampal at suntok nila. At ngayon, sumisigaw ako sa katangahan ng lalaking ‘to.


“’Yang bibig mo!”sigaw niya at akmang sasampalin na muli ako ay biglang pumasok sa silid. Isang lalaki na naman na may dalang first aid kit.

“Tigilan niyo na siya. Lumabas na muna kayo.”walang emosyong sabi ng bagong dating na lalaki.

Lumapit at itinapat ang bibig nung lalaking nakasigawan ko at bumulong.

“May araw ka rin sa akin.”mahina niyang banta.

“Pake ko naman sayo?”mataray na sabi ko. Ramdam kong parang nahihirapan na akong imulat ang isa kong mata dahil namamaga na at nagsusugat.

“Tama na yan at umalis na kayo. Gagamutin ko lang sugat niya.”mahinahong sabi nung bagong pasok.

“Tangina, pinabugbog tapos gagamutin din? Anonh trip ‘yon? Anong kaputanginahan ‘yon?”inis na sabi niya.

“Gago, umalis ka na lang kaya!? Ang baho baho ng kili kili mo!”sigaw ko sa kanya.

“Keros, ipaalala mong babae ‘to. Ibabalibag ko na talaga ‘to,”nagtitimping sabi niya. At lumapit yung lalaking may bitbit ng first aid kit. At Keros ang pangalan niya.

“Babae siya.”tanging sabi niya. Napasampal nalang ng sariling noo ang lalaking malaki ang sama ng loob sa akin.

“Mas naiinis ako sa’yo, Gago.”mahina niyang sabi.

“Sabi mo ipaalala ko, eh.”mahinahong sabi niya. Hanggang sa tuluyan nalang na umalis yung apat at si Keros at ako nalang ang natira sa silid.

“Padating na sila.”mahina niyang sabi habang kumukuha ng bulak at alcohol.

“Sila kuya!?”tanong ko. Sumenyas siya sa akin na wag akong maingay.

“Shh, alam kong pumunta na doon si King at naghahanda na para sa plano.”saad niya. Sa itsura niya kahit halos hindi ko na maimulat ang kaliwang mata ko ay napapansin kong may kahawig siya.

“May kapatid ka ba? Parang nakita na kita.”sabi ko. Mahina siyang tumawa saka dahan dahang idinampi ang bulak sa mga pasa at sugat ko.

“Si Shunjie?”natatawa niyang tanong. “He’s my little brother.”sagot niya.

“Medyo hindi na ako makamulat ng ayos.”mahina kong sabi. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim.

“Ilang oras nalang… iaalis ka na nila dito.”aniya.

“Bakit ka nga ba nandito?”tanong ko.

“Wala lang, kilala ko naman kuya ni Zianna at wala siyang alam na kahit ano tungkol sa akin na kilala ko rin si King.”sagot niya.

“Sino ba ‘yang si King?”tanong ko.

“Mamaya, makilala mo rin siya. Kaunting tiis nalang.”sagot niya. Medyo inantok na rin ako dahil sa pagod at sa matang hindi na maidilat ng ayos.


Hanggang sa nagdilim nalang buomh palagid.
_______________
: ) hello

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon